MINA
Sa wakas makakapasok na ulit ako. Ang tagal kong hindi nakapasok. Marami na siguro akong na-miss na lessons. Good thing I read our books yesterday.
Pagpasok ko sa room, naabutan ko sila Candy at Janine na nakatalikod sa akin at nagkukwentuhan. I smiled and tapped their shoulders. Paglingon nila ay nanlaki ang mga mata nila. I chuckled.
"Mina! I missed you!" bati ni Candy sabay yakap sa 'kin. I hugged her back and Janine joined us.
"Where have you been?" tanong ni Janine.
"Personal matters," sagot ko na lang.
"Grabe, marami kang subjects na na-miss! Good thing nag-aaral ako ng mabuti kaya may makokopyahan ka 'pag nagkaroon tayo ng surprise quizzes," proud na sabi ni Candy. Natawa naman ako. I missed them so much.
"Don't worry, nagbasa naman ako ng mga libro natin kahapon. No need to let me copy," I assured.
"Kami pwede bang kumopya?" napalingon kami sa nagsalita. It's Randy. Nagulat pa ako nang makita siya dito kasama sila Marsh at Alphero.
"Hey, you're the only one who needs to copy. Masiyado kaming matalino para diyan," sabi naman ni Marsh. Seryoso ang mukha niya at mukhang bored.
"How about you, Al?" tumingin kay Al si Randy.
"Nah. No need, too," Al said with a blank face. Napatingin siya sa 'kin bago nag-iwas ng tingin.
"May problema ba kayo ni Al?" tanong ni Candy ng pabulong.
Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" takang tanong ko.
"What happened? Naging cold ulit kayo sa isa't-isa."
Natigilan ako. Hindi ko naman napansin 'yon. "H-Hindi ko din alam," sagot ko.
Umayos na kami sa mga pwesto namin dahil dumating na ang teacher namin. Si Miss Latia Berin.
Wait, she looks familiar. Napalingon ako kina Alphero. Blangko ang mga mukha nila pero alam ko na nakikilala din nila siya.
Miss Latia Berin is the Omega's Bernia Sennil! Ang nag-iisang babae sa Pentagon. Ngayon ko lang siya nakilala nang makita ko siya sa mansion ng Alpha Fleet!
Napalunok na lang ako bago tumingin ulit sa harapan. Bernia is smiling to everyone. Kung hindi ko kilala ang tunay niyang pagkatao, baka isipin ko pa na sobrang bait ng guro na nasa harapan namin ngayon.
"Class, for today gagawa lang kayo ng activities niyo. For those who are not yet done, pwede niyo nang gawin ngayon," Bernia said and then looked at the group of Al. "Mr. Hermes, Mr. Simmons, and Mr. Steves. Can you come with me?"
Tiningnan ko ulit sila Al. I can sense the tension between them and the teacher. Nakangiti lang sa kanila si Bernia. Mas lumawak iyon nang tumayo ang tatlo at lumabas ng room. Sinundan ko sila ng tingin.
"Hey, Mina. Ayaw mo pa bang simulan ang activities mo? May tatlo ka pang hindi nagagawa," sabi ni Janine kaya naalis sa kanila ang atensyon ko.
Habang ginagawa namin ang activities, pumasok sa room sila Al at umupo. Seryoso ang mga mukha nila. Hindi ko alam kung ano ang napag-usapan nila pero nararamdaman ko na hindi ito naging maganda.

BINABASA MO ANG
Codename: Alpha Zero
General FictionIsa lang ang gusto ng simpleng estudyanteng si Mina Cruz. Ang maging isang sikat na manunulat. The campus crush, Alphero Hermes. He is like the boss of the campus, no one dares to mess with him, other than Mina who treat him as a normal student just...