"ANG hapdi . . ." reklamo ko habang pilit na inilalayo ang tela ng t-shirt ko sa balat.
"Sabi ko naman kasi sayo—"
"Pero okay lang! At least markado na kita! Nakatatak na sa balat mo ang pangalan ko. Wala nang aagaw!" nakangiti kong saad kahit na ramdam ko pa rin ang hapdi sa may bandang dibdib ko.
"Patingin nga ulit!" pangungulit ko. Huminga naman siya ng malalim bago tumayo mula sa sofa at hinubad ang shirt niya. Agad namang bumaladra sa mata ko ang yummy niyang katawan.
"Eyes up, Lauren." Ngumuso naman ako bago binaling na lang ang tingin sa kaliwang dibdib niya kung saan nakatatak ang pangalan ko.
Nagpa-tattoo kasi kami. Actually ayaw niya, kasi daw masasaktan ako pero ang dami kasing uhaw na uhaw dito sa boyfriend kong gwapo na macho pa. Mabuti nang may tanda.
My name was engraved on his skin and his on mine. Maliit lang pero kita naman agad. He had my name written on his chest in calligraphy and was shaped into an infinity symbol.
Ang sabi niya ayaw daw niya pero may ready made design agad na naisip. Kakahiya naman.
"Ang ganda talaga! Paano mo naisip ganyang design?" tanong ko sa kanya habang manghang-mangha na nakatingin sa balat niyang medyo namumula pa.
"Maganda rin naman ang iyo," ani niya. Sumimangot naman ako at tumayo rin sa sofa para hubarin ang t-shirt ko nang bigla niya iyong hatakin pababa.
"What are you doing?" kunot ang noo niyang tanong sa'kin habang pareho naming hawak ang dulo ng t-shirt ko.
"Ko-compare ko!"
"Are you crazy? Maghuhubad ka talaga sa harap ko?" tanong niya sa iritadong boses.
"Naghubad ka nga eh! Anong mali 'don?"
"Goodness gracious, Lauren! Lalaki ako!"
"Alam ko! Kaya nga shinota kita. Adik ka ba?" kunot ang noo kong balik sa kanya. Ginulo niya ang buhok niya gamit ang isang kamay habang pilit pa ring hinahatak ang damit ko sa kabilang kamay niya.
"Nakita ko na kanina 'yan . . ." mahinahon niyang sabi maya-maya.
"Drawing naman 'yon eh! Gusto ko makita iyong tapos na!"
"Lauren . . ."
"Hindi naman ako maghuhubad talaga noh! Naka-bra kaya ako!" Napa-iling na lang siya at napabuntonghininga.
Wala na siyang nagawa nang tanggalin ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa laylayan ng shirt ko at mabilis itong hinubad. Napangisi naman ako nang makita ko siyang nag-iwas ng tingin.
Gets ko naman ang pinaglalaban niya. Naa-amaze lang ako sa self-control ng isang 'to. Ang dami na naming ka-batch na najontis na. Pero itong boyfriend ko? Naghuhubad ako sa harap nito pero siya pa mag-aadjust at mag-iiwas ng tingin. Swerte ko lang talaga.
Bumaba ang tingin ko sa pangalan niyang nakatatak rin sa may dibdib ko. Simple lang iyon, 'Jasper' lang na nakasulat sa tribal font. Hindi na kasi siya pumayag na mag-design pa sa gilid kasi masasaktan daw ako lalo.
"Ang daya . . . ang ganda ng iyo eh!" reklamo ko kaya napatingin naman siya sa'kin bago bumaba ang tingin niya sa dibdib ko kung nasaan ang pangalan niya. He took a step closer to me at tinitigan iyon.
"It's beautiful. I was happy enough to have my name engraved on your skin. Kahit na hindi naman na talaga kailangan." Nakatitig lang siya sa pangalan niya ng ilang segundo bago niya saglit na binalingan ng tingin ang relo niya sa pulsuhan at nag-angat na ng tingin sa mukha ko.
"Happy 18th birthday . . ." bati niya habang hawak ang magkabila kong pisngi na ikinagulat ko.
Naluluha akong yumakap sa kanya.
I really hate celebrating my birthday. Hindi ko iyon sinasabi kahit kanino pero iyon talaga ang totoo.
My mom died on the day I was born. Anong dapat i-celebrate doon?
"Kinausap ko na sina Mommy at Tita Katya. No parties for you this year," bulong niya habang yakap ako. Ramdam ko ang mainit niyang palad na humahaplos sa likuran ko.
Masaya na 'ko sa ganito. Iyong tipong kasama ko lang ang taong mahal ko. I don't need any parties to celebrate this day. Kailangan ko lang ng taong nakaka-appreciate ng presence ko.
And that's Jasper.
My Jasper.
"A-aray . . ." daing ko nang maramdaman ang pagsayad ng bahagya pang namamagang dibdib ko sa dibdib niya.
I heard him chuckled before he put some distance between us.
"'Yan, ang kulit mo kasi," nangingiti niyang paninisi bago ako pinaupo sa couch.
Nasa sala kami ng condo niya. Minsan lang kami dito kasi sa bahay pa rin naman nila siya umuuwi eh. Inabutan lang talaga kami ng gabi dito sa city kaya dito na lang kami natulog. Nag-aasikaso kasi kami ng papeles para sa school.
Tumawag siya sa kanila kanina pati kay Tita Katya para sabihing dito na lang kami matutulog. At talagang humanda si Tita Katya pagkauwi ko dahil sasabunutan ko talaga siya ng bongga.
Sabihan ba naman si Jasper na mag-ingat sa'kin at baka gapangin ko?!
"Do you want to eat some midnight snacks?" tanong niya habang hawak ang cellphone at nagsa-scan sa foodpanda.
Dahan-dahan ko munang isinuot ang t-shirt ko at pilit na iniiwas sa tattoo bago lumapit at tumabi sa kanya para makisilip na rin ng pagkain.
"Malapit lang na dorm kunin mo ha?" sabi ko sa kanya habang nakasandal ako sa balikat niya. Sandali niya lang akong tinignan bago ibinalik ang tingin sa cellphone.
"'Di ako magdo-dorm." Napabangon ako dahil sa sinabi niya.
"Dito ka sa condo? Eh ang layo nito—"
"May bahay tayo malapit sa school," putol niya habang abala parin sa pagso-scroll ng phone.
"Ahh . . ." ani ko bago akmang sasandal ulit sa kanya nang mag-sink-in sa'kin ang sinabi niya.
"A-ano?"
"'Di tayo magdo-dorm. Nagpatayo na 'ko ng bahay natin." Nalaglag ang panga ko sa narinig.
"Anong . . . Ano?" parang tanga kong tanong.
I heard it right naman diba? Nagpatayo siya ng . . . ng bahay namin? As in . . . namin?
"Bahay natin. Sabi ko sa'yo noong nakaraan, nagpa-plano ka pa lang ginagawa ko na. Pinagawa ko 'yong bahay using my own money," nanlalaki ang mga mata pa rin akong nakatingin sa kanya.
Like, what the hell?
May bahay na kami? Agad-agad?
"Pinaalam ko na rin kina Mama and kay Tita Katya wala naman daw problema basta alam natin yung limitations natin—"
"Seryoso?" putol ko sa kanya kaya binitawan na niya ang phone at hinarap ako.
"I'm already sure we're gonna end up together, Lauren. Ngayon pa lang mabuti nang handa," nakangiti niyang saad bago mabilis na hinalikan ang labi ko at pumasok sa kwarto. Iniwan niya ako sa sala na parang tangang bahagyang nakanganga sa gulat.
May . . . may bahay na kami!
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
