KAHIT na alam ko kung sino ang totoong tatay ni Lauren ay kailangan ko pa ring humingi ng tulong kay Mama. I don't know how the Quintos did it pero super strict talaga ng system when it comes to him to the point na apat na pangalan lang ang nakalista sa maaaring bumisita sa kanya.
Adelia Bautista.
Jasmine Torrenueva.
Raymond Ramirez.
Roselle Lim.
My eyes lingered on that familiar name at the end of the list for a while.
This case happened years ago. Although mas matanda ng ilang taon sa amin si Roselle ay bata pa rin naman siya noong nangyari iyon.
Looks like Raymond Ramirez found someone to clean up after his mess.
"Kamukha mo ang Papa mo noh?" Nagulat ako nang kausapin niya ako habang naglalakad kami papunta sa visiting area. I don't know how my mom did it pero nagawan niya ng paraan na madala dito si Lauren para bisitahin ang papa niya since convicted na ang papa niya at siya naman ay on-going pa ang case.
"Kilala niyo po si Papa?"
"Oo naman. Grabe ang suportang nakuha namin ni Adelia mula sa mga magulang mo, hijo. Siguro kung nakapanganak si Adelia ay kasing edad mo ang anak namin," ani niya habang diretso ang tingin, may lungkot sa mga labi niya habang nakangiti.
Ang sabi ni Mama ay inakala rin nitong namatay na talaga ang nobya at pati ang batang ipinagbubuntis. Tita Katya decided to leave everything behind after she started living her new identity.
Tumigil ako sa paglalakad at sandaling binalingan ng tingin ang officer na nakasunod sa kanya. He smiled at me and nodded before he turned around and left us in front of the visitation room.
"About that, Tito. Iyong bibisita po sa inyo . . ." Sandali kong sinilip si Lauren sa loob ng bahagyang nakabukas na pintuan. She was talking to my mom and she looked eager and scared at the same time. Nang malaman niyang nakakulong din ang tatay niya ay hindi na siya nagsalita pa. Ni hindi na niya ni-remind sa akin ang tungkol dito pero alam kong gusto niyang makilala ang papa niya noon pa man.
Muli kong binalingan si Ernesto Vida, the convicted murderer of the Q Massacre and Lauren's biological father. Just like how Tita Katya describes him before, he looks so foreign, his hair is even blonde and I don't know how he ended up being the gardener of that inn where the massacre occurred. Aside from his looks, there's nothing foreign feeling on him. He's so fluent in speaking tagalog at normal naman ang mga kilos niya.
"Jasper . . ." Sabay kaming napalingon sa may pintuan nang marinig namin ang boses ni Mama.
"Ernie, long time no see." My mom smiled at him and he immediately smiled back.
"Oo nga, Jas. Pagkatapos noong—ang tagal na pala ano? Ang laki na nitong anak mo." Bahagya pa siyang tumigil at agad na pinalitan ang dapat na sasabihin.
My mother glanced inside the room before reaching for his hands.
"Ernie . . . we kept something from you," simula ni Mama bago ako binalingan. Tumango naman ako at nauna nang pumasok sa loob ng visiting area kung saan naghihintay si Lauren.
"Wala pa ba siya?" tanong ni Lauren habang nilalaro ang mga daliri niya. Kinuha ko ang isang upuan at pinwesto iyon sa harapan niya bago ko kinuha ang mga kamay niya at bahagyang hinilot ang mga namumulang daliri. Ito ang mannerism niya sa tuwing kinakabahan siya. Lagi ko 'tong sinisita dati dahil minsan ay nasusugat na siya pero hindi na talaga naalis sa kanya.
"Lauren . . ." tawag ko sa kanya habang nakatingin lang sa mga kamay niyang minamasahe ko.
"Hmm?"
"'Yong kaso ng Papa mo," umpisa ko bago nag-angat ng tingin sa kanya. I saw her anticipating eyes looking back at me.
"I just want you to know na he wasn't a bad guy. Tulad mo ay biktima lang rin siya." Hinaplos ko ang pisngi niya habang takang-taka siyang nakatingin sa akin.
Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin ang pagbukas niyon. I saw her father staring at her, with tears flowing from his eyes.
"A-anak . . ." he called out.
Hawak ko pa rin ang pisngi ni Lauren kaya naman agad kong naramdaman ang pagbagsak ng mga luha niya. I felt her trembled a bit kaya naman ay tinulungan ko siyang makatayo. Pagkatayo niya ay nakita ng papa niya ang posas na nakakabit sa pulsuhan niya.
And never in my life had I heard a man weep that loud. Agad rin siyang dinaluhan ni Mama sa sahig nang bigla nalang siyang mapaluhod.
"Bakit pati sa'yo? Anak . . . bakit naman pati ikaw?" hagulgol nito habang nakaluhod pa rin sa sahig.
Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit ni Lauren sa braso ko habang pinapanood ang papa niyang umiiyak.
"Ano bang ginawa kong masama at ginagawa sa atin 'to?! Bakit kailangang pati sa iyo, anak . . ." Inalalayan ko si Lauren maglakad papalapit sa Papa niya. Tumigil kami sa harapan niya bago rin lumuhod si Lauren sa harapan ng kanyang ama at tinitigan ito habang sabay silang umiiyak.
"P-papa . . ." After I heard her say that, gusto kong putulin ang mga posas na parehong pumipigil para magyakap ang mag-ama. I saw how they badly wanted to hug each other but Ernesto Vida can only caress his daughter's face while weeping.
"Anak, ang ganda mo. Ang ganda-ganda mo . . . ang laki-laki mo na . . . hindi ko man lang . . . hindi man lang kita nakitang lumaki. I'm sorry, anak. I'm sorry . . . hindi sinsadya ni Papa . . . I'm sorry . . ." ani niya bago mariin at paulit-ulit na hinalikan sa noo si Lauren.
I can't imagine how painful it is for them to endure just holding each other's hands, without hugging each other? Kasi kitang-kita ko sa mga mata nila kung gaano nila kagustong yakapin ang isa't isa.
They were both longing for each other.
A father longing for a child that he thought he had lost and a daughter who thought that she was abandoned.
I felt my mom's hands on my back and she gestured to me that we should leave them for a while bago siya naunang lumabas. Sandali ko pa ulit na tinitigan si Lauren habang mariing nakapikit, dinadama ang presensya ng sariling ama.
I took a deep breath before leaving the room with a heavy heart.
![](https://img.wattpad.com/cover/183099828-288-k81851.jpg)
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
General Fiction3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...