XYRA's POV
It's been a week, hindi pa rin namin kilala kung sino ang taong may taglay ng darkness power maliban kay Jeanne. Hindi namin alam kung kilala ito ni Jeanne. We hope not. Malaking problema lalo na't marami ang aming kalaban.
There is Angel who can manipulate dreams and Jill who can use mirror magic. Nakalaban naman nina Xander si Krisha na nakakagamit ng poison power. Samantalang nasubukan naman nina Bryan ang kapangyarihan ni Aira. She was a fear projector. Mahirap siyang kalaban lalo na't ang bagay na kinatatakutan namin ang gagamitin niya laban sa'min.
Hindi naman maintindihan ni Xavier kung sino sa mga nakalaban nila ang gumagamit ng kapangyarihan. Kambal ang nakalaban niya. They're Clark and Clent. Xavier and Frances was brought inside a virtual world. Nagagawang ng mga ito si Xavier sugatan kaya hindi niya malaman kung ano ang kapangyarihang ginagamit ng mga ito. Maaaring pareho silang may taglay na kapangyarihan.
Hindi rin kami sigurado kung sila lang talaga ang mga kalaban namin. I sighed. Pumapasok pa rin si Angel pero hindi naman namin siya magawang kalabanin dahil sa mga ordinaryong tao na nakapalibot sa'min. Normal lang ang mga kilos nila kapag minamatyagan namin sila. Mukhang wala pa silang panibagong hakbang na ginagawa.
Naglalakad na kami ni Clauss sa corridor. We are heading to the canteen. Nakikiramdam lang kami sa paligid. Nagulat ako nang mahimatay ang isang babae na naglalakad palapit sa'min. Agad namin itong nilapitan ni Clauss. Hinawakan ni Clauss ang pulsuhan ng babae at pinakiramdaman.
"She just passed out. We should bring her to the clinic for check up," sabi ni Clauss. Binuhat niya ang babae. Namumutla ang magandang mukha at labi nito. I followed Clauss. I wonder what happened to her.
The campus doctor checked the girl right away. Aalis na sana kami ni Clauss pero agad ding lumabas ang doktor. Naisipan kong itanong kung ano ang nangyari sa babae.
"Ano pong nangyari sa kanya, doc?" tanong ko.
"She passed out because of stress and fatigue. Alam niyo ba kung ano ang course niya?" tanong ng doctor. Umiling ako. Ngayon ko lang siya nakita sa campus. Imposible ring matandaan ko siya sa dami ng estudyante sa Wonderland Academy.
"Can you buy food for her? Mamaya lang ay magigising na siya. Mukhang hindi pa rin siya kumakain," sabi ng doctor. Napalingon ako kay Clauss na mukhang walang pakialam. Tumango ako sa doctor at nagpaalam na. Pumunta muna kami sa canteen para kumain. Walang magagawa si Clauss kundi ang bumalik sa clinic kahit ayaw niya.
Buti na lang may lugaw sa canteen. Siguro pwede na naman ito? Hindi yata pwede ang heavy meal? Hindi kasi nagbigay ng specific food ang doctor. Wala namang comment si Clauss sa binili ko. I think, he doesn't care at all. Bumalik na kami sa clnic.
Natawa ang doctor sa binili kong pagkain. Okay lang daw kahit ano ang kainin ng babaeng nahimatay kaya napakamot ako sa ulo. Epic. Wala naman daw itong sakit. Pagod lang. Sinabi niyang gising na ang babae at handa na ngang umalis. Hinila ko si Clauss patungo sa kwarto ng babae para makita ito.
Gising na nga ang babae at nakaupo na sa kama. Nagsusuot na ito ng sapatos. Napalingon ito sa'min nang pumasok kami. Nag-aalinlangang kumaway ako sa kanya. I even greeted her but she didn't respond. She was looking intently on Clauss like I'm something invicible.
Halatang natuwa ito nang makita si Clauss. Nabigla ako nang patakbo itong yumakap kay Clauss kaya natumba sila paupo sa sahig. Mahinang napamura si Clauss dahil sa pagkabigla. Halatang nasaktan din si Clauss sa ginawa ng babae.
"I finally found you!" tuwang-tuwang sabi niya na parehong ikinakunot namin ni Clauss ng noo.
Napaawang ang labi ko nang biglang halikan ng babae si Clauss. Natigilan din si Clauss. Gulat na gulat siya pero ang nakakapagtaka ay hindi niya itinulak ang babae. Natulala lang siya. I was waiting for him to push away the girl but he didn't. They stayed in that position for minutes and it made me sick.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...