Nineteen

747 84 30
                                    


Team White Queen


"Are you sure na hawak na nila yung blue fragment?"


"I told you that I saw it, I even have proof."


"Pero hindi naman sila yung nakakita 'nun diba? Yung lalaking makulit 'yun?"


"It's just the same, for sure alam nila iyon lalo na at iisang team lang sila."


"You are ridiculous."


I heard different noises that was unfamiliar to me. I also felt the heaviness of my head and the pain behind my back.


"So anong gagawin natin ngayon? na bihag natin yang dalawa?" I heard someone said. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko kahit na nakakaramdam parin ako ng hilo sa paningin ko.



"We need too..."


"Stop, she's awake." I heard someone says at ng medyo malinaw na sa mata ko ang nakikita ko doon ko lang napansin na hindi ko kilala ang mga taong nasa harap ko. May apat na tao ang nasa harap ko ngayon.


"Oh, buti naman gising na." Sabi ng isang babae na nakapusod ang buhok at puro kolorete ang mukha niya. Parang nakita ko na sila noon dahil pamilyar ang muka nila.



"Asan ako at sino kayo? Tsaka..." Ngayon ko lang naramdaman na may nakapulupot na tali sa kamay ko. "Ano ito? Bakit nakatali ako?" gulat na tanong ko sa kanila.



"Duh! Of course, para hindi ka makatakas. Ano ba namang pag iisip yan." Sarcastic na sagot sa akin ng maarteng babaeng 'to sabay taas nito ng isang kilay sakin.



"Pakawalan niyo nga ako!" Pag pupumiglas ko pero masyadong mahigpit ang tali sa katawan ko at maski ang paa ko ay nakatali dahilan para hindi ako makatayo at makagalaw.



"At bakit namin gagawin iyon aber? We kidnapped you then pakakawalan ka namin? Are you that stupid? No wonder you're from Team Black Knight, samahan ng mga tanga." She mocked. Nag init ang ulo ko ng sabihin niya iyon at doon ko lang naisip kung saan ko sila nakita.


"Kayo ang White Queen Team!?" Gulat na tanong ko sa kanila.


"Yes, that's us! The powerful team in the Academy." pagmamayabang ng babaeng 'to na hindi ko alam saan niya nakuha yang recognition niya.


"Walang nagsabi na tayo ang ang powerful team, Tresh." sagot naman ng isang lalaki na may pagkamahaba ang buhok pero nakapusod ito.


"Eh bakit ba, let's claim it kasi for sure after this mission, we're gonna be the talk of the whole campus!"



"Whatever, kukuha muna ako ng makakain niya. Ano bang gusto mong kainin?" Tanong naman sa akin ng isang lalaki na kausap nitong Tresh kanina ng unang magising ako.



"Wala!" pagmamatigas ko. "Pakawalan niyo ako iyon ang gusto ko!" Sigaw ko sa kanya pero napapikit lang sya sabay hawak niya sa tenga niya.


"Don't shout, hindi naman ako malayo eh tsaka bahala ka, magigising yang kasama mo. Masarap pa naman matulog." Nguso niya banda sa likuran ko at doon ko lang naalala kung sino ang kasama kong tinutukoy niyo.


Lumingon ako at nakita ko kaagad si Xyan na nakagapos katulad ko at wala paring malay sa mga oras na 'to. Mas lalo akong nakaramdam ng inis at galit sa kanila dahil sa ginagawa nila.


Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon