Chapter 39

12 5 0
                                    

MINA

One way to describe Marsh Simmons and Randy Steves? Crazy.

Kulang nalang ay pag-untugin ko ang dalawang iyon dahil sa inis. They made my heart thump like crazy! Randy's prank and Marsh's driving!

At heto pa, Marsh's last words before leaving.

"Also, if you happen to bump into someone connected to the Omega, please tell them that the Ghost Alpha is back. And he's ready to hunt them all down."

As if naman na makakasalubong ko ang kung sinuman na konektado sa Omega! Ewan ko ba kung sinabi niya lang 'yon para maging maangas ang dating niya o para lang takutin ako. Worse, baka hinihiling niya na magkatotoo 'yon!

I sighed as I stood up from my bed. Mabilis naman akong kumilos tuwing umaga pero parang tinatamad ako ngayon. Nag-iba na kasi ang nakagawian ko.

Dati, bahay at school lang ang destinasyon ko. Ngayon, pumupunta na ako sa hideout paminsan-minsan.

Ten minutes before classes start when I arrived at school. Dumeretso ako sa library at kumuha ng libro. I need to review our lessons. Nakalimutan ko kasi ang mga lessons namin dahil sa dalawang baliw na 'yon.

"What a lucky day," someone behind me spoke. Nilingon ko siya para makilala siya. "Remember me?"

My eyes squinted as I think when did I met him. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko kung sino siya. "Oscar Reid?"

He spread his arms sidewards. "The one and only," he proudly said.

"Bakit nandito ka?" tanong ko nang umupo siya sa upuan na nasa kabilang side ng table. Oscar Reid is the one I met at the mini park of the campus.

"Masama bang magpunta dito sa library?" he asked back. Ipinakita ko sa kaniya na hindi ako naniniwala sa kaniya. He raised his hands. "Okay, I admit. Nakita kitang papasok dito kaya sinundan kita. Hindi mo din naman ako masisisi. We haven't talked for how many weeks! Siyempre nami-miss ko din 'yong pag-uusap natin."

Kumunot ang noo ko. "At bakit naman mami-miss mo ang pag-uusap natin? Wala ka bang ibang nakakausap? At saka isang beses lang naman tayong nag-usap."

"Wala," he replied in a flat tone. "Ikaw lang naman ang kumakausap sa 'kin."

I heaved a sigh. "Ako lang? 'Wag mo nga akong niloloko."

"Don't believe if you don't want to."

Nag-focus nalang ako sa pagbabasa ng libro. Medyo nakakailang nga lang dahil nakatitig siya sa akin. It's like someone is stalking me but in a different and more obvious way.

After some minutes, tumayo na ako. Pupunta nalang ako sa room dahil hindi din naman ako makapag-focus sa pag-aaral dito. How can I not be distracted if someone is watching me study?

Paglabas ko ng library ay sumunod siya sa akin. Hindi siya sumasabay ng lakad pero nararamdaman kong nasa likuran ko lang siya. He's starting to get creepy.

Napatingin ako sa wristwatch ko at nakitang two minutes nalang bago magsimula ang klase. Wala akong nagawa kung 'di bumaling sa sumusunod sa akin.

"Wala ka bang klase?" I asked.

"Meron syempre," he simply answered as if I asked something unimportant.

"Saan ang room mo?" tanong ko ulit.

"Don't assume, Miss Mina Cruz," he pointed something but I didn't bothered to look. "We're on the same building and same floor. Is it wrong to go to my room?"

Codename: Alpha ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon