mys·ti·fy
/ˈmistəˌfī/
Utterly bewilder or perplex (someone).
17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...
"Coffee?" Alok sa akin ni Dexter kaya kinuha ko naman to sabay ngiti rito.
I lean back again to the scenario in front of me. We are in the rooftop of this building. "Kamusta lagay mo? Yung sugat mo?" I ask as I look at him. May mangilan-ngilang patches na nakalagay sa mukha niya, sa braso at kamay nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(example image of the rooftop)
"Ayun gwapo parin naman ako kahit may patch." Nag pogi sign pa sya sa harap ko na inilingan ko naman habang tumatawa. "Bakit ka pala mag isa rito? Ayaw mo ba pumasok sa loob or magpahinga?"
Umiling ako bago humigop ng kape. In fairness masarap sya magtimpla ah, pwede sya maging barista talaga.
Narinig ko nalang ang mahinang tawa ni Dexter sabay higop rin nito sa kape. Alam ko na, he is reading my mind right now. "May chances ba na i block mo ang pagbabasa ng isip ko?" tanong ko sa kanya.
"There is kaso it's not a good idea." Napatingin ako sa kanya at siguro alam naman niya ang susunod na tanong ko sa sagot niyang 'yun. "I mean, iba ang way naming mga Guardians' kung pano ma block totally ang mind ng isang tao."
"Then ano yun?"
"Ahmm..." May pakamot-kamot pa sya sa ulo niya at halatang nag hehesitate syang sabihin kung ano ang way niyang iyon.
"Ano 'yun? gusto ko malaman." Tanong ko at nag aantay lang ako sa sagot niya.
"Ahmm.. It's about the kiss."
"Kiss? saan sa forehead para ma seal niyo yung mind namin? tama ba?" I ask again as I sip for my coffee.
"No. Kiss in the lips." Halos maibuga ko ang iniinom kong kape at dahil doon ay nasamid ako ng sobra para mapaubo ako na para bang may sakit ako ng bongga sa lungs.
"Oh tissue, nasamid ka." Mabilis niyang inabot ang tissue sa lamesa malapit sa amin at mabilis kong kinuha yun para punasan ang bibig ko at umubo. Kasalanan ni Dexter 'to, pag ako talaga namatay sa samid, pero joke lang yun.
"Wait?! Seriously?! Kiss talaga sa lips?" Gulat at hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya dahil para mag iwas sya ng tingin sa akin pero need ko ng sagot at confirmation galing mismo sa kanya.
"Yup, that is the only way. Yung pag deactivate ko ng reading minds ko ay hindi permanente, it has limits too at minsan di ko namamalayan na nakakarinig nanaman ako ng isip ng taong 'yun." Paliwanag niya. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi niya kaya napapailing nalang ako rito.