Twenty Five

670 69 24
                                    


Ball


Hindi parin mawala sa isip ko yung' babaeng nakita ko kanina. Ibig sabihin ay nag aaral sya sa Mistify? Pero ngayon ko lang sya nakita rito. There is really something about her.


My mind was spacing out and I did not realize that we're already in front of our classroom. Keiran opened the door for us and my heart almost fell when there's already a professor in front of us. Great! We're late.


"Good Morning Sir, sorry sa pagiging late." Paumanhin ko habang payuko-yuko pang pumasok sa loob, pero itong kasama ko? Bulag ata at hindi niya nakikita ang Prof sa harap.


"Welcome to my class Ms. Ellanor and Mr. Forth." Bat into samin. Napatingin ako kay Keiran pero nakapamulsa pa itong naglakad sa unahan na para bang walang pake. Etong lalaking 'to talaga!


"They are from the High Rank Team too?"


"Obvious ba? Kita naman sa difference ng uniform nila at sa badge diba."


"Bali tatlo silang classmate natin?"


"Why not? In fact, parehong gwapo naman sila."



"Both of you are from the High Rank Team." Sabi nito ng suriin niya kaming dalawa. "I see... Saktong-sakto at dalawa nalang ang bakanteng upuan, I'll choose your seats." Dagdag nito at hinahanap ko ang dalawang bakanteng upuan.


Doon ko nakita na classmate ko rin pala sa klaseng 'to Rance.


Sa tabi nito ay isang bakanteng upuan at ang isa namang bakanteng upuan ay nasa kaliwang bahagi at sa unahang row.


Sana sa unahang row ako, sana doon ako mapunta please."Ms. Ellanor." Tawag sakin ni Prof. Jeon, I just saw his name on the tag that was on his shirt, tumingin naman ako sa kanya.


"Sit there." Turo nito at halos madismaya ako ng ituro niya ang pwesto ni Rance na hindi man lang tumingin sa gawi namin ni Keiran.


Bagsak balikat akong naglakad sa bakanteng upuan na katabi ni Rance habang nag iiwas ng tingin dito. He was holding a book in one of his hand and did not bother to look at me.


"Mr. Forth, your seat is over here." Napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita si Keiran na nakasunod sa akin.


Kumunot ang noo ko ng makita kong tinapik nito ang lalaki sa katabing upuan ko dahilan para mainis ito pero ng mag-angat sya ng paningin ay para syang tuta na mabilis niyang inalis ang gamit at ang sarili niya sa pwesto na yun' na syang inupuan naman ni Keiran matapos.


Even our Prof can't do anything and for sure ay sasakit lang ang ulo nila. Basically, the lesson has started as well as my uncomfortable feeling that I have in this class. Sa lahat ng classmate ko sa team bakit itong dalawa pa na may menopause.

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon