MAHIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Lauren habang paulit-ulit iyong hinahalikan. Abala ang medic sa loob ng ambulansya sa pagsta-stabilize ng kondisyon niya.
"Please, love . . . please . . ." paulit-ulit kong pagmamakaawa habang walang patid sa pagtulo ang mga luha ko.
I don't what to do anymore.
The moment I saw her body bathing on her own pool of blood I lost every sense I have on my mind. Kung hindi ako pinagtulakan ni Russia papasok rito sa ambulansyang tinawag ni Papa ay baka naiwan pa rin akong tulala roon sa bahay.
Nagmamadali ang mga doctor at nurses sa pag-asikaso sa kanya papasok sa OR nang makarating kami sa ospital.
Ilang nurses pa ang pumigil at humila sa akin palayo nang subukin kong pumasok sa sarado nang pintuan ng OR.
"Lauren!" sigaw ko na para bang maririnig niya iyon.
Desperado kong hinarap ang mga nurses na nakahawak sa akin. "Parang awa niyo na . . . please . . . please save her . . . please!"
"Gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin, Sir. Please, calm down po muna." Umiling-iling ako, hindi mapakali hangga't hindi ko nakikitang maayos lang ang lagay ni Lauren.
Iniwan ako ng mga nurses sa may lobby. I can't even bring myself to sit on the chairs at paikot-ikot lang ako sa makitid na hallway.
"Tang-ina!" hindi ko napigilang mura kasabay ng pagsuntok ko sa pader.
I promised her that no one else can harm her now. Nangako akong ligtas na siya dahil nasa puder ko siya ngayon pero ano 'to?!
"JD!" Hindi ko nilingon ang humahangos na si EJ kasunod sina Mama, Papa, at Russianna.
"What happened?" gulat na tanong ni EJ habang pilit akong pinapaupo.
Gumilid ang ulo ko para lingunin si Russia at hindi ko na kailangan pang magsalita dahil halatang-halata na sa mukha niya ang sagot.
Hindi ko napigilan ang mapait na paghalakhak.
"Please tell me nahuli ang gumawa nito." Nanginginig sa galit ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung kanino o saan ko ba dapat ibunton ang galit ko.
All I wanted was for Lauren to live peacefully!
After all the pain and sufferings, nag-uumpisa pa lamang siyang bumangon muli. She was just starting to pick up the pieces of who she used to be!
"Na-locate na ng mga tauhan ng Papa mo ang location kung saan nanggaling ang sniper," sa pagtigil pa lamang ni Mama sa pagsasalita ay alam ko nang hindi maganda ang kasunod nitong sasabihin. "But the sniper's gone already."
"It was either Dad or Roselle, or maybe both of them? Hindi ko rin alam, JD. But I am sure they were both involve in this somehow."
"Russianna," hirap kong tawag sa kanya bago ako tuluyang humarap at naglakad palapit sa kanya. Mabilis na pumagitna sina Mama at EJ sa takot na baka may gawin akong hindi maganda sa senadora but all I really wanted was to ask.
To ask her what her family really wanted from us? From Lauren?
Kasi sobra na. Sobrang-sobra na.
Muling tumulo ang mga luha ko dala ng frustration na hindi ko magawang mailabas.
"JD . . ." Naramdaman ko ang kamay ni EJ sa balikat ko. He was trying to comfort me pero hindi ko talaga magawang makalma.
"Russianna . . ." basag na basag na ang boses ko nang muli kong banggitin ang pangalan niya. "Lauren asked me to choose."
Umiiyak rin akong tinitigan pabalik ng senadora. She's not saying anything and I doubt she will say anything at all. Alam niya ang kademonyohang ginagawa ng pamilya niya sa amin.
"She asked me to choose between her and the baby." I wasn't able to stop the sobs from escaping as I tried to pull everything out of me. "She said she can't live with that child. Pero hindi ko magawang pumayag sa gusto niya kasi . . . kasi natatakot ako na baka pagsisihan niya lang rin. Na baka imbes na umayos siya ay mas masira lang siya sa gagawin niya."
Naririnig ko na rin ang mga iyak ni Mama habang niyayakap ako but not even my mother's warm touch was enough to mend my bleeding heart.
"Ang sabi niya she'll rather die than have the baby." Suminghot ako at napasabunot sa sariling buhok. "Now that she's in that operating room, fighting for her life . . . paano kung tuluyan na siyang sumuko?"
"Paano kung hindi na ako sapat para piliin niya pang manatili rito?" dugtong ko.
"Russianna . . ." Napaluhod ako sa sahig habang walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko. Pakiramdam ko ay paulit-ulit na pinipiga ang puso ko habang tumatagal. Kinakapos ako ng hangin pero hindi iyon sapat para mawalan ako ng malay.
"Ano bang kasalanan ni Lauren sa inyo? Bakit niyo siya ginaganito?"
Russianna Quintos, the high and dignified senator walked over to me and kneeled in front of me. Inabot niya ang mga kamay ko habang umiiyak at mariin iyong hinawakan.
"I-I'm s-sorry, JD . . . hindi ko alam . . . alam kong hindi sapat ang sorry sa lahat ng nangyayari ngayon dahil sa pamilya ko," hinihingal na ang senadora ngunit patuloy parin siya sa pagsasalita kahit hirap at nauutal na dala rin ng pag-iyak.
"Hindi ko na rin alam ang gagawin ko," pag-amin niya. "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko! All I wanted was to give my brother and Lauren the justice they both deserve . . . pero bakit . . . bakit parang lumalala lang ng lumalala?"
"Senator . . ." rinig kong tawag ni Mama sa kanya sa gitna ng sariling mga hikbi.
"I can never forgive myself if something would happen to Lauren, JD. Siya na lang ang natitirang alaala ni Russel sa'kin. I don't want to lose her too."
Our cries of agony, fear, and anger was all that filled that narrow hallway for almost an hour before we all got tired and found ourselves quietly waiting for the doctors to come out.
Mabilis akong napatayo nang humahangos na naglabasan ang dalawang nurse at isang doktor mula sa loob ng operating room. "Guardian of the patient, please?"
Nagmamadali akong lumapit sa doktor na mabilis ring tinanggal ang surgical mask na tumatabon sa mukha nito. Agad na nagwala ang dibdib ko nang makita ang pagod at awa sa mukha ng doktor habang kaharap ako.
"Kamusta po si Lauren?" hindi ko napigilang itanong agad.
Huminga ng malalim ang doktor bago tumango na tila ba katatapos lang na kumbinsihin ang sarili sa susunod na sasabihin. Sandali niya lamang na hinarap ang nurse sa kanyang gilid na nag-abot sa kanya ng isang puting clipboard. He read the contents of the paper attached on it quickly before passing it over to me.
"Nakuha na namin ang bala, but she had lost too much blood and was already under extreme stress," ani ng doktor habang tahimik kong binabasa ang waiver na pinasa niya sa akin. "Hindi na maganda ang kapit ng bata to begin with—"
"Can't you both save them?" tanong ko matapos tuluyang maintindihan ang gusto niyang sabihin after reading the waiver.
The doctor sighed heavily and shook his head. "That would come with 5% of success rate at maaari pa nating mailagay sa panganib ang pasyente."
I heard my mother collapsed on the side nang marinig iyon. Mabilis siyang dinaluhan nina Papa at EJ para alalayan paupo sa mga upuang nakaabang sa gilid.
Naikumo ko ang mga kamay ko.
Lauren . . . what should I do?
"The patient woke up for a few minutes before the operation began." Mabilis kong naimuklat ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng doktor.
"She . . . asked about the baby."
Lauren . . . should I just . . . should we just give him or her up?
"She was calling for someone named Jasper." Ngumiti ang doktor sa akin na tila ba alam niyang ako ang tinutukoy ni Lauren. "She said . . ."
Pigil ko ang paghinga habang nag-aabang sa karugtong ng kwento ng nag-aalangang doktor.
"She said that she wanted to keep the baby." Parang mayroong isang malaking tinik ang nabunot sa aking dibdib nang marinig ang sinabi ng doktor.
Way to go, love. We'll keep him or her . . . I'm with you. Always.
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
Ficción General3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
