Chapter 45

12 5 0
                                    

ALPHERO

"Am I late?" Mina asked. Kararating lang niya. Kaming dalawa ang magkasama na huling susugod.

"Yes," I answered. I'm not Alphero right now but the Alpha Fleet's Zero. And Zero is strict when it comes to missions.

"Updates?" I asked through the radio device.

"Group 1 already went inside," Ocho reported.

"They are now going down the stairs," sabat ni Flinte.

After some more seconds, I heard Uno's voice on the line. "We'll open up the door now."

Narinig ko ang mga kaluskos sa radio device na nangangahulugang kumikilos na ang iba naming kasama. Lumapit na din ako sa bahay at naghintay.

I saw Dana climbed to the window of the second floor. She's assigned to make sure that there are no traps or possible ambush that will ruin our plan. Her specialty is parkour and spying so this is not a hard work for her.

"Stay on that tree," utos ko kay Mina. Delikado para sa kaniya ang misyong ito.

"If I will just hide away, then ano pang silbi ko dito?" masungit niyang tanong.

"Fine, you go through the kitchen window and team up with Diez's group."

Sumunod naman siya at mabilis na pumunta sa lugar na naka-assign sa kaniya. Medyo nagulat pa ako nang makita ang bilis niya. That was unexpected.

I continued my way to the front door. Dahan-dahan ko iyong binuksan. Nang makapasok ako sa bahay ay narinig ko na ang mga putok ng baril. That's the signal for the second group to go down.

Nagkita kami ng pangatlong grupo malapit sa hagdan na pinagbabaan ng dalawang grupong nauna sa amin.

After three minutes, they went down. Kasama nila si Mina.

I waited for them for a few more minutes. The gunshots are still not stopping.

Nang lumipas na ang limang minuto ay bumaba na din ako. Dahil sa kaguluhan, mukhang hindi ako napansin ng mga kalaban na bumaba doon.

I sneaked around and started to shoot them from the side. Hindi na alam ng iba sa kanila kung ano ang gagawin. Some are panicking and some are still fighting.

"Formation I," I commanded. Agad silang kumilos at nagsama-sama.

Seis, the Sniper Alpha is on the back side. Pagyuko ng mga kasama namin, she fired three bullets consecutively. Paulit-ulit na nangyari iyon at ako naman ang nagdi-distract sa kalaban para hindi makapag-focus sa mga kasama ko.

"Ghost assassination," I commanded again.

Unti-unti silang naghiwalay at kumalat sa buong lugar. Para kaming nasa isang action hollywood movie dahil na rin sa lugar. For sure Seis is very happy while fighting.

Mabilis at tahimik akong lumapit sa mga kalaban. Nagtago ako sa likod ng mga malalaking crates. Nilabas ko ang dalawang dagger ko at naghandang umatake. When one of them went near my place, I dashed and slit his throat. May tatlong lalaking nahagip ng paningin ko bago ako magtago ulit. Suddenly the lights went out.

I turned on the night vision on my mask. Si Ocho ang may gawa nito. May thermal scanner ang night vision kaya mas madaling malaman ang kinaroroonan ng mga kalaban. I jumped to one of the crates and waited for a while.

Pagtalon ko ay sabay na hinagis ko ang mga dagger sa dalawang lalaki. They quickly fell down. Lumapit ako sa natitirang lalaki at tinuhod ang tiyan niya. I held his arm and threw him to the crates. Sa sobrang lakas ng impact ay nabutas pa ito at nilabas ang sandamakmak na mga packed drugs. Dinampot ko ang pistol ng isa sa mga lalaking bumagsak at mabilis na binaril ang lalaki. I picked up my daggers and ran to the next group.

Codename: Alpha ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon