Debut
"Wala na bang masakit sayo?" Tanong sakin ni Ms. Ferrer. Nagawa niyang pagalingin yung sugat ko sa tuhod dahil sa pagkakagasgas ko kanina. She is a Guardian so her peculiarity was just similar to Dexter.
Tumango ako sa kanya. "Ayos na po ako. Salamat sa tulong niyo." Sagot ko rito at tumayo naman siya mula sa sofa para ibalik ang emergency kit sa pinagkuhaan niya.
"Mabuti naman. Oh, sya iwan muna kita at marami pa akong gagawin, isa pa. Kailangan kong imbestigahan ang nangyari." Sagot nito sa akin sabay paalam. Naiwan naman akong mag isa sa loob ng Office ni Ms. Kannade dahil kasama niya sila Rance at Keiran.
Matapos ang ilang minuto ay bumukas na rin ang pinto ng kwarto kaasabay nun ay ang pagpasok ni Ms. Kannade at kasunod niya si Kei at Rance. Nakangiti niya akong sinalubong at kasunod nila sa likuran ang ilang white ghouls na siyang may dala-dala ng tray. Inilapag nito ang tray sa lamesang nasa harap ko at tsaka na lumabas.
"How was your feeling?" Tanong ni Ms. Kannade sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya at sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong nito. Nanatili akong tahimik at tipid na ngumiti sa kanya.
"Boys, you can go back now to your dorm, leave Selene on me. Ako nang bahala sa kanya." Sophisticated na tonong sabi nito.
"Are you sure you're already fine?" Lumapit pa sa gawi ko si Kei kaya tumango ako sa kanya at inassure ko na okay na ako. Tumango din naman siya sakin bilang pag sang-ayon at nauna nang naglakad.
Lumapit din sa gawi ko si Rance at tsaka siya nagtapon ng tingin sakin sabay gulo ng buhok ko. Wala kong lakas para hawiin iyon kaya hinayaan ko nalang siya.
"Basta yung napag-usapan natin huh." Pahabol ni Ms. Kannade sa dalawa bago sila tuluyang nagpaalam at lumabas ng kwartong ito. Ano ang bagay na pinag-usapan nila?
Nang tuluyan nang makalabas ang dalawa at kaming dalawa nalang ni Ms. Kannade sa loob ay tsaka ako tumingin sa kanya. "Now Ms. Kannade, care to explain everything to me?" Walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya.
Mahinhin siyang umupo sa harap ko at tsaka naglagay ng inumin niya sa mini cup sa harap niya at sa akin. "You must eat first Selene, you need strength." Maling sagot nito sa akin dahil hindi iyon ang gusto kong marinig, uminom siya sa tasa niya bago ito binaba sa harap niya.
"Gulong gulo na ako Ms. Kannade, even before I came to this Academy, my life is already a mess, I tried to cope with everything around me from then till now. I know for sure now the reason why I am in this school cause I saw and felt the peculiarities that I possess but everything is still complicated. Ano ba talaga ako? Anong peculiarity tong Phoenix Psychic, ba't ang sabi ng iba ay nasa akin ang pinaka malakas na peculiarities sa lahat. Ano to nagbibida -bida ako? Ni hindi ko 'to hiniling. Ever since alam niyong normal na buhay lang ang gusto ko." Sunod-sunod kong sabi at tanong sa kanya dahil pakiramdam ko ay sasabog ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Mystify Academy: Tale of the Phoenix Psychic
Fantasymys·ti·fy /ˈmistəˌfī/ Utterly bewilder or perplex (someone). 17 years old Selene Hope Ellanor spent her whole childhood listening to her aunt bed time stories, filled with mysteries and unrealistic events. Being a child she was, her imagination led...