"REN?" Nilingon ko si Russel habang nagpupunas ako ng pawis. Katatapos lang naming i-shoot ang habulan na scene kaya naman ay basang-basa ako ng pawis at medyo hinihingal pa.
"Here," ani niya sabay abot ng bote ng tubig at bahagya pang tinapat ang palad niya sa may taas ng ulo ko para hindi na ako masilaw sa init ng araw.
"Thank you," hinihingal ko pang pasasalamat sa kanya bago uminom sa boteng binigay niya. Siya na rin ang nagpatuloy sa pagpupunas ng pawis ko.
"You did great earlier. Wala pa akong na-handle na one take lang ang mga scene na ganoon," nakangiti niyang puri na hindi ko alam kung legit ba talaga o nagpapabango na naman ang loko.
"Pagod ka na ba?" Gusto kong tumango dahil pagod naman na talaga ako pero alam kong literal na magpapawrap-up na ang isang 'to kung nagkataon kaya umiling na lang ako. Kaya pa naman. Kawawa naman ang ibang naka-schedule dapat ang shoot ngayon kung ipapatigil na ng direktor eh ang aga pa.
"You sure?" kunot ang noong tanong niya na tinanguan ko kasabay ng isang ngiti.
"Yep, I'm good." Sabay kaming napalingon nang tawagin siya ng isa sa mga editorial staff na kasama namin. Napipilitan siyang bumalik sa station niya nang sinenyasan ko na siyang sumunod doon.
I watched his back as he walked away from me.
Mabait si Russel. Like super.
And I like him.
And I liked how much he cares for me. He numbs all the pain away, he makes all things okay for me. Sometimes he can even make me forget about everything. Even the pain.
It was like he's my escape.
And I didn't want that. Magiging madaya na naman ako kung sakali.
"Ren . . ." tawag niya habang nakaupo sa upuan ko. I was putting my stuff back into my bag. Roselle actually hired an assistant to do all of these pero hindi talaga ako sanay na ginagalaw ang mga gamit ko.
"Hmm?"
"My mom wants to meet you. She's a big fan of yours." Natigilan ako sa pagpapasok ng mga gamit ko dahil sa sinabi niya.
Alam kong kahit wala akong sinasabi kay Russel he's expecting something. Madalas na rin kaming makita ng media na magkasama and sa issue with him lang talaga ako hindi nagsalita. Usually kasi ay mabilis kong itinatanggi kapag na-link ako sa ibang artista o kilalang personalidad.
I just think he deserved more than that. Hindi ko rin naman pwedeng sabihing magkaibigan lang kami kasi obviously, hindi lang kami basta magkaibigan.
We like each other. Nando'n na nga.
Pero kasi . . . hindi pa enough.
I was looking for that intense feeling. Iyong naramdaman ko noong kami pa ni Jasper. I wanted to give him that too. Ayoko maging unfair sa kanya.
"Ren?"
But I wanted to try.
Umikot ako paharap sa kanya at sumandal sa vanity table.
"Kailan daw ba? Para maayos ko iyong sched ko?" tanong ko sa kanya. I saw how his face brightened up. Tumayo rin siya at lumapit sa'kin para yakapin ako.
"I'll ask her. Thank you," ani niya bago halikan ang tuktok ng ulo ko. I smiled tightly kahit na hindi niya nakikita dahil nakasubsob naman ang mukha ko sa may dibdib niya.
Nag-aalangan man ay pinalibot ko rin sa bewang niya ang mga braso ko.
I'll try. Let me try.
"Chill. Hindi naman nangangain sina Mommy," natatawa niyang sabi habang nagda-drive papunta sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
General Fiction3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
