XYRA
Napakunot-noo ako sa tinig na tila tumatawag sa pangalan ko. Masyadong mahina ang tinig na 'yon kaya hindi ko rin alam kung tama ba ang naririnig ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko.
Madilim sa buong paligid. Halos wala akong makita. Bahagya akong napapikit sa liwanag na biglang tumama sa mga mata ko. Napangiwi ako dahil masakit sa mga mata ang liwanag na 'yon. Wala akong nagawa kundi ang bumangon sa kama. Tinakpan ng kamay ko ang liwanag na sumisilaw sa mga mata ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang liwanag na kumikislap dahil madilim ang buong paligid.
Napapitlag ako nang biglang umalon sa kinaroroonan ko. Nawala ang liwanag. Maging ang mga kagamitan sa kwarto ko ay gumagalaw. Nagulat ako sa itim na kapangyarihan na humihigop sa mga kagamitan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Masyadong malakas ang puwersa kaya alam kong pati ako ay mahihigop na. Mahigpit kong hinawakan ang kahit anong bagay na maaabot ko. Nagba-baka sakaling mapipigilan nito ang paghigop sa 'kin ng itim na puwersa.
Sumigaw ako nang malakas dahil sa sobrang takot. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang mangyayari sa 'kin kapag nahigop ako ng itim na puwersang 'yon. Tila isa itong malaking blackhole.
"Clauss!" malakas na pagtawag ko sa pangalan ng isang tao na alam kong makakatulong sa 'kin. Halos maiyak na ako sa sobrang pagkadesperada. Gusto kong tumakas at tumakbo palayo pero hindi ako nagtagumpay. Tuluyan akong nahigop ng blackhole.
Umikot ang paningin ko dahil pakiramdam ko nahuhulog ako sa kawalan. Puro kadiliman lang ang nakapaligid sa 'kin. Pakiramdam ko walang katapusan ang kinaroroonan ko. Napakalalim. Malakas na tumama ang likod ko sa isang bagay. Ramdam ko na nakatapak na ang mga paa ko sa sahig pero wala akong nakikita kundi ang nakakatakot na kadiliman. Lumingon ako sa likuran ko. Isang salamin ang nakikita ko. Sa isang kisapmata ko lang ay napapalibutan na ako ng mga salamin. Mukha ko ang nakikita ko kahit saan ako lumingon.
Nakaramdam ako ng sobrang kaba. Ano ang nangyayari? Hindi kaya patibong ito ng kalaban? Patibong ba ito ni Jeanne? Napaawang ang labi ko nang masulyapan ang buo kong katawan sa isang salamin. May mga black marks na gumagapang sa buo kong katawan. Nanginig ang katawan ko sa takot. Ito na ba ang kinatatakutan namin nina Clauss? Tuluyan na nga ba akong makokontrol ng kadiliman? Niyakap ko nang mahigpit ang katawan ko. Hindi maaari ito! Naiiyak ako sa naiisip kong maaaring mangyari sa 'kin.
Dahil ayaw ko sa nakikita, nagpakawala ako ng maraming air blades para sirain ang mga salamin. Tumakbo ako palayo nang masira ko ang mga 'yon. Madilim pa rin ang buong paligid. Hindi ko alam kung saan ako papunta basta patuloy lang ako sa pagtakbo. I was silently crying because of so much fear. Walang katapusan ang kadilimang tinatakbuhan ko. Ni wala akong makita kahit konting liwanag ng pag-asa. Patuloy rin ang pagkalat ng mga black marks sa katawan ko.
Nakaramdam ako ng matinding pagod at panghihina. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal tumatakbo. Pakiramdam ko sa loob ng kadilimang ito, walang tumatakbong oras. Nadapa ako sa sobrang pagod. Napatid ko ang sarili kong paa. May narinig akong malakas na halakhak sa buong paligid. Lumingon-lingon ako upang hanapin ang pinanggalingan ng halakhak na 'yon.
Mula sa harapan ko, may itim na usok na biglang lumitaw. Unti-unti itong nabubuo. Napasigaw ako sa takot nang tuluyan itong mabuo. Isa itong itim na halimaw na malakas na humahalakhak at akmang susugurin na ako. Napapikit ako nang mariin. Hinayaan kong kumawala ang mga air techniques ko upang atakihin ito dahil sa takot ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko nga aatakihin na ako sa puso.
Bigla akong natauhan sa malakas na tinig na tumatawag sa 'kin.
"Xyra! Xyra! Gising! Nanaginip ka!" malakas na sigaw ni Frances. Agad akong bumalikwas ng bangon habang habol-habol ang hininga. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Napapraning na nagpalingon-lingon ako sa paligid upang tiyakin na wala na ang halimaw. Nasa loob na ako ng kwarto ko na ipinagtaka ko. Nananaginip lang ba ako? Nag-aalalang nilingon ko si Frances dahil napansin ko ang dugong dumadaloy sa mga kamay niya mula sa sugatan niyang braso.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? May umatake ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ko. Hindi ko alam kung paano ko siya hahawakan. Ang dami niyang sugat sa katawan. Halatang nanghihina na rin siya.
"Yes. Thanks to you. I was just trying to wake you up but you attacked me," natatawa pero nakangiwing sabi niya. Napasinghap ako sa narinig. Ginawa ko 'yon? Parang gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa katangahang ginawa ko.
"I'm sorry! I was sleeping. Hindi ko alam ang ginagawa ko. Pupuntahan ko si Cyril para gamutin ka. Humiga ka muna," natatarantang sabi ko sa kanya. Bumangon ako sa kama at nagsuot ng jacket. Tumakbo na ako palabas sa kwarto namin.
"Xyra! Huwag na! Your body!" sigaw ni Frances.
"Babalik ako agad!" sigaw ko pabalik sa kanya. Hindi na niya ako napigilan. Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi dahil isinara ko na ang pinto.
Natigilan ako nang makalabas ako sa main door ng dorm namin. May isang babaeng nakasuot ng itim na cloak na nakatayo sa harapan ko. Hinubad niya ang hood sa ulo niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya. Agad akong pumorma para umatake. Ngumisi siya nang nakakaloko sa 'kin.
"Jeanne," nagngingitngit na sabi ko sa kanya. "What are you up to again? Why are you here!" galit na tanong ko sa kanya. Pinigilan ko ang sumigaw upang hindi magising ang mga estudyante.
"I just want to confirm something. I want to witness it with my own eyes. Malapit ng matapos ang paghihintay ko. Elysha is slowly dying. Naglalaho na ang kapangyarihan niya. Now I know why," makahulugang wika niya.
Lalo akong nagngitngit sa galit. Paano niya nasasabi ang mga bagay na ito na tila wala lang sa kanya? Wala ba siyang puso?
"Masaya ka ba sa ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko nang umiyak dahil sa sobrang galit na nararamdaman.
"I'm happy but still I'm not yet satisfied. Gusto ko pang makita kung paano mo pahihirapan ang mga taong mahal at mahalaga sa 'yo. It will be entertaining. At kung hindi mo pa napapansin, unti-unti ng nagiging permanente ang mga black marks sa katawan mo," sabi niya. Itinuro pa niya ang mga black marks na namumuo sa mga daliri ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Nanlamig ang buo kong katawan. Napalibutan na ng itim na marka ang ring finger ko. Tila may itim akong singsing na suot sa daliri. Agad kong hinubad ang jacket ko. Lalo akong nanlumo dahil sa mga itim na marka sa katawan ko.
"And the king is looking for a queen. Mukhang ikaw ang napili niya," naiiling na sabi ni Jeanne. "I wonder what Clauss can sacrifice just to get you back," naaaliw na sabi niya. Tila nag-eenjoy siya sa mga nagaganap. Dahil sa sobrang inis, nagpaulan ako ng air blades kay Jeanne pero agad siyang naglaho at naging usok. Ayoko nang marinig ang mga sinasabi niya. Parang hindi na kakayanin ng utak ko.
Ngayon, kumportableng nakasandal si Jeanne sa isang pader habang nakahalukipkip. Tumingin siya sa langit sa labas ng building. "We should not fight. You'll surely be one of us soon. See you," she said in a mocking tone. Bago ko pa siya naatake, naglaho na siya sa paningin ko. Nanginginig na napaupo ako sa sahig. I never expect that this will happen so soon. Wala sa sariling tumayo ako. Natutuliro ang utak ko. Naglakad ako at iisa lang ang lugar na gusto kong puntahan. Siya lang ang makakatulong sa 'kin. Siya lang ang tanging makakaalis sa matinding takot na nararamdaman ko ngayon. Daig ko pa ang isang zombie na naglalakad sa corridor.
Marahan akong kumatok sa kwarto nina Clauss. Madaling araw na kaya tiyak na magtataka sila kung sino ang nambubulabog sa mahimbing nilang pagtulog. Nahigit ko ang paghinga nang may nagbukas ng pinto. Bahagya akong natuwa nang makita ko si Clauss pero nakasimangot siya sa 'kin. Naiiyak na rin ako dahil baka hindi ko na siya makita pa. Baka hindi ko na makita ang naiinis niyang mukha. Nagulat siya nang halos tumalon na ako upang yakapin siya. Natumba kami sa sahig. Napaupo siya pero nakayakap pa rin ako sa kanya.
"What are you doing here?" nagtatakang tanong niya sa 'kin. Madilim sa loob ng kwarto niya kaya siguro hindi pa niya napapansin ang mga black marks sa katawan ko.
"Ano'ng nangyari sa inyo?" pupungas-pungas na tanong ni Xavier. Halatang nagising namin siya. Bigla kong naalala si Frances. Kailangan niyang magamot agad.
"Xavier, pwede bang puntahan mo si Cyril. Frances needs her. She lost some blood," nag-aalalang sabi ko kay Xavier. Agad natauhan si Xavier dahil sa sinabi ko. Bumangon siya at nagpalit ng maayos na damit.
"What happened?" seryosong tanong ni Clauss. Akmang tatayo na rin siya pero pinigilan ko siya.
"I had a nightmare. Hindi sinasadyang nakapagpakawala ako ng mga air techniques kaya nasugatan ko siya," paliwanag ko. I was so guilty. Hindi na nagtanong pa si Xavier at sinunod na lang ang sinabi ko. Lumabas siya sa kwarto.
"Bakit dito ka dumiretso? You should have go to Cyril instead," sabi ni Clauss na tila sinesermunan ako. Mapait akong napangiti. 'Yon naman talaga ang balak ko kung hindi lang dumating si Jeanne.
"I'm sorry. Huwag mo na akong pagalitan. Please do me a favor," mahinang sabi ko. Pinagdikit ko ang mga kamay ko. "Put the handcuffs on me now," naiiyak na sabi ko. Kumunot ang noo niya. Bahagyang may tumamang liwanag sa ilang bahagi ng katawan ko mula sa labas ng bintana. Napaawang ang labi ni Clauss nang mapansin ang mga black marks sa braso at kamay ko. It's now visible in his eyes.
"What's this?" tanong niya. Ramdam ko na kinakalma niya ang sarili niya. He held my arms and looked closely at the black marks.
"Trace of darkness, maybe," mapait na wika ko. He sighed. Alam kong hindi rin niya alam ang gagawin at sasabihin. Hinila niya ako palapit sa kanya upang yakapin. Lalong hindi ko na napigilan ang pag-iyak. I cried so hard. Pakiramdam ko ang sakit-sakit ng dibdib ko dahil sa nangyayari. Parang hindi ko na kayang huminga.
"Sshhh... Everything will be fine. I'm here," he whispered. I hope those words could make me feel better but it couldn't. Hindi nito maalis ang takot ko. Marahan niyang hinaplos ang likod ko upang pagaanin ang loob ko. Hindi pa rin ako tumigil sa pag-iyak. But he's so warm. I just noticed that he was half-naked. He cupped my face. He worriedly looked at me. Pinunasan niya ang mga luha ko sa mga mata.
"Calm down. You can't change anything if you just keep on crying. Just sleep for now. We'll figure things out tomorrow. I'll do everything to save you from this mess," he sincerely said. Napasigok ako upang pigilan ang pag-iyak. Tama naman siya. Hindi ako maililigtas ng mga luha ko. Hindi nito mababago ang kapalaran ko.
"How about the handcuff?" tanong ko sa kanya. "Kailangan nating mag-ingat. Put it on me now," determinadong sabi ko sa kanya.
"I can't. Not now. You don't seem dangerous. You're just crying like a baby anyway," nang-aasar na sabi niya. "But maybe I'll change my mind if you let me handcuff you on bed instead?" he suddenly whispered. It sent shivers down to my spine. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Tiyak na sobrang pula na ng mukha ko ngayon.
Napapitlag ako nang halikan niya ang ring finger ko kung nasaan ang black ring mark. He started to trace the black marks on my arms with his kisses. Napapikit ako nang umabot ang halik niya sa leeg ko hanggang sa likod ng tainga ko. Mahina akong napaungol. Why did we end up like this?
"Hmmm... What do you think?" paos na tanong niya. Ramdam ko ang mabigat na hininga niya sa likod ng tainga ko. Ramdam ko rin ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Napahawak ang kamay ko sa likod ng ulo niya. Marahan kong hinaplos ang buhok niya. I couldn't find my voice to speak. Mukhang hindi ko naman kailangang sumagot dahil baka inaasar lang niya ako. But he's seductive! Nakakainis! Pakiramdam ko mawawala na ako sa sarili ko anumang oras.
"Clauss, be serious!" mahinang saway ko sa kanya. Baka maabutan pa kami ni Xavier sa ganitong ayos. Nakakahiya!
"I'm serious," he said. May himig ng pagkainis sa boses niya. I moaned when he lightly bit my ear. He stopped then he kissed my jawline. "I'm sorry. I'm actually afraid that I might lose you. Natatakot ako na baka magtagumpay ang mga kaaway at makalimutan mo ako. Baka hindi na ulit kita maasar. I'm afraid of the idea that I can't even get this close to you again. Or I can't even kiss and touch you. I'm afraid more than anyone else," he said. I can now sense fear from his voice. "Natatakot ako na baka hindi ka na bumalik sa 'kin," he said. His voice was now shaky. Nasaktan ako para sa kanya. I was also afraid of the idea that I can't return to his arms anymore. Lalo na't naalala ko ang sinabi ni Jeanne sa 'kin kanina.
Pinilit kong patatagin ang loob ko.
"I will return," I said. I looked at him straight in the eyes. "I will surely return to where I belong. And that's you. You said, we will find a way. Be strong and please don't give up on me," I said. Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko. Kaunti na lang ang oras namin. Susulitin ko na ang oras na ito upang kahit papaano ay makasama siya.
Bahagya siyang ngumiti. "Be sure you'll keep your words or you will be punished. Be sure to come back to me," he said.
I nodded. "I promise," I assured him. Tumayo na ako. Inalalayan ko siyang tumayo. Lalabas na sana ako sa room niya pero nagtaka ako nang pigilan niya ang kamay ko. I looked back at him.
"Where do you think you're going?" kunot-noong tanong niya.
"Sa room ko. Matutulog," sagot ko sa kanya.
"You can't. Paano kung may makakita sa 'yo sa ganyang itsura mo?" naiiling na sabi niya.
"Hindi ba pwedeng isipin nila na body paint lang 'to?" pang-aasar ko sa kanya. "Saan ako matutulog kung hindi ako babalik sa kwarto ko?" tanong ko.
He grinned. Itinuro niya ang kama niya. "There! You'll be a very nice decoration in my bed. I'll be glad to sleep there with you," he said. Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita, hinila na niya ako patungo sa kama niya. Hindi na ako nakatanggi pa dahil magkatabi na kaming nakahiga sa kama niya ngayon. He smiled at me. I smiled back. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. He's planning to kiss me. I closed my eyes and waited. He fully claimed my lips with hunger. We're kissing like there's no tomorrow. Natigilan kami nang biglang bumukas ang pinto. He sighed in disappointment. Namula naman ang mukha ko.
"Oops! Nakakaabala ba ako?" tanong ni Xavier na may himig ng pang-aasar. Kinumutan ako ni Clauss.
"Yes and I really want to knock you down to sleep right now," supladong sabi ni Clauss. Gusto kong matawa sa itsura niya dahil halatang asar na asar siya. Tumawa naman si Xavier at humiga na sa kama niya.
"No need, Clauss. I can manage. Thanks for your concern. Goodnight," natatawang sabi ni Xavier. Napailing ako sa kanila. Clauss looked at me and kissed me on the forehead. Niyakap pa niya ako nang mahigpit na tila ayaw na akong pakawalan.
"Goodnight, babe," he whispered. I sighed. Ipinikit ko na ang mga mata ko at niyakap siya pabalik. I will surely return for him.
CLAUSS
Ipinikit niya ang mga mata niya. I can see the black marks slowly moving on her neck. I sighed. Her breathing was now steady. Nakatulog agad siya dahil sa sobrang pagod. I lightly traced the black marks on her shoulder blades. Kakaibang kaba ang nararamdaman ko. I was really afraid. I must admit. Lalo na't nakikita ko na ang mga black marks na kumakalat sa katawan niya.
Naramdaman ko ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ko. Mariin akong napapikit para pigilin ang pagtulo nito. I must be strong. I must secure her at all cost. I don't mind breaking just to protect her. Wala akong pakialam kung masaktan man ako o mamatay. Basta ang alam ko, hindi ko kakayaning mawala siya sa 'kin.
Malalampasan namin 'to. Muli kong iminulat ang mga mata para matamang titigan si Xyra. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. Tiyak na hirap na hirap na siya dahil sa mga nangyayari. Kung pwede lang akuin lahat ng paghihirap niya.
"Clauss, are you sure that you want to keep her here tonight? Hindi ba dapat posasan mo na siya? I'm sorry but she's dangerous," mahinang sabi ni Xavier. Sinulyapan ko siya. Gising na gising pa siya. Hindi kumukurap na nakatitig siya sa kisame. Seryoso ang mukha niya. "Natutulog si Xyra pero nagawa niyang atakihin si Frances nang tangkain nitong hawakan at gisingin siya. And it's not an ordinary attack. She unconsciously released a dark energy together with her elemental power," paliwanag pa niya.
"How's Frances?" kunot-noong tanong ko. I actually don't want to listen on what he's trying to say. I don't want the idea of keeping her on the underground basement like a prisoner.
"Frances is fine now. Nagamot na siya. What are your plans now? Xyra will completely lose herself soon," nag-aalalang wika niya. "Ni hindi natin alam kung paano pipigilan ang mga nangyayari sa kanya," he added. Mabigat akong napabuga ng hininga.
"I'll find a way. We have to stop the enemies first. Kailangang hindi siya makuha ng mga kalaban," I said. Nag-aalalang tumingin ako sa maamong mukha ni Xyra. "And use your heaven power to stop her on releasing dark energies tonight," I said. Xavier sighed in defeat. Mukhang napapagod na siyang paalalahanan ako. Hindi na nagsalita si Xavier.
Binigyan ko ng magaang halik si Xyra sa labi bago ko ipinikit ang mga mata. Kailangang maayos namin agad ang gulong ito. Hindi ako susuko sa kanya. Ililigtas ko siya katulad ng ginawa niya sa 'kin noon. Gagawin ko ang lahat para maibalik siya sa normal.---------------------------
TO BE CONTINUED...
Author's Note:
Hello everyone! Haha! Lols. Ang adik ni Clauss sa utak ko. Nagiging pasaway na naman. Buti na lang nagpapigil. Anyways, Kamusta naman kayo? Lols. Ingat lahat. God Bless.
Thanks for reading and supporting this story. Love you all ^_^
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...