ISANG malalim na buntonghininga ang ginawa ko bago tuluyang itinaas ang police line na nakaharang sa pintuan ng unit ni Lauren. Hanggang ngayon ay sira pa ang doorknob noon kaya mabilis lang akong nakapasok.
I saw how messy the whole unit was. Ipinikit ko rin nang mariin ang mga mata nang maamoy ang pinaghalong amoy ng tuyong dugo at kulob ng buong unit. The scent was disgusting but I needed to do with it. I'm sure something in here caught Forbes' attention.
Tumigil ang mga mata ko sa malaking litrato ni Lauren.
Tinitigan ko nang mabuti ang picture. She looks pretty, yes . . . but she wasn't smiling. Even her eyes weren't smiling.
The woman from the picture looks different from the woman I've been loving for years.
"If you left me for your dreams, why do you look so sad?" Lumapit ako sa picture niya at marahan iyong hinaplos.
Inikot ko ang buong unit ni Lauren pero wala talaga akong nakitang kakaiba.
The blood on the carpet?
They probably argue for it to be Russel's blood, so it's a no.
If I were Forbes, what could've caught my attention in this unfamiliar place?
Tumigil ako sa gitna ng sala. Inilibot ko ang tingin sa paligid but still, wala akong makitang kakaiba.
A few moments later, I was sighing in defeat as I dialed Forbes' number.
"Are you there?" bungad niya sa akin.
"Let me guess, you didn't find anything?"
"Obviously. Ano bang nakita mo dito?" I heard him chuckled on the other line. Minsan talaga ang hirap intindihin ng isang 'to. Sa aming lima ay siya talaga and pinakamagaling sa crim law noon, kaya laking gulat namin na family law ang pinapractice niya ngayon.
"Are you sure you looked everywhere?"
"Yes."
"Everywhere? Even the ceiling?" pagkarinig ng sinabi niya ay automatic akong napatingala at nakita ang malaking chandelier doon.
"Chandelier? Enough with your riddles, Forbes. Please lang." I heard him chuckled again but Forbes being himself, ayaw na ayaw nitong isusubo lang ang sagot. He wanted you to know or discover things yourself, he may give you clues from here and there pero hanggang doon lang iyon.
Sinubukan ko pang tingnan nang maayos ang kisame pero wala ng iba pang kapansin-pansin doon maliban sa itim na chandelier.
"Six months ago, an affair between my client's husband and their maid was proven on court. Do you know how we got substantial evidence?"
I looked up once again to stare at the huge chandelier above me.
"It's because their chandelier was special," he said before excusing himself and ending the call.
I stared at the chandelier for a while before finally rounding the whole unit once again to look for a ladder. I found one on her balcony.
"What's this?" tanong ko sa sarili habang tinitingnan ang bawat anggulo ng chandelier.
"What am I even looking for?" bulong ko habang kinakapa ang bawat bombilya.
Pasuko na sana ako nang may maramdaman akong kakaiba sa huling bumbilyang nahawakan ko. I carefully moved to check what it was and I realized that it was a mouth for a memory card!
I took it out at halos mapanganga ako nang tuluyan kong mahawakan iyon.
Forbes, you're a genius!
Pababa na ako ng hagdan nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan at mabilis na naghanap ng matataguan. I immediately ran over the balcony to hide.
"Fuck! Bakit may hagdan dito?!" Maingat kong sinilip mula sa siwang ng kurtina ang nangyayari sa sala.
I saw Roselle, Lauren's manager. She was silently staring at the chandelier above habang hindi na mapakali ang tatlong lalaking kasama niya.
I never liked this girl. The moment Lauren introduced her to me way back in college ay hindi ko na siya agad nagustuhan. Her calm and expressionless face silently screams trouble. I wasn't able to say that to Lauren before. She was ecstatic at that time. Someone finally noticed her talents and offered her some acting gigs, sino ako para sirain ang kasayahan niya. But now that the situation turned to this, sobrang laking pagsisisi ko na hindi ko siya pinigilang sumama sa babaeng 'to.
"Joey," tawag nito sa isang kasamahan.
"Ano?"
"Ibalik mo 'yong hagdan,"
"Bakit—" alma ng kausap niya pero isang tingin lang ni Roselle ay mabilis rin nitong kinuha ang hagdan na naitabi na at binalik sa pinanggalingan ko kanina.
"Something's in here. Bakit 'to aakyatin kung walang makukuha?" rinig kong sabat ng isang kasamahan nila.
"Was there something on that chandelier, Roselle?" tanong ng isang kasamahan nila habang pinapanuod ang pag-akyat ni Roselle sa hagdan.
"I don't know. Si Russel ang nagpakabit nito," she answered while doing what I did earlier. I saw how her face darkened nang tumama ang kamay niya sa bumbilyang pinagkunan ko ng memory card kanina.
"My abogado na ba si Lauren?" tanong nito habang inaalalayan ng isa sa mga kasamahan sa pagbaba. Mas isiniksik ko ang sarili sa gilid ng makitang nakatuon na sa gawi ko ang tingin ni Roselle.
I heard her footsteps nearing kaya mabilis kong inakyat ang railings at tumawid sa balcony ng kabilang unit. Ngayon lang ata ako nagpasalamat na madalas kaming tumakas sa school ni Lauren noon.
"What is it?" rinig kong tanong ng isa sa mga kasama niyang lalaki.
"Nothing. Tingnan niyo kung may na-appoint na ulit na abogado sa kanya. If it was someone decent, siguraduhin niyong hindi makakatapak sa korte para ilaban si Lauren," malamig ang boses niya habang nag-uutos bago ko narinig ang pag-sarado ng sliding door.
Lumabas ako sa pinagtataguan at muling bumalik sa balcony ni Lauren at tinignan ang ginagawa nilang apat. I memorized their faces and even took some photos of them. Medyo matagal rin bago sila tuluyang umalis ng unit. Bumalik ako sa loob ng unit at pinanuod mula sa bintana ang paglabas nilang apat sa building.
Nakita ko pang tumingala papunta sa direksyon ko si Roselle pero hindi ako natinag at nanatili lang sa kinatatayuan ko.
This woman destroyed Lauren's life. Sisiguraduhin kong sisirain ko rin ang kanya. Mabubulok siya sa kulungan at sisiguraduhin kong pagsisisihan niya ang ginawa niya sa babaeng mahal ko.
Dinukot ko ang cellphone mula sa bulsa habang nakatitig kay Roselle na nakatingala parin sa direksiyon ko. I-dinial ko ang numerong kahit kailan ay hindi ko inakalang tatawagan ko pa.
"Colton, I need you to do something . . ."
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
General Fiction3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
