School Festival
"Matutunaw." Napalingon ako sa taong tumapik sa balikat ko, si Shara lang pala.
Lumapit 'to sa akin at tsaka inayos ang make up sa mukha ko since siya ang naka-assigned roon. "Wag mong titigan kasi para hindi ka nahahalata."
Tumingin kaagad ako sa kanya. "Titigan?"
"Si Kei." Nguso niya kay Kei na kausap ni Xyan at Blade. Napailing naman ako sa kanya dahil mukhang mali ang iniisip niya sa pagtingin ko rito. "I saw Kei."
"Natural nakikita mo siya. Pikit mo isa mong mata aayusin ko 'yung lining." Sinunod ko ang utos niya bago nagsalita ulit.'
"I saw him lying in my arms, covered by blood." Naramdaman kong tumigil siya sa paglalagay ng make up sa mata ko kaya dumilat ako at nakita ko ang hindi makapaniwalang ekspresyon nito.
"Anong ibig mong sabihin?"
Hinawakan ko ang kamay nito at doon ko trinantsmit ang gusto kong sabihin sa kanya. Sinigurado ko ring hindi maririnig ni Dexter ang isasalin ko sa isip ni Shara. Doon ay nagawa kong ipakita sa isip niya ang bagay na lumitaw sa isipan ko. Gulat siyang tumingin sa akin.
"Anong ibig sabihin 'nun Selene?" Gulat at kabang tanong nito pero umiling lang ako sa kanya dahil maski ako ay hindi ko alam ang sagot sa tanong niyang 'yon.
"I don't know. Bigla nalang siyang sumulpot sa isip ko."
"Kaya ba umiyak ka kanina sa harap niya?" Mahinang tumango ako. "Kailangan 'to malaman nila para-" Mabilis kong pinigilan si Shara sa pagpunta kina Kei o kanino man sa team kaya nagbalik siya ng tingin sa akin.
"Hindi pa nila pwedeng malaman 'to."
"Bakit? Selene, nasa panganib ang buhay ni Kei gaya ng nakita mo."
"Hindi sapat ang nakita ko para magpadalos-dalos tayo. Ayoko magdala ng takot sa buong team lalo na kay Kei. Paano kung mali ako ng nakita, wala pang kasiguraduhan lahat." Paliwanag ko rito. Naglabas naman siya ng buntong hininga at mukhang naintindihan naman niya ang ibig kong sabihin.
"Anong gagawin mo? Sasarilinin mo nalang 'yan?"
Isang malalim na buntong hininga ang sinagot ko sa kanya at tsaka ako naupo sa mini chair na nasa likuran ko. "HIndi ko alam ang gagawin ko pero sa ngayon, hindi tayo pwede magpadalos dalos lalo na at hindi pa malinaw ang lahat."
"Anong hindi malinaw sa pangitain mo, bilang isang phoenix psychic, mahalaga ang mga pangitain na nakikita mo." Sabi nito habang nakahawak sa dalawang braso ko. Malungkot na tumingin ako sa kanya.
"What if that vision of mine has a deeper reason, deeper meaning. What if Kei lying in my arms do have a deeper meaning."
"Ang ibig mo bang sabihin ay ikaw ang mananakit kay Kei?" Nagbaba ako ng tingin ng sabihin niya 'to at hindi ko maatim na makita ulit ang kaisipang 'yon. "Hindi Selene."
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Alam kong kahit kailan ay hindi mo gagawin 'yun, hindi mo gagawing saktan si Kei o maski sino man sa amin. Alam ko dahil ikaw si Selene." She said as she comforted me.
HInihiling ko na sana nga tama ang sinabi niya na sana hindi ako ang maging dahilan ng kaguluhan o may mapahamak man lang ni isa sa kanila dahil sa akin, lalo na ngayong nalaman ko kung saan ba ako nanggaling. Na isa ako sa mga taong gusting kumuha sa akin.
"Wag ka na nga magdrama diyan, masasayang 'yung make up ko sayo. Halika na." Hila sa akin ni Shara papunta kina Xyan habang kausap parin si Blade at Kei.
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...