A R T I C L E 3 - S E C T I O N 36

237 5 3
                                    

!!TRIGGER WARNING!!

Abortion, Suicide

"GET rid of it or I'll just kill myself?" Pakiramdam ko ay hinugot ang lahat ng lakas na mayroon ako nang marinig ang pinakakinatatakutan kong banta mula kay Lauren.

"Lauren!" rinig na rinig ang pagdagundong ng galit na boses ni Papa sa buong silid. Tulad ko ay malamang ay hindi niya rin nagustuhan ang sinabi ni Lauren.

"Isa lang sa'min ang pwedeng mabuhay, Jasper. Hindi ko kakayaning habang buhay na makita ang batang 'to—" Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. Yakap na alam kong mapaparamdam ko sa kanya ang takot na binibigay niya sa akin ngayon.

I don't want that.

I don't want to lose her again. But I know her too much para pumayag lang ng basta sa hiling niya.

Once she proceeded with aborting that baby, it would forever haunt her. Habang buhay niyang dadalhin ang pagkawala ng batang iyon.

I was so torn. Hindi ko alam kung paano o ano na ba ang dapat kong gawin ngayon.

Wala siya ngayon sa tamang pag-iisp para magdesisyon para sa sarili niya at sa bata. Ngunit natatakot rin ako na baka . . . baka totohanin niya ang bantang binitawan kanina.

"Just hang in there, love. Just hang in there . . . magiging maayos rin ang lahat," bulong ko sa may tainga niya.

"Kamusta?" nag-aalalang bungad ni mama sa akin nang lumabas ako ng kwarto ni Lauren.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko na sinundan ng isang iling. "She fell asleep crying."

"Anak . . . nasa baba si Senator Russia," balita ni mama na siyang nagpainit ng ulo ko.

"Ano pang ginagawa niya dito?"

"Kamusta si Lauren?" sabay kami ni Mama na napabaling sa may hagdanan nang marinig ang boses ni Russianna Quintos.

Sandali kong sinuyod ng tingin ang kabuohan niya. She have heavy eyebags under her eyes, mukhang hindi pa nakakatulog nang maayos mula noong isang araw kung kailan nag-collapse si Lauren.

Mapait akong natawa habang nakatingin sa kanya. My mother immediately stood between us, afraid that I might do something to that woman which I think is a wise choice dahil masyado na talagang nandidilim ang mata ko sa mga Quintos na ito.

"Gusto ko lang kamustahin ang lagay ni Lauren—"

"What are you even expecting to hear? Na maayos lang siya? Na she's taking all of these well? Na tuwang-tuwa siya dahil nagbunga ang kababuyang ginawa ng tatay mo sa kanya? 'Yon ba ang gusto mong marinig?" gigil kong bulyaw sa kanya.

"Jasper! You'll wake Lauren up!" suway ni Mama kaya naman sandali akong napalingon sa saradong pintuan sa likuran ko.

I glared at Russianna before ordering her to follow me downstairs.

"Ma, patingin-tingin po muna kay Lauren." Tumango si mama sa sinabi ko bago ako tuluyang bumaba ng hagdan habang nakasunod si Russia sa'kin.

"What do you really want this time, Russianna?" tanong ko sa kanya nang makarating na kami sa garden ni Mama.

"Attorney JD, alam kong napakaraming kasalanan ng pamilya ko sa inyo, lalo na ng daddy ko. But please know that I sincerely care for Lauren," ani nito imbes na sagutin ang tanong ko. "I'm really sorry that this happened to her and I'm really sorry kung sinubukan ko pa siyang idamay sa panibagong problema ng pamilya namin. I just really want to give my brother's death justice."

Hindi naman tuluyang sarado ang isip ko. I know what she meant and given how Lauren liked her brother? I was sure he was a good guy.

I crossed my arms over my chest and sighed heavily. "So what is it now? I'm sure you didn't come here just to ask about Lauren. You can do that over a text message."

Tumango si Russia, pinapakitang naiintindihan niya ang ibig kong sabihin. Sinuklay niya ang kanyang buhok palayo sa mukha niya gamit ang kanyang daliri. At doon ko lang nakita kung gaano siya ka-stressed tingnan.

"Dad, successfully bailed out." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"He was charged with multiple cases, Russia. Paano siya pinayagang magpiyansa?!" Isang problemadong pag-iling lamang ang nagawang isagot sa akin ng kausap.

"I don't know how he did it this time but I figured that I should let you know. Roselle . . . escaped too."

Hindi ko maintindihan kung dahil ba sa gulat, pagkamangha o pagkairita, nahanap ko na lang ang sarili na tumatawa. Russianna Quintos watched me from the side, her face filled with confusion.

"Tang-inang sistema ng Pilipinas naman oh!" hindi ko napigilang sigaw.

Being a lawyer, alam ko na kung gaano ka-stuck up ang justice system ng bansa. It was always the weak against the strong, money against the crime. At rarely ko lang nakitang pumanig ang hustisya sa tunay na may kailangan.

But I wasn't expecting to see it happen right under my nose. Paano nila nagawang takasan ang batas gayong covered ng media ang kaso?

"Now, JD . . ." Mabilis akong napabaling ng tingin kay Russia nang marinig ang pagtawag niya. "If you ever have plans of going out of the country, now is the best time to do just that. Sigurado akong babalikan ni Roselle si Lauren at mas sigurado akong gagawa ng paraan si Daddy para gumanti. I'll do everything I can from my side, but I want you to promise me one thing—keep Lauren safe. At all cost, JD. At all cost."

I was more than willing to say na hindi na niya iyon kailangan pang ipaalala sa akin o kahit ipakiusap pa because that's already a given for me. I can sacrifice even my life just to keep her safe and away from all the things that pains her. But just before I can open my lips to say something sabay kaming napabaling sa loob ng bahay nang makarinig kami ng ilang mga kalabog.

Sandali muna kaming nagkapalitan ng tingin ni Russia bago sabay na napatayo at napatakbo paakyat ng kwarto ni Lauren kung saan nanggagaling ang mga ingay at sigaw ni Mama.

Nang makapasok kami sa loob ng kwarto ay naabutan namin si Mama at ang isang katulong na iniisa-isa ang mga susi para buksan ang pintuan ng banyo samantalang halos sirain na ni Papa ang pintuan sa bawat katok niya rito.

"Lauren!" tawag ni Daddy.

"What's happening, Ma?" tanong ko kay mama na halos nanginginig na habang ipinapasok ang susi sa doorknob ng CR.

Wala akong narinig na sagot mula kay mama but the shrill sound of her scream and cries as she successfully opened the bathroom.

I felt my whole body froze on the spot. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng dugo sa katawan ko.

I felt so cold . . . and numb.

"Lauren!" I felt Russia run past me as she joined my mother who was now cuddling Lauren's bloody body on the floor.

No. You don't do this to me, love.

You can't do this.

Please.

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon