Chapter 18: Revelation

69.2K 2.4K 135
                                    

CLAUSS' POV

Nakinig ako sa sagot at paliwanag ni Elysha. 

"My body is getting weak. I only came here to find someone who's capable of using my power. Kailangan ko nang maipasa ang kapangyarihan ko kundi tuluyan na akong lalamunin ng kadiliman. I can't control it any longer," seryosong sabi niya. "I only got approximately two weeks before my power takes over me. Tiyak na hindi ko na makokontrol ang sarili ko na gumawa ng masama dahil wala na ako sa katinuan sa mga oras na 'yon. That's why I need your help," mahinang usal niya.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Balak niyang ipasa sa 'kin ang kapangyarihan niya? Hindi kaya mapahamak ako? Is this a trap?

"Ano'ng mangyayari sa 'kin kapag pumayag ako sa gusto mo?" nagdududang tanong ko sa kanya.

"Dalawa lang ang maaaring mangyari sa 'yo. It's either you lose yourself to the darkness or you win against it. It all depends on you. I have to warn you. The power of darkness is too strong that it can bring the worst out of you. Darkness is always right there with us but I'm not telling you that it's supreme," sabi niya.

Natahimik ako sa sinabi niya. Walang kasiguruhan na makokontrol ko ang kapangyarihang ibibigay niya. Maaaring ako pa ang makontrol nito. Mapapahamak ako maging ang mga mahal ko sa buhay.

"Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mo?" seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ako maaaring magpadalos-dalos sa paggawa ng desisyon.

Napansin ko na naging blanko ang ekspresiyon ng mukha niya. Unti-unti siyang napangisi nang nakakaloko. Nagdilim ang aura niya na tila ibang tao ang nasa harap ko. "Then that will be a problem. I have no choice but to go after Xyra. I wonder what will happen to her if the darkness totally eat her. Masyado siyang mabait kaya naku-curious ako kung magiging gaano siya kasama," nakakatakot na wika niya.

Naikuyom ko ang kamao. She's leaving me no choice. Alam niyang ayaw kong mapahamak si Xyra kaya natitiyak kong alam niya na aakuin ko ang responsibilidad. Hindi ko siya mapapatawad kapag sinaktan niya si Xyra!

Napansin ko na unti-unti nang nilalamon ng kadiliman ang buong silid. I snapped my fingers in the air to get her attention. Halatang natigilan siya at unti-unting natauhan. Maybe she's losing her control again. Mabuti na lang hindi pa siya tuluyang nakokontrol ng kadiliman. Unti-unting nawala ang kadilimang kumakalat sa buong silid.

"Ano'ng mangyayari sa 'yo kapag naipasa mo na ang kapangyarihan mo?" kunot-noong tanong ko.

"I'll die," mahinang sagot niya. Natigilan ako. "Well, it is better than losing myself to the darkness," nakangiting sabi niya.

Nahihirapan ako sa sitwasyon. Kung tatanggapin ko ang sinasabi niya, ako ang mahihirapan. Kung hindi naman ako papayag, si Xyra naman ang magkakaproblema. Seryosong tingin ang ibinigay ko sa kanya. I still have two weeks to decide. Mukhang hindi naman niya ako minamadali. Kailangan kong maging matalino sa paggawa ng desisyon.

"Magbihis ka na. May klase pa ako. If you want you can stay here," sabi ko. Tumayo na ako at naglakad patungo sa pinto. Napatitig ako sa kanya nang magsalita siya.

"I know you can find your way out. You're stronger than me. You have friends while I don't have any," mahinang sabi niya.

Naawa ako sa kanya. Nararamdaman ko ang paghihirap sa tinig niya. She sounded like she already gave up her life. Binuksan ko ang pinto at lumabas. Alam ko ang pakiramdam nang nag-iisa at walang kaibigan. Hindi ko siya masisisi sa pinagdadaanan niya. Alam kong hindi niya ito gustong mangyari.

Pumasok ako ng classroom. Nandoon na si Xyra. Nagtaka pa siya nang makitang nag-iisa ako.

"Nasaan si Elysha?" tanong niya nang makalapit ako. Nagkibit-balikat ako at umupo na sa upuang katabi niya.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon