Confrontation
Huminga ako ng malalim at tumingin sa malaking pinto sa harap ko. Sa kabilang kwarto nito ay ang babae na nagngangalang Mavi. Ang matagal ko nang hinahanap.
"I will go with Ms. Ferrer along with Selene, Blade, Kim and Rance. Mavi doesn't know that this room is a two-way mirror cause if she found out, she might freak out and refuse to cooperate with us."
"Nakikipag cooperate ba talaga Ms. Kannade?" Pag kukumpirmang tanong ni Zed sa kanya pero isang malalim na buntong hininga sabay pikit lang nito ang sinagot niya. Mukhang alam ko na ang sagot ni Ms. Kannade sa tanong ni Zed.
She tapped Zed's shoulder and pursed a smile. "We will try our best to get some answer from her, this is not only for Selene's sake but also for all of you here in the academy, as of now, she's not a suspect or a culprit but we will find out everything right now. " Paliwanag ni Ms. Kannade na sinang-ayunan naman namin.
"Are you sure that you can?" Tanong sa akin ni Minki ng tapikin niya ang balikat ko. Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti.
"We at least need to know the truth especially if she's part of that wyvern clan. Gusto ko malaman kung ano ang totoong pakay nila sa akin, ayoko nang may madamay pa ng dahil lang sa akin." I bit my lip and turn my head to him when I remember something.
"Medyo skeptic lang din ako sa nangyayari." I added, he tilted his head and look at me with confuse.
"What do you mean?"
"I remember that the one who confronted me at the mystic library has long hair while her-" Tukoy ko kay Mavi. "And she has short hair."
"Are you saying that she isn't the one?" Tanong ni Kei na nasa tabi ko na, hindi ako siguradong tumingin sa kanya.
"HIndi ko masasabing hindi siya 'yun, maaring hindi pero..." Lumingon ako sa kanila. "...may kutob akong may kinalaman siya."
"That's why we're here, right?" Lumakad din sa gilid ko si Rance at tsaka ako tumango dito. "You have the proof." He spoke. Tama ako, may patunay ako sa bagay na 'yan.
I felt Minki's hand stroking my back to comfort me. "Don't worry, we got your back. Everything will eventually be alright."
"We will observe everything on the other side anyway. Don't worry, if anything happens, we will immediately come." Napatingin naman ako sa kanan ko kung saan nakatayo si Kei. Nagbaba 'to ng tingin sa akin at doon ko nakita ang maliit nitong ngiti bago tuluyang pumasok sa monitoring room kasama ang iba. Naiwan naman kaming apat sa tapat ng main lab.
"Ready ka na ba? Pwede naman na kami nalang ang kumonpronta sa kanya kung hindi ka pa okay na harapin siya." Presinta ni Kim pero inilingan ko lang siya.
"Ako ang nasa pangyayaring 'yon, kailangan ang testimony ko at ang nalalaman ko at isa pa, may bagay akong ibabalik na panigurado ay pagma may-ari n'ya." Sagot ko dito at kumbinsing sumang-ayon naman siya at ang iba.
"Let's go, I will guide you inside." Pumaunahan sa amin si Ms. Ferrer habang nasa tabi naman nito si Ms. Kannade. May mga ghoul guards ding nakapaligid sa amin pero hindi sila ganun karahas kung may nangyayaring masama, kumikilos lang sila na naaayon sa utos ng Headmistress na si Ms. Kannade.
Tinap ni Ms. Ferrer ang ID nito sa gilid at kusang tumunog naman ang pinto hudyat na bukas na 'to. Unang pumasok si Ms. Kannade na sinundan naman ni Ms. Ferrer at tsaka kami sumunod sa kanya samantalang pumunta naman sa monitoring area ang iba.
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...