Thirty Five

680 48 22
                                    


Vladerio Castle


"Maupo muna kayo riyan. Pagpasensyahan niyo na ang bahay ko kung medyo maliit lang ah. Oo nga pala, ikukuha ko muna kayo ng makakain ninyo. Antayin niyo ako rito." Paalam sa amin ng aleng tumulong sa amin.


Tinignan ko ang kabuuan ng bahay na ito. Simple lang at mukhang gawa pa ito sa barong-barong. May maliit na timba rin sa gitna at mula sa itaas nito ay may tumutulong tubig na sinasalo naman ng timba.


"Ang lamig." Bumuga ng hangin sa kamay niya si Shara sabay kiskis ng mga palad nito dahil sa lamig na nararamdaman nito. Habang tumatakas kami kanina ay naabutan kami ng malakas na ulan kaya basang-basa kami ngayon.


"Isuot mo muna." Lumapit sa kanya si Milo at sabay abot nito ng jacket na suot-suot niya kanina. Tinignan lang siya ni Shara sabay iling nito.



"Basang-basa ka din kaya bat' mo ibibigay sakin yan? HIndi na, mukhang mas kailangan mo yan." Tanggi ni Shara dito pero bago pa siya makaprotesta ay nilagay na ni Milo sa balikat niya ang jacket nito.


"Wag ka nang umangal at isuot mo nalang." Unang pasabi nito sabay ngiti kay Shara, wala nang nagawa si Shara at tinanggap nalang ang jacket nito. Nilalamig naman ako sa kanilang dalawa habang pinapanuod ko sila.


I rubbed my arms with both of my hands to at least ease the coldness I am feeling right now. "Bakit ba kasi sa lahat ng nakalimutan naming dalhin, yung payong pa." I whispered to myself with a shudder voice.


Umupo ako sa upuan at doon ko niyakap ang sarili ko habang inaantay si Ale na hindi pa namin kilala. I tried to close my eyes for the mean time as I rub both of my hands to make some heat. For now, I can't concentrate to make a fire or even adjust the temperature of my body since all I think is how to get this cold out of me in a normal way.


"Use this for..." I heard someone speak in front of me but before I could open my eyes, I just felt that someone was beside me, I turned my eyes to the person who did.


"Anong ginagawa mo?" Tanong ko ng makita ko sa tabi ko si Kei at hindi lang basta sa tabi ko kung hindi dikit na dikit siya mismo sakin at ramdam na ramdam ko ang balat nito sa braso ko.


"To ease the cold." He remarks without even eyeing on me. "I am part wolf; my body temperature can be warm." He added at doon ko mas naramdaman ang mainit na temperature ng katawan nito kung saan mas nakakabawas ng lamig sa akin.


Nakita ko naman sa harap ko si Rance na nakatingin sa aming dalawa habang may hawak na jacket sa kamay niya. Nagtaas ako ng kilay ko sa kanya bilang pagtataka. "Gusto mo rin ba magpainit kay Kei, Rance?" Tanong ko rito pero bigla nalang kumunot ang noo nito at nanliit nanaman ang mga matang tinignan ako.


"Whatever." He gave an indignant reply as he put his jacket around him and left us. Anong problema nun?


Tumingin ulit ako sa katabi kong walang ka react-react or galaw man lang. "Ayos ka lang ba Kei at hindi ka na nagalaw diyan." Kamusta ko rito sabay kiskis ng dalawang palad ko at Tumingin siya bigla sakin at dahil sobrang lapit namin sa isa't isa ay napakalapit na rin ng mukha nito,

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon