Sixteen

794 96 28
                                    


Manifesting


Everything in this world is first time for me. Starting from this skill and supernatural thing to having different creatures around me.


I have known some of them by reading fantasy novels and watching movies but seeing one in real life is far beyond my expectation. And now? An elf with wings? Kahit nga ata saang fairy tale book eh wala pa akong naririnig na gan'un.


"Prepare yourself!" Sigaw ni Kim sa amin at kanya kanya na silang kuha ng mga armas nila. I already have mine na kinuha ko pa kanina sa bag na syang bitbit ni Dexter and I still don't know why he keep carrying my bag like I'm too helpless to do that by myself.


We all saw how this elf became enormous and the other two were flying behind him. "Lumilipad na duwende?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Zed dahil sa nakikita namin ngayon.


"Paano nangyari iyon? Pano siya lumaki at paano nagkaroon ng mga elf na may pakpak?" Hindi rin makapaniwalang tanong ni Shara pero bigla nalang naglakad pagawi namin ang malaking elf na ito dahilan para gumalaw ang kinatatayuan namin na parang lumilindol.


"Ang mas nakakapagtaka eh pano nagkaroon ng elf na giant?! Eh diba kaya nga elf dahil maliit sila. Ang bobo naman ng logic nitong mga el---" hindi na natapos ni Xyan ang mahabang logical thinking niya ng muling gumalaw ang lupa dahilan para mawalan kami ng balance.


"That is not an elf anymore, that is the Alvdanser! One of the highest guardians of Elves!" paliwanag sa amin ni Blade. Ibig sabihin ba ay isang highest guardian ang kailangan namin kausapin? Or should I say, kalabanin dahil nawala na sa option ang pakikipag usap sa kanila ng sumugod si Rance.


"Magbabayad kayo sa kalapastangan na ginawa niyo! At uunahin kita bata! Sisiguraduhin ko na hindi na kayo makakaalis pa ng buhay rito!" Muling gumalaw ang lupang kinatatayuan namin dahilan para mawalan kami ng balanse at matumba ng sabay sabay sa lupa.


Mabilis naman na nailabas ni Minki ang pakpak niya para makaiwas rito at makalipad. Rance was still beside me at gaya namin ay natumba sya at nawalan ng balanse.


Hindi pa man kami nakakakilos para muling tumayo ng bigla nalang bumuga ng apoy ang Alvdanser sa harap namin na ikinagulat ko dahilan para mapapikit ako sa takot pero wala pang segundo ng wala naman akong maramdaman na kahit anong mainit sa katawan ko. Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko ng makita ko kung ano ang nangyayari.


Dexter is in front of us at gamit ang blue force shield niya, nagawa nitong harangan ang papalapit na buga ng apoy ng tinatawag nilang Alvdanser.


Buong pwersang ibinato ni Dexter ang ibinugang apoy ng Alvdanser gamit ang blue force shield niya dahilan para mapaurong ang Alvdanser at mawalan rin ng balance at matumba kaya muling umalog ang lupa dahil sa malakas na impact nito.


"Selene ayos ka lang?" Naramdaman ko nalang ang prisensya ni Dexter na nasa tabi ko na kaya nag angat ako ng tingin rito at tumango nalang ako sa kanya kahit alam ko sa mga oras na ito ay hindi ako ayos at puno ako ng takot dahil sa nangyari kanina. Akala ko matutusta na talaga ako ng buhay.

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon