Chapter 23

13 5 0
                                    

MINA

"Because I know you'll come back to us, Chaser Three."

Masaya ako dahil nakabalik na ako sa Alpha Fleet. Well, technically hindi naman talaga ako naalis from the first place. Pero hindi din naman ako nagparamdam sa kanila bilang isang miyembro kaya parang gano'n na rin 'yon.

Nakaalis na kanina ang Decade. Nagpaiwan si Ate Mincy para daw mabantayan niya ako. Baka daw kasi bumalik ang Omega para gawin ulit akong pain. It's better to have someone here with me than sleeping alone. The Decade agreed to her kaya ngayon, kasama ko dito si Ate Mincy.

Niyaya ko siya sa sala para manood ng TV. Tatanggi na sana siya pero hinila ko siya pababa. Sinabi ko sa kaniya na hindi na rin naman ako makakatulog after what happened.

Nanood kami ng mga movies. Horror na may halong comedy ang mga pinanood namin kaya mas lalong nawala ang antok ko. In the end, hindi na talaga ako nakatulog. I took a half bath when the clock reached 6AM.

7AM ang pasok ko. Mabilis naman akong maligo kaya 6AM ako gumigising. I just eat foods that are easy to cook for breakfast like hotdogs or eggs. Si Ate Mincy na daw ang magluluto dahil babalik pa siya sa hideout.

Pagbaba ko sa kusina, nakahanda na ang pagkain. Ate Mincy is waiting for me. Sabay na kaming kumain at inihatid niya na din ako.

Naabutan ko si Candy at Janine na nag-uusap habang papasok ng gate. Nagsabi ako kay Ate Mincy na dito na lang ako ibaba dahil nando'n naman na ang mga kaibigan ko.

Pagbaba ko ay agad akong nakita nila Candy at Janine. Napanganga sila nang makita ang sasakyan na pinanggalingan ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil maganda talaga ang kotse ni Ate Mincy.

Ford Transit Van. That's Ate Mincy's car. Halos lahat ng tao napapatingin sa kotse niya lalo na ang mga lalaki.

"I didn't know na bigtime ka pala," biro ni Janine.

I shrugged. "Well, hindi naman ako 'yong bigtime kung 'di si Ate Mincy. Its hers."

Nanlaki ang mga mata ni Candy. "Kay Ate Mincy 'yon?!" hindi makapaniwalang aniya. "Grabe, yayamanin naman pala."

Hanggang sa pagpasok namin ng room ay 'yong sasakyan pa rin ang pinag-uusapan nila. May mga estudyante din na napapalingon sa akin. Nakilala siguro nila ako dahil natulala sila sa sasakyan ni Ate Mincy.

"Good morning, class!" maganda na sana ang araw ko. Bakit dumating pa 'to?

"Good morning, ma'am," bati naman sa kaniya ng mga kaklase namin.

"Mina, nakatingin sa 'yo si ma'am," bulong ni Candy pero hindi ko siya pinansin. I acted as if there is no teacher in front of us.

I heard Bernia cleared her throat. "Miss Cruz, baka gusto mo akong batiin ng magandang umaga?"

"Maganda na sana ang umaga ko kung hindi ka pumasok," hindi ko maiwasang masabi iyon. The memory of the Pentagon invading my house last night is still fresh in my mind.

"I hope your personal matters won't affect your academic performance, Miss Cruz," she said sounding like a concerned teacher to her student. But for me, it sounds like she's mocking me.

"It will certainly not, Miss Berin," I smiled at her. "But my relation with you might be."

"Okay class, bring out your notebooks and copy this. I'll discuss it to you later," she said, ignoring my remarks. Tumingin siya sa 'kin. "I have some errands to do."

Paglabas niya ng room ay biglang umingay ang paligid dahil sa mga bulungan ng mga kaklase ko. They are like annoying bees disturbing the peaceful silence I have.

Codename: Alpha ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon