Chapter 09

28 7 0
                                        

MINA

"I missed you!"

Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa gulat.

"Hey! 'Di mo ba 'ko na-miss?" she said and frowned.

"A-Ate Mincy, b-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong.

Meet Mincy Cordin. My cousin. She's the closest person to me. Para ko na siyang ate. Siya ang nag-alaga sa 'kin no'ng bata ako at ang nag-suggest kay Mrs. Romualdo na kunin ako bilang katulong. She's working at a well-known telecomm company.

"I just want to visit you! Miss na miss na kita, eh! Saka, masiyadong stressing 'yong trabaho ko ngayon, ang daming kailangang gawin," sagot niya.

Pinapasok ko siya at sa sala namin tinuloy ang pagkukwentuhan.

"Balita ko naging busy ka daw this past few days. Hindi ka pumasok sa school at sa trabaho," panimula niya.

Saglit akong natigilan. I don't know what to say. "Ah... N-Naging busy din kasi ako," kinakabahang sagot ko.

"Busy saan?"

Hindi na naman ulit ako nakapagsalita agad. "Personal things."

"Oh, You're now being secretive," panunukso ni Ate Mincy.

"Hindi naman, Ate. It's just that, mahirap ipaliwanag 'yong mga nangyayari nitong mga nakaraan."

"What do you mean?"

"'Y-Yong story ko kasi, nahihirapan ako sa pagsusulat. Writer's block."

"Ah," napatingin siya sa wristwatch niya. "Oh, it's getting late, I have an appointment to attend to. Gusto ko pa sana ng time para mag-bonding tayo."

"It's okay, Ate Mincy. Marami pa namang next time. Hatid na kita?"

"No need. Magpahinga ka na lang muna, mukhang pagod ka ngayon."

I nodded. Pagsara niya ng pinto ay lumapit ako doon. I don't know why but I feel something strange with her.

"Don't worry, she's okay. No need to worry," narinig ko si Ate Mincy na nagsasalita. May kausap siguro sa phone. "Hey. hey. Don't unerestimate my skills. I'm-"

Hindi ko na narinig ang sinasabi niya dahil nakalayo na siya. She's what? Argh! I became curious about what she's talking about!

Halos hindi ako nakatulog ng maayos nang gabing iyon. Hanggang umaga ay malalim ang iniisip ko. Hindi ako nakapag-focus sa school.

"May problema ka ba, Mina? Para kasing kakaiba ka nitong mga nakaraan, eh," sabi ni Candy habang nasa canteen kami.

"N-No-"

"Sa wakas! Nakausap ka rin!" pagputol niya sa sasabihin ko.

"H-Ha?" nagtataka kong tanong. Ano bang meron sa babaeng 'to?

"Kasi naman, Mina. Kanina ka pa namin kinakausap pero hindi ka kumikibo," sabi naman ni Janine.

"K-Kinakausap niyo 'ko?"

"Hala siya, lutang nga!"

"S-Sorry, I'm just too occupied."

Now I wonder why I'm getting in to that simple thing. Normal lang naman na may kausap siya sa phone, 'di ba? Bakit parang big deal sa 'kin 'yon?

"'Sup?" hindi ko na namalayan na lumapit na pala sa 'min ang grupo nila Al.

"Hey," parang tinatamad na sabi ni Janine.

"Candy," sabi ni Marsh.

Para namang hindi mapakali si Candy. "M-Marsh! B-Bakit?"

"Samahan mo ko mag-order," agad namang sumunod si Candy.

Codename: Alpha ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon