Fifty

451 28 13
                                    


Prophesy


Nagawang kong sundan kaagad si Blade kasama ang Inang nito na siyang umalalay sa akin. Maliit lang ang syudad nila at kung titignan ay parang isang tribo 'to na sila-sila lang rin ang magkakasama.


Pumasok kami isang barong barong na bahay na pinaanyayahan naman ng Inang ni Blade. Pumasok kami sa isang kwarto ng hawiin nito ang natatanging takip na kurtina at doon ko nakitang nakaluhod si Blade sa harap ng isang kama habang hawak-hawak ang kamay ng isang babae na walang malay.



"Bakit hindi niyo pinaalam sa akin?" Tanong ni Blade ng hindi man lang nagawang lumingon sa amin. Napatingin naman ako sa Inang nito na naghahalo ang kaba at lungkot sa nangyayari.




"Alam mong nasa Academy ka, hindi ka na namin inabala dahil ayaw namin na ma pressure ka lalo na sa pag-aaral mo. Ayaw naming mahirapan ka."



"Hindi pa ba ako nahihirapan sa paglilihim niyo?" Balik na tanong ni Blade. May kirot sa dibdib ko ng magsalita siya at may halong lalim at pigil hininga ang pagsasalita niya.


"Ginawa lang din namin 'yon para sayo, ayokong dahil sa kapatid mo ay mawala ka sa focus sa pag aaral ko."


"Para sa akin?!" Nanlaki ang mata ko ng lumingon si Blade sa amin at bakas ang galit sa mukha nito. "Ni hindi niyo man lang inisip ang mararamdaman ko ngayon?" Pagtataas ng boses niya kaya humarang na ako sa pagitan nila.


"Blade! Wag mong pagtaasan ng boses ang mama mo!" Saway ko.


Mariin na tumingin lang 'to sa'kin at muling bumalik sa harap ng kapatid niya. Lumingon kaagad ako sa Inang ni Blade na napatakip ng bibig dahil sa pagtaas ng boses ni Blade sa kanya. Mabilis na lumapit ako sa kanya at hinimas ang likuran nito.


"Ayos lang po ba kayo?"



"Ayos lang ako iha." Mahinang sabi nito sa akin sabay punas ng luha niya sa pisngi. "Maiwan ko muna kayo at maghahanda ako ng makakain niyo." Paalam nito at tsaka tuluyang lumabas ng silid na may bigat na dinadala.


Bumaling naman ang tingin ko kay Blade na nakaupo sa kama habang hinahaplos-haplos nito ang kamay ng kapatid niya.

"Blade..."


"Pwede bang iwan mo muna ako saglit Selene?" Mahinang sabi nito sa akin. Tumango naman ako sa kanya kahit hindi ako nito nakikita at tsaka ko siya marahan na hinawakan sa balikat nito.


"Nasa labas lang ako kapag kailangan mo ako." Paalam ko rito bago siya tuluyang iwan sa ganun paring pwesto.


Naupo ako sa maliit na upuan nila sa sala at doon ay sinalubong ako ng inang ni Blade. Naglapag siya ng isang pagkain sa harap ko at tsaka umupo sa katabing upuan ko.

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon