A R T I C L E 3 - S E C T I O N 2

369 7 1
                                        

"LAUREN!" Ngiting-ngiti ako habang tumatakbo papalapit kay Mama Jasmine na bukang-buka ang mga braso habang nakatanaw sa amin.

"Hey! Don't run!" suway ni Jasper na hindi ko pinansin at nagpatuloy lang sa pagtakbo palapit sa mama niya.

"Pumayat ka, hija! Ginugutom ka ni Jasper?" exaggerated na tanong nito bago sinamaan ng tingin ang anak.

"Mama . . ." parang iiyak kong tawag at yumakap pa sa kanya patagilid.

"Ayaw niya akong pakainin ng ice cream!" sumbong ko.

"Alam mong mabilis kang sakitan ng tiyan. You already ate a lot. At hindi mo ikapapayat ang hindi pagkain ng ice cream," laban ni Jasper.

"Ma!" reklamo ni Jasper nang bigla siyang hampasin ni Mama sa balikat niya.

"Parang ice cream lang hinihiling niya—"

"Bawal nga, Ma! Ma-i-empacho siya," putol niya kay Mama na inirapan lang siya at hinarap ako.

"Tara anak. I have some ice cream here," aya nito bago ako hinila papasok sa bahay nila. Hindi niya pinapansin ang mga reklamo ni Jasper na nakasunod sa amin.

"Tumahimik ka Jasper ha? Kakain lang eh." Nang tumalikod si Mama para kunin sa freezer nila ang ice cream ay nang-aasar akong dumila kay Jasper na masama ang tingin sa'kin.

"Pag ikaw sinakitan ng tiyan, bahala ka," iritado niyang sabi bago umupo sa kaharap kong upuan.

"Vanilla ice cream for my baby girl!" ani Mama Jasmine sabay lapag ng isang tupperware ng vanilla ice cream sa harapan ko.

"Thank you, Mama!" nakangiti kong pasasalamat bago nag-umpisang kumain habang nakikipagkwentuhan sa kanilang dalawa.

Sabay naming sinamaan ng tingin si Jasper nang mapansin naming hinahatak niya palayo ang ice cream.

"Tama na! Isa, Lauren. Pinagbigyan na kita ha? 'Wag abuso," parang tatay niyang suway sa'kin nang tangka kong hatakin pabalik sa harapan ko ang ice cream.

Nakanguso naman akong bumitaw sa tupperware.

Jasper's strict with my food intake. Gustuhin ko mang kainin lahat ng makikita ko ay hindi naman marunong makisama ang bituka ko. Hindi naman ako mayaman pero ang arte ng tiyan ko!

"Jasper!" suway ni Mama Jasmine sa kanya.

"No, Ma. She'll regret eating much once her gastroparesis kicked in." Malungkot na lang akong umiling kay Mama. Totoo naman kasi yun. And he knows how painful it was since siya yata palagi ang kasama ko tuwing aatake ang sakit.

"Fine. How 'bout pineapple juice?" tanong ni Mama habang marahang hinahaplos ang buhok ko.

"That's acid, Ma."

"Tubig anak? Gusto mo?" sarcastic na tanong ni Mama na tinawanan ko na lang. Sanay na ko sa bangayan nilang dalawa.

Jasper was supposed to have a twin. But they lost her after Mama met an accident which resulted for her to give birth prematurely. Si Jasper lang ang nakasurvive sa kanilang dalawa. Dahil rin sa aksidenteng iyon ay hindi na nakapagbuntis pang muli si Mama.

Ang sabi niya, she always wanted a daughter. Kaya nga nang malaman niyang may nagugustuhang babae si Jasper ay agad niyang kinulit ito para ipakilala na. At hindi talaga ako nagsising pumayag akong ipakilala sa kanya. I found the motherly love that I never had. Si Tita Katya kasi parang Ate ko lang tapos minsan parang mas bata pa sa'kin kung mag-isip kaya ayon, halos magsabunutan kami palagi sa bahay.

Pero tanda ko pa hanggang ngayon kung gaano ako katakot noon. Sa mga KDrama kasi na pinapanood namin ni Tita Katya madalas sa mga nanay ng mayayaman na lalaki ay ayaw sa mga babaeng walang sinabi sa buhay. And since mala-KDrama nga ang peg ng love story namin nitong si Jasper ay kinabahan ako ng bonggang-bongga. Tapos, nanay ko yata si Mama Jasmine sa past life namin kasi sobrang pareho ng ugali at mga hilig namin. Mas mukha na nga ata akong anak niya kaysa kay Jasper.

"Your birthday's coming dear. Okay lang ba kung magpa-party tayo?" tanong niya habang kumakain kami ng hapunan.

"Ay Mama! 'Wag na po. Oks na iyong kasama ko kayo tsaka si Tita Katya," tanggi ko kasi the last time na sinurprise nila ako ng simpleng handaan ay sa hotel pa ang venue at naka-cater pa. Na-stress ako doon ng very slight.

"But you're turning 18, Lauren. Dapat ay engrande ang mga ganyang handaan," singit ni Papa Jeric sa usapan.

"They're right. We should celebrate it with a grand party," sang-ayon naman ni Jasper.

"True! Kakausapin ko si Katya tungkol diyan!" ani Mama Jasmine.

"Wala rin namang program, Ma. So kahit simple na lang. Wala naman akong kaibigan na iimbitahin eh," pamimilit ko. Sayang naman kasi, kung engrandeng handaan ay malamang ay may pa program 'yan si Mama. Eh wala naman akong friends na gaganap sa mga roles na 'yon.

Ewan ko ba. Friendly naman ako pero para bang banas na banas yung mga kaklase kong babae sa'kin. Lumala pa noong niligawan ako nitong si Jasper at noong naging kami. May time pa nga na sinubukan pa akong i-bully. Pero nek-nek nila! Laking kalye kaya 'ko! Sanay ako sa basagan ng ulo.

"Ako nang bahala, anak!" excited na saad ni Mama na parang hindi narinig ang sinabi ko. Nagtuloy-tuloy na rin ang usapan nila ni Papa tungkol doon.

This is also one of the million reasons I love Jasper. He didn't just gave me a boyfriend, he gave me a best friend, parents, and a family. Para bang isa lang iyong hinahanap ko pero may all-in-one package kasi kaya sa haba ng buhok ko at pila ng manliligaw ay sa kanya nahulog.

"'Wag na lang tayo maghanda sa birthday ko." Tumigil sa paglalakad si Jasper habang nakahawak pa rin sa kamay ko kaya napatigil din ako. Hinahatid na niya ako pauwi.

Papasok kasi sa isang maliit na eskinita iyong bahay namin kaya hanggang sa labasan lang ang sasakyan nila. Tapos nilalakad lang namin papunta doon sa amin.

"Bakit? Ayaw mo?" tanong niya.

"Sayang lang kasi."

"Bakit sayang? That's a special day," kunot ang noong tanong niya. Binitawan ko naman ang kamay niya at natatawang hinilot ang kunot sa noo niya.

"Maaga kang tumatanda kakakunot ng noo mo," nakatawa kong puna sa kanya pero seryoso lang ang mukha niya.

"Kaya nga. Special day. Wala naman akong ibang friends na gustong makasama. Ayos na talaga sa'kin na kasama ko kayo nina Mama at Tita Katya." Matagal niya akong tinitigan bago tumango-tango.

"I'll try my best to convince Mama and Papa but I'm not promising anything. Nakita mo naman kung gaano ka determined ang dalawang iyon kanina." That's enough for me, kaya tumango rin ako at humalik sa pisngi niya bago siya nginitian. Bahagya niyang ginulo ang buhok ko at muling hinawakan ang kamay ko bago kami bumalik sa paglalakad.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon