A R T I C L E 3 - S E C T I O N 35

283 6 7
                                        

!!TRIGGER WARNING!!

Abortion, Suicide

"LAUREN." Isang patak ng luha ang muling kumawala sa mga mata ko habang ramdam ko ang mahigpit na yakap ni Jasper mula sa likuran ko.

Hindi ba siya nang-didiri sa akin?

A monster touched me! And even impregnated me!

Paano mo nasisikmurang yakap-yakapin ako ng ganito, Jasper?

"Hey, I know you can hear me . . . you don't need to say anything." Walang tigil sa pag-patak ang mga luha ko habang nakikinig ako sa kanya. "I just want you to know that this . . . this doesn't change anything. I still and will always love you the same."

I keep thinking back. Paano kaya kung hindi ako nagpakatanga at iniwan ang lalaking ito noon? Malamang ay wala ako sa mala-impyernong buhay na ito ngayon.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ang pagpatak ng isang halik sa pisngi ko.

"How is she?" I heard Papa Jeric's worried voice followed as the sound of a door opening resounded.

"She's trying to sleep," mahinang sagot ni Jasper bago ko naramdaman ang paggalaw ng kama nang umalis siya mula sa pagkakahiga sa tabi ko.

"This is a big blow for her, anak. But to you too. How are you holding up?" narinig kong tinanong ni Papa sa kanya ang tanong na gustong-gusto ko ring itanong sa kanya.

How was he doing after all of these?

He could've had a different life. A peaceful path to the future wherein hindi na niya kakailanganin pang isipin ang kalagayan ng isang tulad ko. He could be with someone who's not in the brink of giving up to life.

"I'm okay, Pa. Nothing really matters to me now except for her to get over this. I hate seeing her lifeless eyes." Sandaling nanahimik ang paligid. Kamuntikan na akong umikot para silipin kung nandoon pa ang mag-ama nang marinig kong muli ang tahimik na boses ni Papa Jeric.

"I'm just gonna ask this just in case, Jasper . . ." Nakaramdam ako ng kaba habang nag-aabang na dugtungan ni Papa ang sinabi niya. "Have you . . . have you ever considered . . . getting rid of it?"

Mabilis na napadilat ang mga mata ko nang marinig ang hirap na boses ni papa ng itanong iyon.

"That's a baby, Pa. A life, she or he is not just an 'it'," pagtatama ni Jasper na gumulat sa akin. "And no, aborting the baby is not in my option right now. That baby is still a part of Lauren. Ginusto niya man o hindi, anak niya pa rin ang bata."

Mariin akong napahawak sa tiyan ko nang marinig ang sinabi ni Jasper. Muli na namang nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko.

I hated this fate.

I hate why I have to be the one suffering when I am nothing but a victim of those monsters.

That monster ruined my life right before I was even born! At ngayon . . . ngayon naman ay sisirain niya rin ang buhay ko?! By what? Making me carry his child?

"I want that." Huli na ang lahat bago ko pa napigilan ang sarili ko. Nang umayos ako ng upo sa kama ay kapwa nang nakatingin ang mag-amang Lopez sa akin.

I once dreamt of carrying a child. A child that looks like them or maybe a bit like me?

Noong mga panahong simple pa ang buhay ko at wala pa akong masyadong pinoproblema, motherhood is always present with my future plans. Gusto kong maging ina ng mga anak namin ni Jasper.

I envisioned us as loving, supportive, and caring parents. Not perfect but a family.

Pero ngayon? Ni wala akong makapang awa o lukso ng dugo man lang para sa batang dinadala ko ngayon. Kung mayroon man akong nararamdaman para rito ito ay galit at pagkamuhi, pandidiri.

"Lauren . . ."

"I don't want to carry this child, Jasper," nagsusumamo ang boses ko kasabay ng sunod-sunod na pag-iling habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Ayoko."

I saw a teardrop escape the corner of his left eye pero mabilis niya iyong pinunasan gamit ang kanyang kamay bago siya lumapit muli sa kama.

Bahagyang lumundo ang higaan nang umupo siya sa may gilid ko. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ko and I did my best not to flinch from his touch.

He won't easily back down on this, alam ko iyon. Kaya naman ay kailangan kong ipakita sa kanyang ito ang desisyon ko.

"Get rid of it, Jasper."

"Lauren, love . . . you need to think this through—"

"Hindi ko isisilang sa mundong ito ang anak ng demonyong iyon, Jasper. He was able to ruin my and my family's life before, hindi ko hahayaang gawin niya iyong muli. If I would give birth to this child? I would lose myself, Jasper. Pinapangako ko sa'yo, maiwawala ko ang sarili ko!"

Nanginginig ang mga balikat ko habang yakap niya ako nang mahigpit. My sobs won't stop and paulit-ulit kong hinihiling sa kanyang alisin na ang batang nasa tiyan ko.

I didn't want this.

Ayoko nito.

Ayoko sayo.

Pilit na inilalayo ni Jasper ang mga kamay kong pilit na sinusuntok ang sarili kong tiyan. How I wished she or he could just get crushed inside!

Please don't hate me so much. I just don't want to see you and forget that you were mine too because I know you will be nothing but a reminder of what that devil had done to me.

I'm sorry I became your mother. No—I don't deserve to be called a mother.

This is not your fault, but I'm sorry. I can't have you in this lifetime. Hindi ko kaya.

Kasabay ng maiingay kong hikbi at walang tigil na buhos ng mga luha ay ang tahimik na paumanhin para sa maliit na buhay na gusto kong kitilin sa loob ko.

It was really bad luck that she or he came to the wrong womb. They can't be born from me. Ipapaalala at ipaaalala lang nito ang kababuyang ginawa ng kanyang ama sa akin.

And I can't keep on living that way. I know I deserve better.

Kaya naman ay mas pipiliin kong maging makasarili.

"Get rid of this child, Jasper," muli kong pakiusap sa kanya pero mas humigpit lang ang yakap niya sa akin. "Get rid of it or I'll just kill myself?"

I felt his body stiffen and his embrace loosen. And I knew at that moment . . .

Jasper wavered.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon