Dream
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero para bang hinihila ako ng bagay na nasa aking harap. Masyadong maganda at nakaka-akit ang crystal dagger na 'to at ang kapangyarihan na tinataglay nito, nararamdaman ko ang lakas na bumabalot rito.
Nakatitig lang ako sa bagay na 'yon ng may marinig akong huni sa paligid ko. Nagpalinga-linga ako pero wala akong nakikita na kasama ko sa lugar na 'to. Kung ganun, kanino ang tinig na 'yon?
Sinundan ng pandinig ko ang ingay at huminto ako sa harapan mismo ng crystal dagger. Mas lalo kong nakita ang kagandahan nito.
Nakatitig lang ako rito at para bang hinihila nito ang mga kamay ko papalapit sa kinatatayuan ng dagger. HIndi ko alam pero pakiramdam ko na 'yung sakit na nararamdaman ko mula sa palad ko at ang pagliwanag nito ay may kaugnayan sa dagger na nasa harap ko. Mas sumasakit 'to at lumiliwanag.
Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko at iniabot ang dagger na nasa harapan ko, nang mahawakan ko 'to ay isang nakakasilaw na liwanag ang lumabas dito na halos magpabulag sa akin. Nakaramdam ako ng malakas na daloy ng kapangyarihan at parang kuryente sa katawan ko ng hawakan ko 'to.
Napakapit kaagad ako ng mahigpit sa palad ko dahil sa bigat na nararamdaman ko. Ano 'tong pakiramdam ko? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko?
Mabilis kong hinila ang dagger sa kinalalagyan nito at mabilis na nagbago ang liwanag na sa harapan ko, mula sa puting liwanag nito ay bumalot ang kulay asul, pula, berde at kayumangging ilaw na pumapalibot dito. Parang apat na elemento ang siyang pumapalibot dito.
Nailayo ko sa mukha ko ang dagger at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pa-iiba anyo nito at naging isang bagong armas.
From the crystal dagger, it became a crystal rapier. What happened to the dagger and it changed to another weapon? Napakislot ako ng lalong sumakit ang palad ko at ang lakas ko ay hinihila ng espadang ito.
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...