MINA
"Miss Cruz! Are you paying attention?!" sigaw ni Mrs. Ingrid Sanders, our Math teacher. "Ilang beses ka bang kailangang tawagin? Solve the problem on the board. Now!"
Hindi ko namalayan na natulala na pala ako sa kawalan. Kanina pa pala niya tinatawag ang pangalan ko. Terror pa naman ang teacher na 'to. May mga estudyante pa ngang nagsasabi na gumagawa daw siya ng paraan para madrop-out ang mga estudyante niya na hindi niya nagugustuhan.
I faced the problem on the board and sighed. Bakit ba kasi ang daming problema ng math na hindi masolusyonan. What's worse, puro 'find x' pa. Ex na nga, hahanapin pa. Psh.
Good thing nakapag-advance reading ako last night. Nablangko kasi ang isip ko habang nagsusulat ako ng story. Hindi ko alam kung ano ang isusunod.
After I solved the equation, I sat back to my seat. Nakita kong napatango-tango pa si Mrs. Sanders.
"Good. Dahil tama naman ang sagot mo, hindi kita ire-report sa guidance office. Okay, let's continue the discussion!" at nagpatuloy na nga siya sa pagtuturo.
Magaling naman siya kaso terror lang talaga. Lahat daw ng estudyante na nahawakan niya talagang natuto daw. Natakot nga lang din sila sa kaniya.
Minsan talaga, maganda rin ang magkaroon ng terror na teacher. 'Yong tipong hindi kayo sasabayan sa pagbibiruan niyo. 'Pag klase niya, lessons lang ang pag-uusapan. Madali ding susunod ang mga estudyante dahil sa takot sa kaniya.
The morning classes ended. Ngayon lang napagod ang utak ko ng ganito. Sunud-sunod ba naman ang pop quizzes. Enumeration pa!
Kasama ko ngayon sina Candy at Janine sa canteen. We are silently eating our foods. Pati rin kasi sila ay napagod sa mga klase namin. Sino bang hindi?
Hindi pumasok sila Al for two weeks. Family matter ang nakalagay sa mga excuse letters nila. But I know the real reason behind their absence.
Pumapasok pa rin si Bernia sa RNHS. She really looks like a good teacher kung hindi lang talaga siya miyembro ng isang sindikato. Sa katunayan, Bernia have many admirers at the campus. Both students and teachers. Kahit pa ang guard, mukhang pinapantasya siya.
"Sana naman wala nang pop quiz sa mga susunod na subjects," lupaypay na sabi ni Candy. Janine just groaned as a reply. Kaunti na lang, magmumukha na silang zombies.
Unfortunately, the heavens hadn't granted her wish. Puro pop quizzes din ang mga sumunod na klase namin. Feeling ko tuloy pigang-piga na ang utak ko.
Paglabas ko ng campus, nakita ko ang pamilyar na Lamborghini na naka-park malapit sa gate. A man got out from it. His dark brown hair swaying with the wind. This is the first time that I saw him this way. As if the world is in slow motion.
"Can I have a moment with you?" tanong niya nang makalapit sa 'kin.
The next thing I knew, I was in his car. It took a few minutes before he stopped it. Tiningnan ko ang paligid. We are on a riverbank. Walang ibang tao kung hindi kaming dalawa lang.
"When you said moment, do you mean a special one?" pagbibiro ko sa kaniya.
He nodded. Saglit akong natigilan. I can feel my cheeks turning red. I don't know why I'm so much affected by his actions now. Is it because of a very busy and tiring day? Nah, that's so irrelevant.
"'Wag kang ngumanga. Baka pasukan ng langaw 'yang bibig mo," Al said after a few seconds. Sinarado ko agad ang bibig ko na nakabukas pala.
We went near the river. May dala pala siyang tela na pang-picnic. Naglatag siya at pinaupo ako habang may kinuha pa siya sa kotse niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang basket na puno ng sandwiches. May naka-plastik din na barebecues.
BINABASA MO ANG
Codename: Alpha Zero
General FictionIsa lang ang gusto ng simpleng estudyanteng si Mina Cruz. Ang maging isang sikat na manunulat. The campus crush, Alphero Hermes. He is like the boss of the campus, no one dares to mess with him, other than Mina who treat him as a normal student just...