MARSH
Nakita kong hinila palayo ni Seis si Ocho. Maybe she thinks he can be saved. Hindi siguro niya nakita ang makapal na mantsa ng dugo sa maskara na suot ni Farrhein.
We can't help it. Ito ang sinumpaan namin nang pasukin namin ang Alpha Fleet. Tinanggap na namin na anumang oras ay pwede kaming mamatay. Una-unahan lang 'yan.
That doesn't mean that I don't care about Farrhein though. Wala lang talaga akong oras ngayon para maglabas ng emosyon sa nangyayari sa mga kasamahan ko. I am too focused at fighting Ceidrick.
He already lost his arm yet his strength looked like it doesn't bother him at all. Just how tough can he be?
Naubos na lang ang mga kunai ni Cuatro ay hindi pa rin niya natamaan sa pangalawang pagkakataon si Ceidrick. He even bought those paper bombs from Japan. It got wasted because of this guy.
Sumugod si Ceidrick at naging mas mabilis siya ngayon kaysa kanina. Naabot niya agad ang braso ni Cuatro at malakas na binato ito papasok sa isang kwarto. Nakaiwas naman ako sa sumunod niyang atake.
I used the wall to jump and tried to kick him from above but he just tilted to dodge it. Nang makabawi siya ay nagbitaw siya ng isang malakas na suntok. Nasalag ko ito ng braso ko pero ramdam ko pa rin ang sakit dulot nito.
Mas malakas pa ang mga atake niya mula kanina. I don't know if my body can take any more of his attacks.
Papalapit na si Ceidrick nang sinuntok siya ni Cuatro. May maliit na pagsabog sa suntok na iyon. Medyo dumugo ang mukha ni Ceidrick dahil doon. I guess it's one of Ocho and Cuatro's invention.
Mabilis siyang binalya ni Ceidrick kaya nabalik siya sa kwartong pinanggalingan niya. Sumugod na ulit ako pero mabilis na nakabawi si Ceidrick at hinagis ako papunta sa likod niya. Naramdaman kong tumama ako sa isang katawan.
Bumangon agad ako at tiningnan ang taong nabagsakan ko. Bumangon din agad siya at inangat ang kamao niya. Inangat ko din ang akin at nagbangga ang kamao namin. I smirked.
Let's see how you'll last you freaking monster.
Sabay kaming sumugod. Napansin ko pang medyo bumaba ang balikat nito nang makita kaming dalawa.
That's right. This is your end!
Mabilis ang salitan namin ng atake sa kaniya. Nahaharang at naiiwasan naman niya ang iba pero mas marami pa rin ang tumatama sa kaniya.
When will he lose his strength completely? Hanggang ngayon ay nakakagalaw pa rin siya. Sayang lang at sa masamang panig pa siya nasama.
Sumulpot nanaman si Cuatro mula sa likuran ni Ceidrick at tinarak dito ang kutsilyong hawak niya. Iwinasiwas ni Ceidrick ang braso niya at tinamaan kaming tatlo nito.
Sumigaw si Ceidrick at parang nagkaroon ulit siya ng lakas. He charged like a beast towards Cuatro. Hahablutin niya sana ang paa ni Cuatro nang tumumba siya bigla.
This is what I'm waiting for!
Tumakbo ako at nilabas ang pistol ko na may nakakabit na kutsilyo. Sinaksak ko ito sa leeg niya at kinalabit ang gatilyo. Blood splatted on the ground.
Napaupo ako habang hinahabol ang hininga ko. Hinihingal din si Cuatro at Zero. We got exhausted just by fighting this guy. Ngayon lang kami nakaharap ng kalabang gaya niya.
After a few seconds, Cuatro got up and pulled Ceidrick's body to a room. He opened the window and threw him there.
Lumapit kami ni Zero at dumungaw sa bintana. Nakita namin ang mga tauhan ni Ceidrick at ang ibang Alpha Fleet na natigilan ng ilang segundo habang nagpapapalit-palit ang tingin sa amin at sa katawan ni Ceidrick.
BINABASA MO ANG
Codename: Alpha Zero
General FictionIsa lang ang gusto ng simpleng estudyanteng si Mina Cruz. Ang maging isang sikat na manunulat. The campus crush, Alphero Hermes. He is like the boss of the campus, no one dares to mess with him, other than Mina who treat him as a normal student just...