MY mother and I were patiently waiting outside the interrogation room. Binibigyan ng oras si Lauren at ang papa niya na makapag-usap ng sila lang dalawa.
I couldn't even imagine how Lauren's taking all of these. Mula pa man noon ay galit na siya sa papa niya. She thought—no, we thought that he really abandoned her.
Pero ngayong nalaman na namin ang totoo, na mga Quintos talaga ang puno't dulo ng lahat ng ito? I can't imagine how she felt as of this very moment.
"I'm worried about Lauren." Napabaling ako ng tingin kay Mama. She was watching Lauren and her father through the small glass by the door.
She sighed heavily before turning to look at me.
"After all of these . . . Jasper, promise me," ani niya habang hawak ako sa magkabilang balikat.
"After all of these . . . we'll take Lauren away from here. She doesn't deserve any of this." Agad akong tumango sa sinabi niya because that was what I am really set on doing.
I'll prove her innocence. Sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang mga taong nasa likod ng lahat ng ito.
"Yes, Ma. Ilalayo natin siya dito," sang-ayon ko sa kanya bago sumilip rin sa nangyayari sa loob ng interrogation room. Ernesto Vida was caressing Lauren's face as tears continues to fall down his face. Kahit sa layo ng distansya namin ay kitang-kita ko ang pangungulila at pagsisisi sa mukha niya.
"Ernie could have been a great father to Lauren," ani Mama mula sa likuran ko.
"He was devastated when I told him that Katya died. Kamuntik na naming aminin sa kanya ang totoo noon, but that would risk Katya's safety who was pregnant at that time," kwento niya habang pinapanood namin ang mag-ama sa loob.
Nakatalikod sa amin si Lauren but her trembling shoulders were enough indicators that she was crying heavily.
I hope I can do something to take all the pain she was feeling.
Tahimik lang si Lauren habang tina-transport siya pabalik sa station kung saan siya naka-detain. Huling narinig ko sa kanya ay nang magpaalam siya sa Papa niya kanina, after that, tahimik lang siyang pumasok sa jail service.
Mama volunteered to drive my car and told me na samahan na lang si Lauren pabalik. She just kissed her cheeks before saying her goodbyes along with a promise that everything would be alright in time.
"How do you feel?" tanong ko dahil sa tingin ko ay hindi tamang tanungin siya kung ayos lang ba siya. Hangga't nakapalibot ang posas na 'yan sa mga kamay niya ay hinding-hindi siya magiging maayos.
Inalis niya ang tingin sa may bintana at hinarap ako.
"Thank you," ani niya sa pabulong na boses.
"Why are you saying—" Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ang pagbalot ng mga kamay niya sa kamay ko.
"I get to meet him because of you. Kung wala kayo ni Mama . . . malabong magkita pa kami." I sighed before taking one of my hands away from her hands to gently wipe her tears habang nanatili ang isa pang kamay parang balutin ang malamig niyang mga palad.
"You know we'll do everything for you, Lauren. Gagawin namin ni Mama ang lahat para mailabas ka sa impyernong ito at malinis ang pangalan mo. After that, we'll work on your father's case." Walang tigil ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya kaya wala ring tigil ang pagpapatahan ko sa kanya.
She suddenly choke as she tried to suppressed her tears. Sandali kong tinapunan ng tingin ang dalawang officers na pinapanood kami. Agad naman silang nagsi-iwas ng tingin. I immediately pulled her closer and let her cry on my shoulders.
Gusto kong magalit sa sarili ko dahil ito lang ang kaya kong gawin para sa kanya. Being a shoulder to cry on is the only thing I could offer her at the moment. Kung pu-pwede nga lang na kunin ko nalang lahat ng sama ng loob at sakit na nararamdaman niya ay ginawa ko na.
If only I pushed a bit more before. Kung sana lang ay hindi ko siya tinigilan. Kung sana ay patuloy ko siyang hinabol at kung sana ay hindi ako umalis sa tabi niya, hindi sana nangyayari ang lahat ng 'to sa kanya. She wouldn't be in this predicament dahil sisiguraduhin kong walang sinuman ang makakapanakit sa kanya.
Not even that Roselle Lim.
"Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Wala naman akong tinatapakang tao, Jas . . . Bakit . . . Bakit ako pinaparusahan ng ganito?" humahagulgol niyang tanong.
Dahan-dahan ko lang na hinahaplos ang likuran niya habang mariin kong kagat ang pang-ibabang labi. Pilit kong idinadaan sa pagkurap ang pang-iinit ng sulok ng mga mata ko. The last thing she needed right now is to see me breaking for her. What she needed is someone she can lean on, and I would be that someone.
This time, hindi ako susuko.
This time, hindi ko na siya susukuan.
Lauren fell asleep crying. Balak pa nga siyang gisingin ng mga officers nang makarating kami pero tahimik at maingat ko lang siyang kinarga papasok hanggang sa selda niya.
I saw her cellmates crowding around us as I gently put her down. Hindi nakalampas sa paningin ko ang manipis na foam na tanging sapin sa higaan niya.
"Attorney JD Lopez?" Napabaling ako ng tingin sa isa sa mga ka-kosa ni Lauren nang marinig itong banggitin ang pangalan ko.
"Tasha," pasuway na tawag ng matandang kasama nila sa loob ng selda pero hindi ito pinansin ng babae. Sandali ko lang na inayos ang kumot kay Lauren bago tumayo at hinarap ng maayos ang babae.
"Yes, that's me. How may I help you?" tanong ko sa kanya. I saw her gaze down at Lauren who was now sound asleep.
"By getting Lauren Ignacio out of here." Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya. Sandali kong tinapunan ng tingin ang iba pa nilang kasama sa selda at ang mga officers na naka-abang sa labas ng selda.
"Do you want us to talk privately?" tanong ko pero inilingan niya lang ako at hiningan ng papel o kahit na anong masusulatan. I took out my phone at sinabing doon ko na lang ilalagay ano man ang sasabihin niya. She nodded and sighed heavily before taking another glance at the still sleeping Lauren on the bunk bed.
She recited a phone number and told me to call it later. Pagkatapos ay hiniram niya ang phone ko at nagdrawing ng kung ano roon. When I checked it, it was some sort of like a map.
"Tawagan mo 'yan, tapos makipagkita ka. Sabihin mo si Tasha Ortiz ang nagbigay sa iyo. Ipakita mo sa kanya 'yan, that would be a great help in getting Lauren out of here."
"Why—"
"Let's just say where both facing the same enemy," putol niya sa sasabihin ko bago tumalikod at humiga sa sariling kama.
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
