A R T I C L E 3 - S E C T I O N 3 0

283 6 2
                                        

"HINDI mo sinabi sa akin ang tungkol diyan, Roselle!" nanggagalaiti kong hiyaw pagkapasok na pagkapasok namin sa dressing room na exclusive para sa akin.

Naging mabilis ang pag-akyat ko sa industriyang napili. Pagkatapos ng first TV drama series na tinrabaho ko noon ay naging sunod-sunod na ang dating ng projects ko. Big entertainment networks also chased after me with their contracts. Ipinagkatiwala ko ang mga iyon kay Roselle dahil siya ang manager ko.

Sinusunod ko lahat ng utos niya, lahat ng paalala niya. Because I understand that she was doing it for my sake. For my career.

Muling lumipad ang tingin ko sa kontratang nakabalandra sa lamesa sa harapan ko. It was my contract with the biggest TV network in the country. Ang akala ko ay ayos na ito, I signed a ten year contract with them because my manager assured me that everything on the paper, both my compensations, incentives, and the company's demands were all reasonable. Walang pag-aalinlangan ko iyong pinirmahan.

Ngayon ko lang na-realize kung gaano kalaking pagkakamali iyon! For fucksake I have a law student boyfriend! Sana man lang ay naisipan kong ipa-review sa kanya ang mga kontrata!

"You're at the peak of your career, Lauren. Ano ba naman iyang makikipaghiwalay—"

"I'm not going to break up with my boyfriend, Roselle!" mariin kong putol sa kanya. She sighed heavily and massaged her temples while looking at me exasperatedly.

"You need to. If you want to keep this contract—"

"Terminate it. I can sign another contract but I can never find anyone like Jasper," walang pag-da-dalawang isip kong putol sa kanya.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Lauren. You're still young at kung gusto mong magtagal sa industriyang ito, kailangan mong tanggapin na may mga sakripisyo kang kailangang gawin."

"If this industry would only take everything I have in the first place then, no thanks, Roselle! I'll rather lose fame than lose the people who loved and supported me—" my words halted as my eyes followed my manager's hand as she threw a set of pictures on the table.

"Why do you think I'll pull this up? You're being lowkey with your boyfriend, Lauren. Pero ang Tita mo?" nanginginig ang mga kamay ko habang inaabot ang isang picture kung saan magkayakap si Tita Katya at Papa Jeric.

"No . . ." nanghihina kong bulong sa sarili habang tinititigan ang litrato nilang dalawa.

"Hindi 'to totoo, Roselle. Hindi magagawa ni Tita Katya 'to kay Mama—"

"She already did. And guess where I got these pics? From a paparazzi, Lauren!" galit na sigaw ni Roselle. "Binayaran ko na pero sigurado ba tayong siya lang ang nakakuha nito? No."

"You're a public figure now, Lauren. Bawat galaw mo at ng mga taong malapit sa iyo ay bantay sarado ng mga tao." Nanghihina akong napa-upo sa upuan, hindi makapaniwala sa nakikitang mga litrato.

Paano ito nagawa ni Tita Katya? Mama Jasmine had always been good to us. To me. 

Just . . . how?

"You need to draw a line between you and the Lopezes, Lauren. Kung wala kang pakialam sa career mo, isipin mo na lang ang mararamdaman ng boyfriend mo pagnalaman niyang paunti-unting sinisira ng Tita mo ang pamilya niya," ani Roselle bago niya ako tinalikuran at lumabas ng dressing room.

Inisa-isa kong tingnan ang bawat pictures na inihagis kanina ni Roselle sa lamesa. I didn't know what to do about it. Ayaw kong tanggapin na magagawa ni Tita Katya ang ganito.

Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili bago dinukot ang cellphone sa bulsa ko. I dialed my aunt's number at ilang ring lang ay sinagot niya rin ito agad.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon