Chapter 17

12 6 0
                                    

MINA

"Al," I mumbled in disbelief.

He's still smiling at me. "Now that you know who I am, what will you do about it?"

Hindi ako sumagot. Sumagi na dati sa isip ko na iisa silang dalawa pero hindi ko din 'yon pinagtuunan ng pansin.

"A-Ano ba ang dapat kong gawin?" tanong ko.

"I don't know," he glanced at his watch and looked at me for the last time. "Enough with the act. I have to go."

I stood still on where I am standing. Enough with the acts? What does that mean? 'Yon ba 'yong mga pinapakita niya sa 'kin kapag siya si Zero? So all of Zero's kindness is fake?!

Tumakbo ako paalis ng mansion. Minutes later, I just found myself inside RNHS's library. Nakita ko agad si Janine na nagbabasa ng libro kaya lumapit ako sa kaniya. Her eyes lightened when she saw me.

"Mina! I missed you-"

"Ssh!" the librarian, Mrs. Rachel Gaines shushed her before she finished talking.

Nag-peace sign siya kay Mrs. Gaines bago nakangiting tumingin sa akin. "How have you been?"

"Sobrang busy. Ang sakit na ng ulo ko sa dami ng iniisip," I replied. "Where is Candy by the way?"

"She's absent today."

"Bakit daw?"

"I don't know. Maybe she's sick or something."

Iniwan ko muna siya sandali at nagpunta sa mga bookshelves. Nang mahanap ko na ang librong hinahanap ko, bumalik na ako sa pwesto namin.

"Malapit na nga pala ang exams. Pwede bang mag-group study tayo sa inyo?" tanong ni Janine.

"Sige ba, basta tayong tatlo lang ni Candy," I answered while reading the book I got.

"Uhm, kasi," napatingin ako sa kaniya. Parang nagdadalawang-isip pa siya kung sasabihin niya sa 'kin kung ano ang iniisip niya.

"What is it?"

"Si Randy kasi ang nag-suggest no'n. Naisip niya daw kasi na tulungan namin kayo ni Al sa pag-aaral niyo lalo na at busy kayo pareho."

Natahimik ako. I remembered Al's smiling face as he removed his mask. Naramdaman ko ang inis dahil sa pagtatago niya ng sikreto. Kahit na hindi kami close, hindi dapat siya naglilihim sa 'kin ng bagay na may kinalaman sa 'kin.

"Mina," pagtawag ni Janine na nagbalik sa 'kin sa realidad.

"Oh! S-Sige, kailan ba tayo maggo-group study?"

"This coming Saturday if you're free. Nasabihan na din kami nila Randy na free si Al no'n."

I nodded in response. Nagpatuloy na kaming dalawa sa pagbabasa. Hindi ko lang naman masiyadong naintindihan ang binabasa ko dahil napuno na naman ako ng isipin. What will I do when I face Al again?

I can already feel the awkwardness.

Lumipas ang mga araw ng mabilis. Naging normal ang mga araw na dumaan. Hindi ko binuksan ang BlackMail ko. Hmmp. Bahala sila diyan. Hindi pa ako handang harapin si Al after all his lies.

It's already Saturday noon when someone knocked on my door. Binuksan ko iyon at nakita sila Candy at Janine na naghihintay sa tapat ng pinto.

"Good afternoon, Mina!" bati nilang dalawa sabay yakap sa 'kin.

"Hala sige, mapipisa ako sa inyong dalawa!" biro ko.

"We missed you, kasi!" sabi ni Candy.

"Ayy, parang isang taon naman tayong hindi nagkita? Samantalang kahapon ang daldal niyo habang pauwi tayo."

Codename: Alpha ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon