Twenty Eight

751 60 45
                                    


Phoenix Psychic



Sobrang sakit ng ulo ko at pakiramdam ko ay maghihiwalay ang utak at bungo ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at dahan-dahan kong itinayo ang sarili ko mula sa kama.



I notice that I was in my room when I saw my family picture on the bedside table.

 

"Gising ka na din!" Nagulat ako ng may tumalon papalapit sakin at sabay yakap nito. "Ang hilig mo din matulog nuh." Bumungad sa harap ko ang mukha ni Shara habang malapad na nakangiti ito sakin.



Naguguluhan akong nakatingin sa kanya dahil hindi ko alam ang nangyari at wala akong alala ng kahit anong huling nangyari sakin dahilan para makita ko ang sarili ko sa kwarto ko.



"Selene!" Nagulat ako ng bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko at tumakbo papalapit sa akin si Zed sabay yakap nito sa aking ng mahigpit. Hindi ko maintindihan kung bakit nalang niya ako niyakap ng mahigpit.



"Nag-alala ako sayo ng sobra!"



"Hoy bitawan mo nga si Selene! Nagpapahinga siya at kakagising lang niya." Hinila siya paalis ni Shara pero ayaw umalis ni Zed sa tabi ko kaya nagsenyas nalang ako sa kanya na hayaan nalang nila ito.


"Kamusta na ang lagay mo?" Sunod-sunod na rin na pumasok sa loob ng kwarto ko sina Blade, Minki at Dexter.

 

"Pagpahingain mo muna si Selene." Bumukas muli ang pinto ng kwarto ko at iniluwal nito si Kim habang may dala-dalang tray. Inilagay niya ito sa bedisde table ko. Tinignan ko naman ito. "Soup and Medicine?" Takang tanong ko ng tumingin ako kay Kim.


"The soup was made by Keiran and the medicine is a vitamin, to regain your strength." Dagdag nito. Sumunod naman na pumasok sa kwarto ko si Xyan dala-dala ang isang gadget na ngayon ko lang nakita. Para siyang Bracelet na may mahahabang wire.



"Ang sarap niyan in fairness." Puri pa ni Shara sa pagkain na ginawa raw ni Keiran pero hindi ito ang sagot na hinahanap ko.


"May sakit ba ako?" I asked at tsaka ko kinapa ang noo ko pero hindi naman ako mainit. At tsaka, anong ginagawa nilang lahat sa kwarto ko?


"I thought you were sleeping again for days, were glad that you're finally conscious now." Si Minki habang nakahalukipkip ito. Umupo siya sa isa sa mga upuan na nasa kwarto ko.


Lumapit naman sakin si Xyan kaya napatayo naman sa tabi ko si Zed para makapwesto ito sakin. "Para saan to?" Takang tanong ko sa kanya. Kinuha niya ang braso ko at tinaas ang sleeves ng damit ko at doon niya nilagay ang gadgets na dala-dala niya.



"This is to maintain your body status and to control your peculiarity" Nakangiting sagot nito sakin at tsaka na sya tumayo sa kama ko ng matapos siya sa paglagay nito. To control my ability?

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon