MINA
Four months have passed.
No Alphero appeared. Last time I heard his name is two months ago. They said he will stay there to fully recover.
After that, I haven't heard any other news about him. I couldn't contact him, too.
Ganito pala ang pakiramdam. 'Yong tipong naghihintay ka sa taong inaasahan mong darating pero hindi pala.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak, magalit, at mainis. Pero kung gagawin ko 'yon, wala ding mangyayari.
I wanted to see him badly. I wanted to be with him longer.
"Mina!" someone called from behind. "Mina! Tara na!"
Hinatak ako ni Candy palabas ng room. Nagpadala ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa dulo ng corridor.
"Quit spacing out, Mina! Mahirap mag-alaga ng lutang, alam mo 'yon?" si Randy.
"Ano bang meron?" inosenteng tanong ko.
"Valentines po ngayon, ma'am! Valentines!"
"Tapos?"
Nagtinginan sila. Naguguluhan na siguro.
"Manonood tayo sa sine ngayon, 'di ba?" sabi ni Candy.
"Ah," tumango ako. "Kayo nalang. May gusto akong puntahan ngayon, eh."
"Sumama ka na, please?" pamimilit ni Janine.
"Kaya niyo na 'yan," sabi ko naman. "May gusto talaga akong puntahan ngayon."
"Pero–"
"'Wag niyo nang pilitin. Hayaan nalang muna natin siya sa gusto niyang gawin. Respect her free will."
Wala nang nagawa ang dalawa at sumunod nalang kay Marsh. Umalis na sila at nagtungo naman ako sa kabilang dereksyon.
Naglakad ako papunta sa lugar na gusto kong puntahan. Inilapag ko sa damuhan ang bulaklak na nabili ko kanina pagpunta dito.
"Happy valentines," sabi ko habang pinapadaan ang mga daliri ko sa lapida. "I miss you so much. Alam mo, minsan hinihiling ko na sana nandito ka pa sa tabi ko. Na sana wala ako dito kung 'di nasa mall kasama ka. Sana nakikita ko pa ang ngiti mo. Sana naririnig ko pa ang boses mo. Ang daming sana na hindi na matutupad. Bakit kasi nauna ka na?"
Tinitigan ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.
R.I.P
Mincy Cordin"I love you, Ate."
Tumayo na ako at pinahid ang luhang tumulo sa pisngi ko. Naglakad na ko papunta sa entrance ng Memorial Park.
Hindi pa ako gaanong nakakalayo ay nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko, sa direksyon ng puntod ni Ate Mincy.
Dahan-dahan akong lumingon. Nakayuko ang isang lalaki na nakasuot ng itim na suit habang inilalagay ang isang boquet ng bulaklak sa tabi ng puntod ni Ate Mincy.
Tumayo siya at humarap sa akin. Hindi ko siya makilala dahil bahagya siyang nakayuko at natatakpan ng buhok niya ang mga mata niya. Naglakad siya palapit hanggang sa magkatapat kami.
I can see his smile while looking at me. He must be happy to see me, I guess. The bad thing is, I don't recognize him.
Maputi, matangkad, matikas ang tindig, at mukhang mayaman. Iilan lang ang kilala kong ganoong tao.
Suddenly I felt a chill while looking at his face. It's like he gives off a vibe of danger.
Umihip ang malakas na hangin na naging dahilan para mahawi ang buhok niya at makita ko ang mata niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
Codename: Alpha Zero
General FictionIsa lang ang gusto ng simpleng estudyanteng si Mina Cruz. Ang maging isang sikat na manunulat. The campus crush, Alphero Hermes. He is like the boss of the campus, no one dares to mess with him, other than Mina who treat him as a normal student just...