Forty Eight

468 26 15
                                    


Hidden Mark


Unique Ability? They are aiming for this unique ability of mine? Is that the only thing that they wanted from me? Unbelievable.


Naikuyom ko ang mga kamay ko at masamang tumitig sa kanila lalong lalo na kay Milo na kailanman ay hindi ko inasahang magtra-traydor sa amin. Hindi man kami gaanong ka close pero kahit papano ay may pinagsamahan kami, lalong lalo na kay Shara. Ano nalang ang mararamdaman ni Shara pag nalaman niya 'to?


"You are really bad at making games huh. Ang hilig ninyo mandamay." Inis na asik ko sa kanila at isang tawa naman ang sinagot sa aking ng babae. Nakasandal siya sa isang puno habang nagpapaypay ito na parang walang nangyayari.


"Where is the fun if we didn't do this and kasalanan ba namin if siya ang kasama mo? Ang sweet niyo nga kanina eh, ang hirap i-interrupt."


"Selene, don't listen to them and run. Please." Nahihirapang sabi ni Rance sa akin pero umiling ako sa kanya.


"Hindi kita iiwan dito lalong lalo na sa kamay nila."


"Oh, how sweet of you two. Kayo na ba?" Pagbibiro niya pa na mas lalong kinainis ko. Wala sa tamang sitwasyon ang lahat at nakuha niya pang gawin 'yan lalo na ngayong na hihirapan si Rance?


Masamang tumingin ako kay Milo na punong-puno ng pagtataka. "Really Milo, paano mo 'to nagawa sa amin?"



"Hindi ko kayo kaano-ano Selene kaya wag ka magsalita na para bang may utang na loob ako sa inyo."


"Pero pinagkatiwalaan ka namin, pinagkatiwalaan ka ni Shara. Kasama ka namin pumunta sa Vladerio, nandoon-" Natigilan ako ng may maalala akong bagay mula sa Vladerio at tsaka ako muling tumingin sa kanya.


"Ikaw ang nagbukas ng portal sa Vladerio?" Nakatingin kong tanong sa kanya at isang ngisi naman ang binigay nito sa akin.


"What? Hanggang ngayon ay hindi niyo parin alam?" Ibig sabihin siya nga. Siya ang nagpahamak sa mga taga Vladerio, siya ang dahilan kung bakit muntik ng mapahamak ang iba at si Letisha! "I am just trying to play, don't be so KJ."


Naikuyom ko ng maigi ang kamay ko at tsaka kinontrol ang mga kahoy na nasa likuran nito at itinutok sa kanya. Nagulat naman siya ng mapansin niya 'yun at tsaka humarap sa akin ang babaeng naka itim na balabal.


"Don't Selene if you don't want anything bad to happen to him, you know that one word from me can kill him." Turo pa nito kay Rance na mas pinalibutan ni Milo ng itim na usok nito. He might kill Rance?

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon