"EJ, please . . . paki layo na muna siya dito," pakiusap ko sa kaibigan namin.
Tinalikuran ko sila at mas piniling tumingin sa kabaong kung nasaan si Tita Katya. Para lang siyang natutulog. Hindi ko rin alam kung bakit kailangang ganito.
Bakit hindi niya sinabi sa'kin?
"Lauren, please . . ." rinig kong pakiusap ni Jasper.
"Umuwi ka na, Jasper. Inaantay ka nina Mama sa bahay," utos ko sa malamig na boses.
"JD, tara na. Hayaan na muna natin siya," rinig kong aya ni EJ sa kanya. Tumulo ang luha ko habang hinahaplos ang salaming nakaharang sa pagitan namin ni Tita.
"Lauren . . ." sunod-sunod na ang pagtulo ng luha ko nang maramdaman ko ang mga braso niyang nakapalibot sa'kin.
"Kaya natin 'to. Hmm? Kaya natin 'to," paulit-ulit niyang bulong habang pahigpit nang pahigpit ang yakap niya sa akin at paulit-ulit na hinahalikan ang tuktok ng ulo ko.
Hindi ko na napigilan ang sariling mapahagulgol nang malakas dahil sa ginagawa niya.
I shouldn't do this.
Pero hindi ko kaya. Wala na akong ibang makakapitan.
He's all that's left. Wala na si Tita.
Iniwan na rin niya ako.
"Tita!" sigaw ko habang humahagulgol.
Bakit hindi niya sinabing may sakit siya? Bakit niya tinago? Ni hindi man lang sinubok na ipagamot? Para ano? Para makapag-aral ako?
"Tita naman eh . . . ang daya mo naman eh!" sumbat ko sa kanya kahit na alam kong hindi naman niya naririnig.
"Sana sinabi mo na lang. Kahit nitong huli lang, nasamahan man lang sana kita. Bakit . . . bakit kailangang mag-isa ka lang hanggang dulo? Nandito naman ako eh! Sasamahan naman kita eh!"
"Lauren . . ." awat ni Jasper habang yakap-yakap ko ang kabaong.
"Dapat kasi sinabi mo nalang . . . " paulit-ulit kong bulong habang nakasubsob sa may dibdib ni Jasper. Ramdam na ramdam ko ang higpit ng yakap niya at rinig ko rin ang ilang ulit niyang pagsasabi na magiging ayos din ang lahat.
Pero . . . magiging maayos pa nga ba?
Makakabalik pa ba sa dati ang lahat ngayong ang dami nang nawala? Nasira?
Pilit kong itinulak palayo si Jasper nang maisip iyon. Maraming nang nawala sa akin pero hindi tamang idamay ko siya. He had a bright future awaiting for him.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi para pigilin ang mga hikbi bago ko nilingon si EJ na malungkot ring nakatingin sa amin.
Maliban kay Jasper ay siya lang ata ang naging kaibigan ko. Siya lang iyong mapagkakatiwalaan ko.
"EJ," tawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"Tapos na kayo mag-empake?" tanong ko na agad na sinaway ni Jasper.
"I'm not leaving," mariin niyang saad.
"You need to leave. Jasper—"
"I'm not leaving you, Lauren. Kahit kaladkarin mo pa 'ko papasok sa eroplano. Hindi. Ako. Aalis."
"EJ—"
"He's right, Lauren. We can't leave you like this," malungkot rin nitong saad.
"Ano ba naman kayong dalawa?! Mas pinapahirap niyo lang abg sitwasyon eh!" sigaw ko.
"Umalis na kayo!" taboy ko at pilit silang tinutulak palayo. Baka malate pa sila sa flight nila.
"Lauren—"
"Let's break up, Jasper," putol ko sa sasabihin niya.
Tutal ay dito na rin naman kami papunta. Bakit hindi ko nalang paagahin pa?
Naramdaman ko ang paghaklit niya sa braso ko para piliting humarap sa kanya.
"You don't mean that." Pinilit kong burahin lahat ng emosyong maaaring makita sa mukha ko at tinitigan lang siya nang malamig.
This ends here.
My fairytale ends here.
If I stay, I'll just destroy him. And I don't want that.
Jasper brings out the best in me, and I can bring out the worst of him.
Kayang-kaya ko siyang sirain at iyon ang kinakatakot ko. Handa siyang bitawan ang lahat para sa'kin, but I can't do the same for him.
I am living to fulfill my dreams.
I am already selfish enough to keep him on my side for years, at hindi ko na gugustuhin pang dagdagan iyon.
"You don't mean that, Lauren. Sinasabi mo lang 'yan kasi pagod ka, kasi nasasaktan ka . . . but you don't mean that," pilit niya pero umiling ako at dahan-dahang kinalas ang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Tama na, Jasper. Tama na. Nandito na 'ko oh? Naaabot ko na ang pangarap ko." Pinunasan ko ang luha ko habang tinititigan siya nang diretso sa mga mata niyang namumula na rin.
"Malapit na 'ko pero hindi ko maabot-abot dahil sa'yo! Para kang angkla na gustong-gusto ko nang putulin sa pagkakatali sa'kin kasi pabigat na lang!" sigaw ko sa kanya. Nakita ko ang pagtulo ng luha niya matapos kong sabihin 'yon.
"Sige. Sabihin mo lang lahat ng gusto mong sabihin. That would make you feel better—"
"Jasper!" iritado kong sigaw sa kanya. Nagulat ako nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko.
"Jasper!" pilit namin siyang tinatayo ni EJ pero niyakap niya lang ang mga binti ko.
"Lauren . . . please. Hindi na 'ko magrereklamo kung hindi ka na umuuwi. Okay lang sa'kin kahit itago mo 'ko. Okay lang . . . pero wag mo naman akong iwan," pagmamakaawa niya.
Napatingala ako habang mariing nakapikit ang mga mata para pigilin ang mga luha ko.
"I love you. I love you so much . . ." paulit-ulit niyang bulong habang nakayakap sa may bewang ko.
My heart was wavering. Alam kong hindi ito ang makakabuti sa kanya, sa aming dalawa pero ang sakit-sakit lang makita siyang umiyak at magmakaawa sa'kin.
Pagbaba ko nang tingin ay nahagip ko si Roselle na nakahalukipkip habang nakasandal sa may pader. She shook her head while looking at me. Tumulo ang luha ko nang makita iyon.
Mariin kong pinikit muli ang mga mata ko bago pwersahang itinulak palayo si Jasper. Agad siyang dinaluhan ni EJ nang mapahiga siya sa sahig. Agad kong iniwas ko ang tingin ko sa kanya nang makitang dumugo ang siko niya.
"Tama na, please. Pagod na 'ko sayo, Jasper. Ayaw na kitang makita." Sandali ko lang tinapunan nang tingin si Roselle na tahimik lang kaming pinapanood bago tuluyang tinalikuran sina Jasper.
"One more step . . ." natigilan ako nang marinig ang boses niya.
"One more step at kakalimutan kong naging parte ka ng buhay ko." Naikumo ko ang mga palad ko sa narinig. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ko.
I don't want to do this, but I was left with no choice.
"Please do that," sagot ko sa kanya.
Ramdam ko ang hapdi sa puso ko bago ako nagpatuloy sa paghakbang palayo sa kanya.
"Lauren!" rinig kong tawag niya kasabay nang pagpipigil ni EJ sa kanya.
"You did great." Sandali akong tumigil sa tabi ni Roselle.
"Wala nang magiging hadlang sa pangarap mo. I'll make you the brightest star, Lauren. The brightest," she said smiling.
BINABASA MO ANG
Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)
Tiểu Thuyết Chung3rd Installation of The Lawyer Series Once a national treasure in the film industry, Lauren Ignacio lost everything when she was framed for a crime she didn't commit. Abandoned, hated, and left with no one to defend her-except Attorney JD Lopez. Bu...
