A R T I C L E 3 - S E C T I O N 3 2

233 4 6
                                    

"TITA—Mama?" pinilit ko ang matawa habang hinahaplos ang lapida ng babaeng nagpalaki sa akin.

"Ang weird naman eh!" reklamo ko bago padabog na humiga sa makapal na damo sa tabi ng puntod ni Tita—Mama.

Hanggang ngayon talaga ay napaka-weird pa rin na isiping si Tita Katya ang tunay kong ina. Kaya pala ganoon na lamang ang tanggi niya kahit na pinipilit ko siyang bumukod na at maghanap ng asawa noon. She told me na I'm all that she had and I am the only one that matters to her the most.

Ngayon ko lang talaga naintindihan ang lahat.

It was because she's my mother. Hindi man ako lumaking tinatawag siya bilang Mama, she stood beside me and made me feel her endless and unconditional love. Ibinuhos niya ang lahat ng atensyon, suporta, at pagmamahal sa akin to the point that I grew up not longing for any maternal love dahil all this time—she's with me.

Oo, nagalit ako sa tatay ko noon dahil sa pag-aakalang iniwan niya kami but then, Papa . . . Papa was just another victim in this story.

We all are. Mula kay Mama, Papa, Mama Jasmine, to Jasper, and me. Lahat kami biktima ng kahayupan ng Raymond Quintos na iyon. He ruined my and Jasper's parents' lives and we were severely affected from it.

"Baby girl . . ." Nag-angat ako ng tingin para lingunin si Mama Jasmine. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at inayos ang pagkakaupo. She beamed down at me while comfortingly rubbing my back kahit na hindi naman talaga ako umiiyak.

Noon pa man ay alam ko nang napaka-swerte ko na dahil malapit ako sa pamilyang ito. The Lopezes gave me the world, offered me all the best things in life at ayaw ko mang aminin ay alam ko sa sarili ko na ako mismo ang sumira sa buhay ko noon. I gave them up in exchange of the things I thought mattered not realizing na if they were on my shoes, they would choose me over and over again—without second thoughts.

"Your Papa and I would be waiting in the car," paalam niya bago umakyat sa ulo ko ang paghaplos ng magaan niyang kamay. "You know she only did what she thinks is best for you, right? She loves you so much, Lauren."

Pinilit kong ngumiti at tumango kay Mama. She heaved out a sigh before bending over to hug me tightly. Naramdaman ko ang magaan niyang halik sa tuktok ng ulo ko bago siya bumulong sa tainga ko kung gaano ako kamahal ng mga magulang ko at na nandito lang siya at ang pamilya niya para sa akin.

Pinanood ko sila ni Papa na maglakad palabas ng sementeryo. Maya-maya lang ay naramdaman ko ang pag-upo ni Jasper sa tabi ko. I let my head rest on his shoulder as my tears finally escaped my eyes once again.

"Jasper . . ." tawag ko sa kanya. I felt his arm draped over my shoulders before he pulled my body against him.

"I want to testify." Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya nang marinig ang sinabi ko. I know he is so against this and even Mama Jasmine shared the same sentiments with him nang sabihin ko ang desisyon ko sa kanila. But my therapist told me na the only way I could escape this dark hole that keeps on pulling me down is for me to dive down into it para hanapin ang pintuang pinasukan.

Hindi man maibabalik ng pagkakabulok sa kulungan ni Raymond Quintos ang lahat ng nawala sa akin at sa mga naging biktima niya, I am sure, ang makita at malamang pinagbabayaran niya ang lahat ng kahayupan at pambababoy na ginawa niya ay malaking tulong para maiangat kong muli ang sarili.

At kung ang tanging paraan para magawa iyon ay ang muling balikan ang pinakamadidilim at masasakit na alaala tatlong buwan na ang nakakaraan ay handa ko iyong harapin. I have Jasper, his parents, my father, and even Russianna Quintos to back me up anytime. Alam kong hindi ako pababayaan ng mga taong ito.

"Lauren—"

"I am drowning, Jasper," putol ko sa sasabihin niya habang hinahaplos ang puntod ng aking ina. 

"I am drowning in this darkness at alam ng Diyos kung gaano ko na kagustong takasan ang lahat ng ito pero . . . pero gusto ko ng hustisya." Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilin ang pagtakas ng hikbi ko na matagumpay kong nagawa.

"I wanted justice for myself, for Russel, for my father, for everything!" Pinunasan ko ang mga pasaway na luhang patuloy pa rin sa pagtakas bago ko inalis ang pagkakasandal ko kay Jasper at hinarap siya suot ang matapang kong mukha.

"That man ruined my family and yours . . . ang daming . . . ang dami-daming buhay niyang sinira—kinuha . . ." Napailing ako habang iniisip kung gaano kapuno ng dugo ang buong pagkatao ni Raymond Quintos. Mula pa lang sa ginawa niyang krimen halos dalawang dekada na ang nakalilipas hanggang ngayon . . . napakademonyo talaga.

"Hindi ako familiar kung paano ang sistema sa ganito, Jasper . . ." Hinaplos ko ang mukha niya nang makitaan ng pag-aalala ang mga mata niya. "Ang sabi ni Ate Russia . . . my statement could turn things against her father?" hindi sigurado kong tanong.

Binasa niya ang mga labi gamit ang dila bago huminga ng malalim at yumuko bago tumango. "It can or will," aniya bago muling nag-angat ng tingin at nakita ko ang pamumula at pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. "You are one of the victims."

Tumango ako at huminga ng malalim. "Then let's do this . . . please?"

Hindi ko na alam kung gaano siya katagal na tumitig sa mukha ko bago tuluyang bumagsak ang mga luha niya na agad kong pinunasan. Inabot niya ang mga kamay ko at dinala iyon palapit sa kanyang bibig para magaang halikan.

"I don't want you to do this," ani niya pero nanatili akong nakatingin sa kanya, tahimik na hinihintay ang mga susunod niya pang sasabihin.

"Pero alam mong lagi lang akong nandito para suportahan ka . . . kahit ano pa man 'yan." Lumipat ang isang kamay niya mula sa mga kamay ko papunta sa aking pisngi at marahan niya iyong hinaplos. I closed my eyes to feel his gentle touches and I have to remind myself na this is what I deserve.

Hindi ang mga nakakadiring haplos at makamundong ungol ng matandang bumaboy sa akin.

Jasper Dale Lopez is the man I deserve. A man who would love and accept me. Someone who respects me. Someone who's always there appreciated or not—he's just always there.

"After all of these . . . aalis tayo. Lalayo tayo . . ." ani niya sa mahinang boses. "Hindi mo na kakailanganin pang maalala ang lahat ng ito. After this. Pagkatapos nating maipakulong ang demonyong iyon . . . Lauren . . . lalayo tayo, hmm?"

Lumakas ang hangin sa tahimik na sementeryo at niyakap ako ng malamig na hangin. I think it's my mother asking me to do the same thing. She wanted me to get away from all of these, dahil iyon na ang pinaglalaban niya simula pa lang nang ipanganak ako sa mundong ito—ang mailayo ako sa mga taong sumira sa mga pangarap nila ni Papa.

Suminghot ako at tumango. Agad na napuno ng ginhawa ang mukha ni Jasper nang makita ang pagtango ko. Marahan niya akong hinila palapit sa kanya bago niya ako niyakap nang mahigpit.

"No one else can hurt you now, Lauren," bulong niya bago hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"Nandito na ako. I won't let them."

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon