XYRA
Nagising ako. Ramdam ko ang maliliit na dampi ng halik sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. I saw Clauss grinning at me.
"Wake up," he said. I frowned. It's not a normal day for him to act like this. Inalis ko ang kumot ko na nakabalot sa 'min. Umupo ako sa kama. I checked the black marks. Nakatingin lang si Clauss sa ginagawa ko. Itinaas ko ang pajama ko hanggang sa legs ko. Permanente na talaga ang mga black marks sa binti at bisig ko.
"You didn't wear anything under shirt?" Clauss asked. Namula ang mukha ko nang mapansin kung saan siya nakatingin. Hindi ako naka-bra. Nakalimutan kong isuot muli ang jacket na hinubad ko kahapon. Agad kong tinakpan ng mga kamay ang magkabilang dibdib ko.
Mahinang tumawa si Clauss dahil sa reaksiyon ko. Napansin ko na wala na si Xavier sa loob ng room. Mabuti naman kundi nakakahiya! Umupo na rin sa kama si Clauss at humarap sa 'kin. He cupped my face. Kumunot ang noo ko nang mataman niyang tingnan ang mukha ko. He's checking every inch of my face.
"Mabuti na lang walang black mark sa mukha mo. Hanggang leeg lang," he said. "Bumalik ka muna sa dorm mo upang magpalit ng damit. We will go to Bryan's office afterwards," he said. Tumayo siya. Kinuha niya ang jacket niya at ibinigay sa 'kin. Isinuot ko naman 'yon. Naitago ko ang mga black marks ko sa binti at bisig ko pero hindi ang black marks na nasa kamay ko.
"Wait for me here. I'll just take a bath," he said. Pumasok siya sa banyo. Narinig ko ang malakas na paglagaslas ng tubig. I sighed. Tumayo ako sa kama at tumingin sa bintana. Umaga na. Natatanaw ko na ang mga estudyante na masayang naglalakad sa loob ng campus. It's tuesday. Bukas aalis na silang lahat dito. Hindi pa makapagdesisyon si Bryan kung kailan niya pababalikin ang mga estudyante. He don't want to risk anyone's life.
Ilang minuto ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo. Hindi ako lumingon dahil baka hindi pa nakakapagbihis si Clauss. Hindi ito ang oras para pag-isipan siya ng kung anu-ano. I looked at the black mark on my ring finger. Masama ang kutob ko sa mga sinabi ni Jeanne. Natatakot ako sa mga mangyayari. The king is looking for a queen? That queen will never be me.
"A penny for your thoughts?" tanong ni Clauss. Nagulat ako dahil alam kong sobrang lapit na niya sa 'kin. Hinawi pa niya ang buhok ko sa likod at hinalikan ako sa batok. I froze for a while. Nang matauhan, agad akong humarap sa kanya. But it was a wrong move. Hindi pa siya nakakapagbihis. Nakatapis lang ng tuwalya ang ibabang parte ng katawan niya. Bagsak ang buhok na habang may tumutulo pang tubig mula roon. Mapula pa ang mga labi niya. He's actually hot. I was almost mesmerized by his looks. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Agad ko namang itinikom ang nakaawang kong bibig. Namula ang mukha ko. He got a very nice body.
"Magbihis ka nga!" reklamo ko sa kanya at tumalikod agad sa kanya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Clauss pero sinunod naman niya ang sinabi ko.
Hinintay ko siyang matapos sa pagbibihis. Ilang minuto rin ang lumipas. "I'm done," he said. Tumingin ako sa kanya. Tapos na nga siyang magbihis. Lumabas na kami sa room niya. Dumiretso kami sa dorm ko. He said he'll wait for me outside. Naligo na rin ako. Naiilang ako dahil sa mga black marks sa katawan ko. Nakakainis! Masakit sa mata.
Matapos maligo, nagbihis na ako ng sweat shirt na long sleeves. Nagpantalon na rin ako. Inilugay ko ang buhok ko upang matakpan ang black marks sa leeg ko. Paglabas ko sa dorm, nakita ko si Clauss na nakatingin sa kalangitan. Tila ang lalim ng iniisip niya. Tanaw na tanaw ko rin ang mga estudyante sa labas.
"Clauss," tawag ko sa kanya. Ngumiti siya sa 'kin nang makita ako.
"Let's go," he said. Sumabay ako sa kanya sa paglalakad.
"Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa katawan mo? Hindi ka nasasaktan sa mga black marks?" tanong ni Clauss sa mahinang tinig. Umiling ako. Wala naman akong nararamdaman. Hindi rin naman masakit. Tumango na lang si Clauss at hindi na nagtanong.
Pumasok kami sa loob ng opisina ni Bryan. Nasa loob si Xavier at mukhang may mahalaga silang pinag-uusapan. Lumingon sila sa 'min ni Clauss.
"How are you?" nag-aalalang tanong ni Bryan. Tila alam na niya ang nangyayari.
"You know, I'm not fine. The black marks are already permanent. Mas kinakabahan na ako ngayon," sagot ko sa kanya.
"Did you bring the handcuffs?" tanong ni Bryan kay Clauss. Natigilan si Clauss pero bahagyang tumango. I sighed. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. I'm a little disappointed but it was for my own good. I must endure this till the end.
"I think it's about time. Hindi natin alam kung kailan siya mawawala sa sarili niya. Kailangan na nating unahan ang kalaban. We should keep her now on the underground basement," seryosong sabi ni Bryan. Napalunok ako. It's just Tuesday! Hindi nagsalita si Clauss. Mukhang wala rin siyang balak sumuway sa utos ni Bryan.
"Si Xavier ang magbabantay sa kanya pansamantala," dagdag pa ni Bryan. Napansin kong mariing kagat ni Clauss ang labi. He didn't want Bryan's idea but he couldn't complain. Clauss sighed in defeat. Inilabas niya ang handcuff mula sa bulsa niya.
Hindi siya makatingin nang diretso sa 'kin habang lumalapit. The handcuff was divided into two. Tila dalawang iron bracelet na ito. May mahabang tanikala na nakakonekta sa dalawang iron bracelet. It will be easy for me to move. Handa na sana akong tanggapin ang handcuff na akmang ipoposas niya sa 'kin pero bigla akong lumipad sa kanya palayo. Nagulat siya sa naging reaksiyon ko. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko. I moved out of my will. Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Someone's controlling me!
Naramdaman ko na naman ang mainit na enerhiyang dumadaloy sa buo kong katawan. Napangiwi ako dahil sa hindi nakakatuwang pakiramdam. I'm emitting dark energies. Pakiramdam ko pinapaso ng malakas na kapangyarihang ito ang buong sistema ko. I screamed in pain. Hindi naman alam nina Clauss kung paano ako lalapitan. Nagiging dark air blades ang enerhiyang lumalabas sa 'kin at sinusugod sila. Lumabas rin ang dark air wolf ko kahit hindi ko ginusto.
Inilabas ni Clauss ang fire wolf niya. Nakipagbuno ito sa dark air wolf ko. Bumuga ng apoy ang fire wolf pero natapatan ito ng itim na enerhiya na inilabas ng dark air wolf.
"Leave this to me," sabi ni Xavier. He put a null barrier around them. Naglalahong parang bula ang mga dark air blades na pinapakawalan ko kapag tumatama sa barrier. Agad din naglaho ang dark air wolf ko nang tamaan ito ng malaking dagger na gawa sa kapangyarihan ni Xavier. Napaurong naman ang fire wolf ni Clauss. Xavier released handcuffs made with void magic. He threw it to me and caught my hands. Naglaho ang fire wolf.
Dahil sa ginawa niya, hindi na ako makapaglabas ng kapangyarihan. Agad lumapit sa 'kin si Clauss.
"Posasan mo na siya Clauss. You know, I can't use and waste my magic for consecutive days. It will drain my energy," sabi ni Xavier. Wala ng nagawa si Clauss kundi sundin ang sinabi ni Xavier. Pinosasan niya ako. Pinaglaho naman ni Xavier ang heaven magic na ginamit sa 'kin.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Clauss. "What happened?" Umiling ako. Hindi ko alam kung sino ang kumontrol sa 'kin. Wala namang ibang tao rito kundi kaming apat lang. Was it really possible? Naiisip ko si Jeanne pero parang imposible naman. Was it the dark king. Mariin kong ipinikit ang mga mata bago muling nagmulat. Hindi! Not him!
"Hindi ko alam. Pakiramdam ko may kumukontrol sa katawan ko. I'm moving against my will," I answered. Hindi naman malaman ni Clauss ang sasabihin at gagawin. Naramdaman kong wala na rin ang kakaibang pakiramdam na naramdaman ko kanina. Napansin ko rin na may ilang kagamitang nasira sa loob ng opisina dahil sa ginawa ko.
"I'm sorry. Kailangan ka nang dalhin sa underground basement," tanging nasabi niya. Nararamdaman ko na gusto ko nang umiyak pero pinigil ko ang sarili. I must be strong. Lalong mahihirapan si Clauss kung makikita niya akong umiiyak. Si Xavier ang sumama sa 'kin patungo sa underground basement. Nagpaiwan naman si Bryan. Pauuwiin na niya ngayon ang mga estudyante dahil baka magwala na naman ang kapangyarihan ko. Baka mapaaga rin ang pagdating ng mga kaaway.
Inutusan na ni Bryan na magmatyag sa paligid sina Akira. Ang problema namin, marami ang kalaban at kakaunti kami. But I know, they can take care of the newbies. Bago pa lang sina Angel kaya hindi pa nila gamay ang mga kapangyarihan nila. They will be eliminated soon. Ang totoong mahirap kalabanin ay si Jeanne. She had all the control over things. Maging sina Aira ay napapasunod niya.
It's funny that there's a bed readied for me. Kumpleto sa loob at may banyo pa. May ilan ding damit na naroon. Sabi ni Xavier, pakakawalan niya ako kung maliligo ako but he'll use his power to seal my abilities. Umupo ako sa kama. The place was actually comfortable. Umupo si Xavier sa isang sofa. Tila pagod na pagod siya dahil sa mga nangyayari. Isinandal niya ang ulo sa sofa at tumingala sa kisame.
"Sorry. I dragged you in this situation. It's my fault. If only I was stronger," I said. He looked at me and smiled.
"No one wants this. Don't blame yourself. Iniisip ko lang kung ano'ng mangyayari kung makukuha ka nila. It will be a big problem. We will lose something very important. Hindi namin alam kung paano lalabanan sina Jeanne kung wala ka," problemadong sabi ni Xavier. Malaki talagang problema lalo na kapag naging kakampi ako ng kalaban.
"If only I can make a big null field where no magic is allowed, I can probably protect this academy," he frowned.
"Then, why not make one?" takang tanong ko sa kanya. I know he can do such thing.
"That's impossible. I can't hold it for so many days. Manghihina ako. Tiyak na maghihisterikal si Claudette kapag nangyari 'yon," he laughed humorlessly.
I frowned. "You're really over-confident about that," I said. I see. Hindi kakayanin ng katawan niya ang walang tigil na paggamit ng kapangyarihan. He's just a human. He needs rest.
Napapagod na humiga ako sa kama. "Ayos lang ba talaga na bantayan mo ako?" mahinang tanong ko. Nagiging pabigat na ako sa kanila. Bumibigat ang kalooban ko lalo na't ni hindi ko man lang sila matulungan. Kailangan pa nila akong bantayan!
"I can guard you better. Clauss can't probably control his self when you're around. Lalo na kung kayong dalawa lang sa silid na ito," natatawang pagbibiro ni Xavier. Naramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Sa tingin ko, tama nga siya. We don't want to complicate things even more.
***
Days had passed. Dumadalaw lang si Clauss kapag magdadala siya ng pagkain. Kapag nagtatanong ako kung ano ang nangyayari sa labas, hindi siya sumasagot ng matino. Parang ayaw niyang ipaalam sa 'kin.
Kinukutuban na tuloy ako nang masama. Thursday na ngayon. Mas lalo akong kinakabahan dahil malapit nang sumapit ang new moon. Bukas namin malalaman kung matutuloy ang mga nakita ni Frances. Pero sana hindi mangyari ang mga bagay na kinatatakutan naming lahat.--------------
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...