Turncoat
"Eto naman 'yung line mo. Then mag gui-guitara din si Rance- Selene? Hello? Earth to Selene!" Nagulat ako ng yugyugin ako ni Xyan kaya mabilis napailing at tumingin sa kanya.
"Ano nga ulit 'yun."
"Nasa space na naman isip mo, sigurado ka bang okay ka lang?" He asks and I just nod. I sat down in the chair in front of me and put my arm in the table with my chin in the palm of my hand.
"I'm sorry, may iniisip lang." Sagot ko rito. Hanggang ngayon hindi ko maisip kung ba't biglang naglaho nalang ang logo sa singsing na 'yun. Gusto ko din malaman kung kanino ba talaga ang badge na 'yun at bakit, bakit hindi maalala ni Mavi na nagkita na kami noon.
Kinuha ko ang baso na nasa harapan ko at uminom dito dahil pakiramdam ko ay nadre-drain ako. Napalingon ako sa ibang members na may kanya-kanyang ginagawa rin.
Naghahanap naman ng kanta si Keiran sa sulok habang nakaharap 'to sa piano. Nagpra-practice naman ng line si Dexter para sa kanya at kay Blade na wala pa dito, nag vovocalize naman si Zed ng do re mi niya samantalang lumabas muna pansamantala si Rance, ang pagkaalam ko ay may kausap siya sa telepono kanina.
"Iniisip mo ba kung sino pipiliin mo kina Rance at Keiran?" Halos maibuga ko sa kanya ang tubig na iniinom ko kaya napaubo ako ng sobra dahil sa pagkasamid ko.
"Ano ba yang sinasabi mo huh Xyan, nababaliw ka na ba?"
"Or baka naman may chance si Dexter o Blade." Muntik na ako mapaliyad sa pagkakaupo ko ng biglang sumulpot sa harap ko si Kim sabay lagay nito ng pagkain at inumin sa lamesang nasa harap namin.
"At bakit nasama dito sina Dexter at Blade? Ano bang mga pinagsasabi niyo."
Nakaramdam naman ako ng pitik sa ulo ko galing kay Kim kaya mabilis kong hinimas 'to. "Aray ah, anong ginawa kong kasalanan."
"Alam mo hindi ko alam kung may pusong bato ka ba, manhid ka o ano eh pero napaka clueless mo sa paligid mo." Asik nito sa akin. Nagkatinginan pa sila ni Xyan at tsaka 'to tumango sa kanya.
"Totoo lang Selene." Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila kaya kumunot ang noo kong tinignan sila.
"Clueless saan? Hindi ko kayo maintindihan, diretsuhin niyo nga ako."
"Nbsb ka ba?" Nagulat ako sa tanong sa akin ni Kim pero halata sa mukha niya na seryoso niya 'tong tinatanong kaya sumagot ako sa kanya.
"Ahm, Oo? May masama ba dun?"
"Kaya!"
"Ayon naman pala!"
Sabay pa nilang sabi na mas nagpapagulo sa akin. Anong kinalaman ng pagiging no boyfriend since birth ko kina Rance, Keiran, Blade at Dexter? At sa mga pusong bato or manhid?
![](https://img.wattpad.com/cover/166563746-288-k773842.jpg)
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...