Hybrid
"Ang sakit na ng paa ko." Reklamo ni Zed na syang nasa likuran namin.
"Wala pang isang kilometro ang nilalakad natin tapos pagod ka na agad?" tanong ni Kim rito at pa cute naman na tumango si Zed sa kanya. "At nagugutom na rin ako, pwede na ba akong magbukas ng isang chip?" Tanong pa nito sabay lapit kay Blade na s'yang may dala ng snacks at pagkain namin para sa mahaba-habang paglalakbay namin.
"Pahingi ako ah." Hindi naman pinigilan ni Blade na kumuha ito dahil kanina pa sa Dorm house nagwawala at nagrereklamo si Zed na parang bata kaya binigay nalang nito ang gusto niya para matahimik na sya.
"So saan ba mismo ang way natin?" Tanong naman ni Shara habang pinapaikot ikot nito ang map na hawak hawak niya. "Pano ba 'to basahin?" Tanong pa nito sa akin sabay pakita ng napaka laking mapa na nasa kamay niya.
Kinuha ko sa kanya iyon at ako naman ang tumingin ng mapang hawak niya. It is the map that only enclose those highlands that was near the Academy. I never thought na ganto pala kalawak ang mundong ito. Ang mundo ng mahika at ibang iba sa mundo ko.
"Hindi ko maintindihan ang ibang letters at nakasulat rito." turo ko kay Shara ng ibang pangalan ng landmarks at mga lugar na nakasulat sa ibang lenggwahe. "Ayy oo nga pala." Pag kumpirma nito at kinuha na sakin ang mapa. Nakakapit sya ngayon sa aking braso habang patuloy parin kami sa paglalakad.
"Kakasimula palang natin, we need to save our energy for now and be precautious specially sa mga nakapaligid satin, Isa pa ay hindi lang tayo ang may kailangan sa blue fragment na iyon." Paliwanag ni Blade sa amin. S'ya ang nag lead ng daan dahil ayon sa kanya ay alam niya ang Mount Alvestro.
"Tingin niyo ba nakaalis na yung White Queen Team?" tanong naman ni Dexter na syang nasa bandang likuran namin, kasunod niya si Keiran, as usual.
"For sure they already planned to depart as soon as possible." Sagot ni Minki.
"So that only means that we should not let our guards down, we have to be prepared and no matter what we have to stick together." Blade declare at tumango naman kami sa kanya bilang pag sang ayon.
Nasa gitna kami ngayon ng kagubatan at wala kaming kasiguraduhan kung saang lupalot ba naroroon iyang Mount Alvestro na iyon. Si Blade lang ang may alam ng lugar na iyon kaya siya lamang ang guide namin sa ngayon.
"Mag aanim na oras na tayong naglalakad pero wala akong ibang nakikita kundi puro Puno lang, hindi kaya naliligaw tayo? Sure ka bang alam mo kung saan tayo pupunta?" Napahinto sa paglalakad si Xyan na napahawak pa ito sa isa sa mga puno na naririto.
"Oo nga, sure ka ba na alam mo ba talaga kung nasan iyong Mount Alvestro?" taas na kilay na tanong ni Kim habang naka crossed ang dalawa nitong braso sa kanyang dibidb. Matalim naman syang tinignan ni Blade dahil sa tono niya. "Alam na alam ko kumpara sayo at ano sa tinigin niyo ang Mount Alvestro? Dyan lang sa kanto?"
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...