mys·ti·fy
/ˈmistəˌfī/
Utterly bewilder or perplex (someone).
17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...
Walang alinlangan at mabilis na nagsitakbuhan at lumabas ang lahat sa academy para makipag unahan sa pagkuha ng chess piece. Gaya ng sabi ng Headmistress, ang chess piece nayon ang magdedetermina ng team namin sa loob ng Academy. Para saan ang team?
Mabilis naman kaming tumakbo ni Shara ng magkahawak kamay at mukhang ayos lang sa kanya 'yon.
"Para saan ang team?" takang tanong ko sa kanya hanggang sa makalabas na kaming dalawa ng campus.
Napansin ko kaagad ang malawak at magubat na kapaligiran ng makalabas kami Academy. Masyadong malawak ang mundong binuo ng mga ability holders para lang maitago ito sa normal na mundo. Gaya ng nabasa ko sa librong ginawa ni Auntie, naging isang kasalanan na ang pagkakaroon ng ability holders at hindi na 'to tinatanggap sa mundong kinagisnan ko kaya gumawa ng gan'tong kalawak na mundo ang mga ability holders.
"Ang team ay binubuo ng sampung tao, iyon ang pagkakaalam ko at ito ang team na makakasama mo sa buong pag-aaral mo sa Academy. Nakaraang taon lang naisipan ng headmistress na bumuo ng mga team, ang sabi ay makakatulong daw 'to sa mga ability holders na mas mapalawak ang mga kakayahan nila lalo na pag nasa isang organisasyon lang sila." Sagot niya sa tanong ko. Naintindihan ko naman ang sinabi nito at may punto si Ms. Kannade sa pagbuo ng isang team gamit ang mga ability holders.
"Kaya siguraduhin natin na magkasama tayo sa team ah!" Masayang sabi nito kaya nakangiting tumango ako sa kanya.
Naglakad lang kami sa masukal at mapunong gubat na to. Maabusising itinuon ko ang atensyon ko sa paligid ko dahil gaya nga ng sabi ni Ms. Kannade, mapanganib ang pwedeng kahaharapin namin. Ngunit sa tulad kong wala pang kahit na anong ability? HIndi ko alam kung hanggang saan ako tatagal.
Patuloy kaming naghahanap ni Shara ng mapansin kong may mangilan-ngilan na patuloy na naghahanap at tumatakbo kung saan saan, I clutched Shara's hand when I saw some students were running in top of the trees and their branches, they looked like a ninja in some sort of way.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Saang daan mo tayo gusto pumunta?" tanong niya sakin, tinignan ko naman ang daan na tinutukoy niya. May malaking kahoy sa harap namin na may dalawang arrow na nakaturo sa magkaibang direksyon.
Hindi ko alam kung anong daan kami dahil parang pareho lang naman ito kaya walang paligoy ligoy kong tinuro ang kanan dahil iyon ang unang pumasok sa isip ko, she agreed on my decision kaya doon kami sa kanang bahagi dumaan. Dahan-dahan lang kaming naglalakad sa buong paligid habang pinapakiramdaman ang ibang estudyante sa paligid namin.
"I found one! A rook!" We heard someone shout in the middle of the forest. Mukang walang kahirap hirap na nakakuha na ang iba. Like what the Headmistress said, she warned us that it's dangerous outside the academy and we might encounter different creatures and events but I guess it's just a warning for us to be alert.