Chapter 10: Pieces of the Puzzle

85.4K 2.8K 509
                                    

Author's Note:

hello! I'm finally back! yey! party party!!!! musta n kau? Thanks sa lahat ng support and prayers. Finally! Licensed engineer na ako. Nakapasa ako sa board exam. To God be all the glory! <3

Thanks for the wait readers. Hindi na ako masyadong busy kaya makakapag-update na ako. But I need to find a job haha. Hindi naman siguro makakaapekto 'yon sa pagsusulat ko. Thank you so much sa lahat ^^

~~~

XYRA's POV

"I can't wait any longer, coward," sabi ni Selene. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa kagubatan. Now, it's up to me to follow her or not. I took a deep breathe and started to walk. I nervously followed her.

I have to take a risk. Maaaring makakuha ako ng impormasyon at maaari ko ring masubukan ang kapangyarihan ko kung sakali. Tumigil kami sa gitna ng kagubatan. Humarap sa'kin si Selene at humalukipkip habang nakangisi nang nakakaloko.

"I'm glad, you already got your powers back. Ito talaga ang hinihintay namin. You're making things easy for us," nakangising sabi ni Selene.

"What do you mean? Ano ba talaga ang binabalak niyo?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Don't tell me, they want to get our powers? Saan naman nila gagamitin ang mga ito? What's their goal?

"You don't have to know," maikling sagot ni Selene.

"Selene, ano ba ang ginawa sa'yo ni Jeanne? Subukan mong alalahanin ang nakaraan mo. Huwag kang magpakontrol sa kanya. You're not a puppet!" inis na sabi ko sa kanya. 

"Who's controlling who?" tanong ni Jeanne na lumabas mula sa isang malaking puno na ikinagulat ko. Aliw na aliw siyang nakatingin sa'min. Sa tingin ko, kanina pa siyang nakikinig sa'min. Itinago ko ang kaba na naramdaman ko. Dehado ako kung sakaling kakalabanin ko silang dalawa.

"Jeanne, sino ka ba talaga? May nagawa ba kaming masama sa'yo para guluhin mo kami?" matapang kong tanong. I really don't get why she's doing this. "Bakit kailangan mo pang idamay si Selene dito? Why did you take away her memories? Ano ba ang mapapala mo?"

"I did nothing wrong. She's just too lonely and I took it away. She must be grateful to me instead because I took away the pain of being rejected and of being left behind. Now, there's nothing left but darkness. Do you want me to take yours, too?" walang emosyong wika ni Jeanne.

"You're impossible. You can't just do what you want to do with anyone!" naiiling na wika ko sa kanya. Pain is one of the things that can make a person feel alive. No wonder, Selene became this cold and empty same as Jeanne. I wonder what made her this way. Hindi ko naman naaalala na nagkaroon kami ng atraso kay Jeanne. Hindi kaya, kontrolado lang siya ng King of Darkness? Or was she acting on her free will? I can't tell.

Talking nicely to them won't help me change their minds. Kailangan ba talaga namin silang kalabanin?

"Of course, I can. But I have to get rid of all of you first," makahulugang wika ni Jeanne. Ilang saglit pa, isang itim na puwersa na hugis ahas ang lumabas sa kanya na patungo sa'kin. Tila balak niya akong sugudin. Maghahanda na sana ako para umiwas sa atake niya pero biglang lumihis ng direksiyon ang itim na ahas patungo sa likod ko. Agad akong napalingon at nakita ko na patungo ito sa isang puno.

The dark snake suddenly disappear. Napakunot-noo ako nang makita si Cyrus na nakasandal sa puno at nakahalukipkip. Nakakalokong ngiti ang ibinigay niya kay Jeanne. Kanina pa ba siya sa kinatatayuan niya? Kinuha niya ang camera na nakasabit sa leeg niya. He took a shot of us.

"Interesting. Can you do that again Jeanne so I can take a good shot?" he winked at Jeanne. Hindi ko matukoy kung kakampi ba siya o kalaban.

"Annoying. Can't you just die?" Jeanne said and I knew she meant it. I can sense anger in her controlled voice. What's going on?

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon