2: Escape
I no longer knew what was truly happening to us, and I didn't have the chance to ask Auntie as she quickly grabbed my hand and pulled me toward the basement of the mansion.
"Saan tayo pupunta Aunt? Nagkakagulo sa labas. Ano ang mga ingay na 'yon," Sunod-sunod kong sabi rito pero hindi niya ako sinasagot at palingo-lingo lang ang ibinibigay nito sa akin.
Mabilis niyang inutusan ang ibang guards na magbantay sa harap ng mansion at tinawagan ang kaibigan niyang sa pagkakaalam ko ay isang sundalo o may katungkulan sa military. Ano ba talaga ang nangyayari? May gera ba sa labas ng mansion?
"I need to get you to a safe place, Selene," Saad nito at tumigil kami sa isang kwarto. Ang kwarto na kailanman ay hindi ko pa nakikita. Lahat ng silid sa mansion ay napuntahan ko na maliban sa kwartong nasa harap ko kung saan ako ipinagbabawal ni Auntie.
"Hindi ba bawal ako pumasok diyan?" Pagpapaalala ko sa kanya pero mabilis na nito kinuha ang card na nasa wallet niya at tinap 'to roon. Tumunog naman ang pinto hudyat na bukas na ito.
Sigurado ba si Auntie na bubuksan niya ang pintong ito sa harap ko? For over 17 years, hindi ko man lang nalaman kung ano ang nasa loob nito. Tapos dahil lang sa nangyayari sa labas, bubuksan niya?
Hindi ko maaninag ang loob dahil lumabas ang makapal na usok, kaya pinagpagan ko ito gamit ang kamay ko habang nauubo.
"We have no time. I'll get you to the Academy." Nagtaka ako sa mga sinabi ni Aunt Faye at kumunot ang noo kong tinignan siya.
Bago pa ako makapagsalita, narinig kami ng ingay mula sa taas, pati na ang ilang tunog ng baril. Mabilis kong inilagay ang mga kamay ko sa tainga dahil sa takot at kaba, at lingon naman si Auntie mula sa pinanggalingan namin.
"We have no time," she retorted and forcibly held my hand as we entered the unknown room. She slammed the door shut as soon as we were inside. The chaos upstairs could still be heard, and it scared me even more. I felt like everything was happening again, the memories from that night.
"Selene, follow me," tawag ni Auntie, pero hindi ko maramdaman ang mga paa ko dahil sa takot. Lumapit sa akin si Auntie at malumanay na hinawakan ang balikat ko.
"Hold yourself together, Selene."
"Get myself together in times like this?! Are you out of your mind, Auntie? Sinasalakay na ba tayo ng mafia?"
"Mafia? No—ahm..." Natatarantang sagot niya habang nag-aantay ako ng paliwanag.
Malalim na huminga siya, sabay pikit, bago muling tumingin sa mga mata ko. "It's hard to explain here, for now, I need to keep you safe," sabi niyang may alalahanin, at hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari.
"Ito na ang tamang oras para ipaalam ko kung sino ka talaga." The words made me even more confused. Slowly, the thick smoke in front of us began to dissipate, and my eyes widened when I saw what was in front of us.
A large round stone that emitted light appeared before us. Auntie walked toward it and glanced back at me.
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...