Astrakhar"He's going to be fine. Don't worry dahil wala namang natamaan na organs or important vitals sa katawan niya dahil sa electric shock. Nawalan lang siya ng lakas pero babalik rin 'yon, baka mamaya-maya o bukas ay magigising na siya." Paliwanag ng doctor sa aming lahat na naririto sa kwarto ni Rance. Lumingon ako kay Rance na hanggang ngayon ay wala pang malay.
"Salamat po Doc." Bati ni Kim at tsaka naman tumango ang doctor at lumabas na ng kwartong 'to.
"Hays! Bakit kung kailan malapit na ang event eh dun pa 'to nangyari? Badtrip naman talaga oh." Inis na asik ni Xyan habang kinakalikot ang isang armas nito, Mas gagawing convinient niya raw 'to na mas madadala namin kahit saan man kami mapunta.
Naapabuntong hininga nalang ako at pabagsak na inupo ang sarili ko sa mini sofa at itinaas ang isang paa ko sa upuan habang nakasubsob sa tuhod nito.
"Pasensya na Selene at wala ako ng mangyari sa'yo 'yun." Umupo naman sa harap ko si Shara kaya tumingin ak rito tsaka siya nginitian.
"Mas mabuti nalang na wala ka dahil ayokong madamay ka pa."
"Hindi naman lahat ay kasalanan mo para sabihing nadadamay kami." Hinawakan nito ang kamay ko at tsaka hinaplos-haplos.
"Iisa tayong team kaya wag mo sarilinin ang mga bagay-bagay." Napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito sa akin.
"Natatakot akong mapahamak kayo dahil sa akin. Simula ng matuklasan ko ang kakayahan ko mas naging magulo na lahat. Alam ko naman na ako ang pakay nila pero nadadamay kayo dahil doon. Ayokong mapahamak kayo."
"Are you saying that we're not capable to help ourselves?" Napatingin ako kay Kei na nakasandal sa pader na humihiwalay sa dalawang corner ng kwartong 'to. Napailing ako sa tanong niya.
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin."
"Then don't worry too much." He said, looking at me while crossing his arms around his chest. I just notice by now his appearance since he's just wearing a plain white shirt that shaped his upper body.
Napailing ako ng mapansin kong napapansin ko ang pangangatawan nito sa gantong pagkakataon pa. Bakit hindi ako nag react nung niyakap niya akong naka topless siya. Ahh! Erase~erase!
"Basta simula ngayon, bawal ka na maglihim." Paninigurado sa akin ni Shara.
"Pero anong magagawa ko kapag kayo ang napahamak? Mas hindi ko hahayaan na mapahamak kayo."
"Paano kung ako ang nasa sitwayon mo at ayoko rin kita mapahamak kaya haharapin kong mag-isa ang mga ganoong sitwasyon." Napatigil ako ng magsalita si Zedd sa maliit na upuan sa tabi ni Rance. Bakas rito ang lungkot na tumingin sa akin habang kumakain siya ng orange niya na kababalat lang nito.
"Hindi ba maiinis ka kasi hindi ako humingi ng tulong sa kahit kanino sa inyo kahit na sabihin kong kaya ko 'yun mag-isa?" Nanatili kaming tahimik at sa unang pagkakataon ay nahiya ako sa sinasabi ni Zedd sa akin ngayon.
"I get what you mean Zedd." I pursed my lips as I look at him. He still pouting in sadness as he looked back at me.
"Kaya sana sa susunod ay wag mo nang gagawin 'yun. Para mo na ring sinabi na hindi mo kami kailangan." Nakaramdam ako ng kirot ng sabihin niya 'yon. Napalingon pa ako kay Kim pero tinaasan lang ako ng balikat nito.
"Now you know what we meant." Dagdag nito at hindi ako makatanggi dahil tama sila. Nagiging makasarili ako sa bagay na 'to, dahil sa takot ko na mapahamak sila ay mas nailalayo ko pa pala sila sa akin.
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...