NOTE: UNEDITED. Sorry for the typo error
XYRA
Six years later.
Mag-isa ako sa veranda. Kitang-kita mula sa kinauupuan ko ang magandang tanawin at ang malaking fountain. Naririnig ko ang malakas na ingay ng kasiyahan mula sa ibabang bahagi ng bahay. The sun was already setting. It was relaxing and comforting.
"May problema ba? Bakit binuburo mo ang sarili mo rito?" natatawang sabi ni Akira. I looked at him and frowned.
"Wala lang," nakasimangot na sabi ko. Pero sa totoo lang naiinis ako.
Umiling si Akira. "Maraming bisita sa baba. Kadarating lang nina Claudette kaya maingay. You should greet them. Hinahanap ka na nila," he said. Abot-tainga ang ngiti niya dahil sa sayang nararamdaman.
He was carrying a baby girl on his arms while walking towards me. I took the baby from him and smiled too. She's sleeping peacefully while sucking her small thumb. Walang inaalalang problema sa mundo.
"She's beautiful," I almost whispered. Umupo na rin si Akira sa tabi ko. He was looking at his baby too.
"Syempre! Mana sa Mommy!" he laughed. "Did you notice? Halos magkasalubong na ang maninipis na kilay niya. Halatang mataray rin. She's also demanding when she cries for milk," he said while softly tracing the eyebrows of his daughter. He was smiling tenderly. Marahan akong tumawa para hindi magising ang bata.
"Hey! Are you insulting me?" nakapamaywang na sabi ni Selene pero nakangiti siya. Lumapit siya sa 'min. Ibinigay ko sa kanya si Aileen. Hindi si Aileen ang unang anak nina Akira. Unfortunately, their first child died in the hospital after her delivery, four years ago. It's also a baby girl. Tumabi si Selene kay Akira. I'm glad naka-move on na silang dalawa sa pagkamatay ng unang anak nila pero alam kong masakit pa rin 'yon. Binyag ngayon ng anak nila kaya may kasiyahang nagaganap.
"Totoo naman," natatawang sabi ni Akira. Inakbayan niya si Selene. Sumimanngot lang si Selene at tumingin sa 'kin.
"Anyway, Xyra, nandiyan na pala ang sundo mo," nakangiting sabi sa 'kin ni Selene. Kumunot ang noo ko.
"Sino?" takang tanong ko sa kanya.
"Us," wika ng isang lalaking mula sa likod ko. Buhat-buhat ni Clauss si Xyrene sa mga bisig niya. Si Cyrus naman ay agad na lumapit sa 'kin. The twins were already four years old. Binuhat ko si Cyrus at pinaupo sa kandungan ko. Ang cute ni Cyrus at medyo maliit pa. Hindi ko akalain na makikita ko agad ang teen version niya noon. Sobrang laki ng pagbabago. Clauss kissed me on my cheeks. Titig na titig si Cyrus sa baby nina Akira.
"Akala ko hindi kayo pupunta?" takang tanong ko kay Clauss. Clauss grinned.
"We took care of some things before we went here. 'Di ba, Princess?" natatawang tanong ni Clauss kay Xyrene. Masayang tumango si Xyrene.
"May surprise si Daddy sa 'yo," natatawang sabi ni Xyrene. Kumunot ang noo ko.
"Hindi na 'yon surprise, sinabi mo na kasi," nakasimangot na sabi ni Cyrus. Kinamot naman ni Clauss ang ulo niya. Mahina akong tumawa dahil sa kakulitan nilang tatlo.
"Ano'ng surprise?" natatawang tanong ko kay Xyrene. Hindi siya marunong magsinungaling at madalas hindi niya kayang pigilan ang bibig niya. Akmang magsasalita na si Xyrene na halatang excited magkwento pero tinakpan na ni Clauss ang bibig ni Xyrene. Ang cute nilang tingnan. Bumulong pa si Clauss kay Xyrene para tumahimik siya. Marahan namang tumango si Xyrene na tila naintindihan ang sinabi ng Daddy niya. Inalis naman agad ni Clauss ang kamay niya sa bibig ni Xyrene dahil akala niya hindi na ito magsasalita.
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...