Thirty Four

682 56 20
                                    


Daragon Village


"Yung pass natin?" Tanong ni Milo at tsaka naman may kinuha sa bag niya si Shara at tsaka ito binigay sa isang School Guard na siyang nagbukas ng malaking golden black gate sa harap namin.


I don't specifically remember kung nakailang beses na ko nakalabas ng Academy pero medyo iba na ang situation ngayon. Kung dati ay pwede kami makalabas as long as it's academic related but now? Andaming approval and requirements na kailangan bago kami makalabas. Siguro dahil narin sa nangyari noon gabi na yun, nung may nakapasok na mga Shadow Monsters sa Academy.



"Gaano pala kalayo yung lugar na pupuntahan natin Keiran?" Tanong ni Shara rito. Nagsimula na kaming maglakbay at sundan si Keiran since siya ang nakakaalam rito. We plan this journey for one day, maximum na ang 2 days since kailangan namin bumalik sa Academy at paghandaan ang Academy's Festival.



Tahimik lang kaming naglalakad kaya lumapit ako kay Keiran para tanungin siya. "Anong Kingdom ba ang pupuntahan natin?" Mabilis naman siyang napalingon sakin at mukhang gulat pa 'to sa sinabi ko.



"How did you know that it's a Kingdom?" Tanong nito,ngiwi akong ngumiti sa kanya. I clasp my finger as I answer him. "Nasabi kasi ni Dexter sakin kanina." Sagot ko dito.



Nagtapon lang to ng tingin sakin at tsaka na humarap sa unahan niya. I swayed my hands as I walk. "I don't mean to pry but can I ask kung bakit hindi nalang ikaw yung nagbigay ng evidence since you're a vampire? And besides, madami din namang vampire sa Academy diba. Tulad ni Shantelle."



Bigla nalang siya tumingin sa gawi ko na nasa tabi lang niya. "I don't trust anyone and our research is about Vampires; full blooded vampire and I am half wolf and vampires." Sagot nito sakin at tsaka naman siya tumingin sa nilalakaran namin. "And Shantelle is just half vampire and half human."



"So, you only have few information about Vampires, am I right or not?" Tanong ko sa kanya sabay silip sa mukha niya habang naglalakad kami. Nagbaba lang siya ng tingin bago naglabas ng buntong hininga at nag iwas ng tingin sakin.



"So maybe that is your reason why you're not giving us any information. So, kung iyon ang dahilan mo, does it mean that this kingdom is full of pure vampires?"



He cleared his throat and I know that it's a yes. "Talaga ba?" Nakaramdam ako ng kaba ng malaman ko yun. Imagine, vampires? I mean I have encountered vampires. not one but two vampires. Unfortunately, they are both half and now? I will encounter full blooded vampires.



"Pero matanong ko lang." Basag ko sa katahimakan namin. "Ano nga palang pangalan ng Kingdom na pupuntahan natin?" Curious na tanong ko sa kanya.

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon