P R O L O G U E

592 10 0
                                    

"UMATRAS na naman daw iyong abogado mo, hija?" worried na tanong ni Nanay Koli sa'kin habang kumakain ng tanghalian. Isang malalim na buntonghininga naman ang naging sagot ko doon.

"Yes, Nanay. I think there's no way I'll be able to get out of here," frustrated kong sagot habang pinaglalaruan ang pagkain gamit ang kutsara.

"'Wag kang mawalan ng pag-asa, hija. May awa ang Diyos," pagpapalakas niya sa loob ko habang marahang hinahaplos ang kamay ko na para bang binibigyan ako ng assurance na magiging maayos rin ang lahat.

"Sana nga po, Nay," iyon lang ang naisagot ko sa matanda bago nagpatuloy sa pagkain. Matapos ang tanghalian ay agad na kaming bumalik sa selda upang makapagpahinga.

Habang nakahiga ay hindi ko maiwasan ang mag-isip sa mga maaaring mangyari. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan ko na mangyayari 'to sa'kin. I was once a star that everyone look up to, but now isa na akong kriminal sa mata ng lahat. The worst part is alam kong wala akong kasalanan. Kahit kailan ay wala akong sinaktan o tinapakang tao para lang sa pangsariling hangarin tulad ng iniisip ng lahat.

My chances of getting out of prison is very slim to none. Lahat ng abogadong na-a-assign sa akin ay umaatras sa kalagitnaan ng kaso o bago pa man mag-umpisa ang mga hearing. I can't blame them though, alam kong maduming lumaban ang mga Quintos, and they believe that I was the one who killed their precious son so they are doing everything to make me rot here in prison, from altering the evidences to threatening my supposed to be lawyers. Lahat ay gagawin ng mga iyon.

"I wonder if I'll ever get out of here . . . " mahina kong usal sa sarili matapos magpakawala ng buntong hininga. I was about to fall asleep when the prison guard called for me.

"Ignacio! May dalaw ka!" Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka sa sinabi ng pulis. I had no family to visit me. My so-called friends all turned their backs at me after I was sent to prison. So it's really a surprise that someone actually visited.

"Sino po?" tanong ko sa pulis habang binubuksan nito ang kandado ng seldang kinaruruonan ko ngayon.

"Abogado mo raw." Mas nagtaka ako sa sinagot nito. Agad akong sumunod sa kanya papunta sa visiting area.

"May abogado na po ulit ako?" pangungulit ko sa pulis, bakas sa boses ang pag-asa.

"Oo, balita ko nga eh, siya daw mismo ang nag-boluntaryong humawak ng kaso mo at hindi lang iyon, usap-usapan ring isa raw na magaling na abogado!" imporma ng mabait na pulis.

"Talaga po?" nakangiti kong tanong sa pulis na kasalukuyang binubuksan ang pintuan papasok sa waiting area.

"Mukhang may pag-asa nang umusad ang kaso mo ngayon. Good luck!" saad ng pulis bago ako tuluyang pumasok sa waiting area ng may mga ngiti sa labi.

Isang nakatalikod na lalaki ang bumungad sa'kin pagkapasok ko sa visiting area. Nakasampay sa upuang kinauupuan nito ang itim nitong coat at tanging ang long-sleeve na puti na lamang ang suot nito.

Nakangiti akong naglakad papunta sa harapan ng abogado at agad na nag-lahad ng kamay.

"Good afternoon, attorney! Thank you for—" nabitin sa ere ang mga salita ko nang mag-angat ng tingin sa akin ang abogado at nagtama ang aming mga mata.

"Good afternoon to you too, Lauren. Long time no see," bati nito pabalik sa malamig na boses. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng nagyeyelong tubig, hindi ako makagalaw sa gulat.

This can't be happening!

"Do you still remember me?" tanong niya pero nanatili pa rin akong parang tangang nakatingin sa kanya.

It's been years at ngayon na lang ulit nagkrus ang mga landas namin. Agad akong nakaramdam ng panliliit.

"I guess you don't. So let me introduce myself. I'm Jasper Dale Lopez. You can call me Attorney JD, and I'll be your lawyer from now on."

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon