Chapter 26: Fusion of Techniques

82.4K 2.5K 114
                                    



XYRA


Sunday. Pinayagan ni Bryan na umuwi kami kahapon. Sa tingin kasi niya, walang kailangan si Jeanne sa Academy kaya wala itong gagawing masama. Nagpaiwan na lang si Bryan upang magbantay. Ipapaalam na lang niya kung sakaling magkaroon ng problema.


Umuwi si Clauss at Claudette sa lola nila. Umuwi na rin ako sa bahay. Natutuwa ako na ilang linggo nang hindi bumabalik ang mga black marks sa katawan ko. Sana tuluyan na itong maglaho pero parang imposible naman. Hindi dapat ako maging kampante.
 

Madaming nangyari na hindi namin inaasahan. Hindi ko na namalayan na September na pala. Hindi ko alam kung bakit hindi nagpaparamdam sa 'min si Jeanne. Nasa loob ako ng kwarto habang marahang pinapadaloy ang hangin sa buong katawan. Mamaya ay pupunta ako sa kapatagan para mag-ensayo. I have to master a new technique. Hindi na ako nagtangka na muling gamitin ang nine-headed air dragon. Natatakot ako na maulit ang nangyari noon.


Kumunot ang noo ko nang marinig ang tunog ng cellphone ko. Si Clauss ang tumatawag.


"Hello?" sagot ko.


"Nasa bahay ka?" tanong niya.


"Oo. Bakit? Mamaya aalis ako. Magsasanay ako," sabi ko.


"Saan ka pupunta?" takang tanong ni Clauss. Sinabi ko sa kanya ang lugar kung saan ako magsasanay. May malawak na kapatagan sa loob ng kagubatan.


"Okay. Bye," sabi ni Clauss. Lalo akong nagtaka nang patayin agad niya ang tawag. Napakamot ako sa ulo. Bakit kaya siya tumawag? Hindi man lang ako kinamusta. Binabaan pa ako. Ihinagis ko sa kama ang cellphone ko.


Makalipas ang isang oras, nagpasya na akong umalis. Nagsuot ako ng shorts at jacket. Sinuklay ko ang buhok ko. Nagpaalam ako kina Dad at Mom bago umalis. Nagtataka sila pero sinabi ko na may pupuntahan ako. Hindi nila alam na bumalik na ang kapangyarihan namin. Baka mag-alala pa sila kapag sinabi ko.


Pumunta na ako sa malawak na kapatagan. Malakas ang ihip ng hangin pero maganda ang panahon. Hinayaan kong liparin ng hangin ang mahaba kong buhok. Pumikit ako para langhapin ang simoy ng hangin. I let the air flow around me. Unti-unti akong nag-concentrate.


Maglalabas na sana ako nang isang air technique nang maramdaman ko ang isang bagay na nakadirekta sa kinatatayuan ko. Lumipad ako upang iwasan 'yon.


Nagtatakang lumingon ako sa pinanggalingan ng fireball. It's Clauss. Kumunot ang noo ko.


"Why are you here?" takang tanong ko sa kanya. He frowned.


"You should practice with me. And you forget something important," seryosong sabi niya sa 'kin. Lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Ano ang nakalimutan ko?


"Ano'ng nakalimutan ko?" tanong ko. Wala naman akong maalala na may sinabi siyang importante sa 'kin. Nagpractice lang naman kami nang mga nakaraang araw. Wala naman akong nakakalimutang gawin.


Lalo siyang sumimangot. "Later. Kapag hindi mo pa rin naalala, may parusa ka. Kailangan muna nating gawin nang maayos ang technique na sinasanay natin," he said. Kinakabahang tumango ako sa kanya. Hindi ko talaga maisip kung ano ang nakalimutan ko. Siguro pinagti-tripan lang niya ako. Baka tinatakot lang niya ako. Hindi ako mapalagay kahit isipin ko na gawa-gawa lang niya ang sinasabi niya.


"Ready?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako. Gumagawa kami ng isang technique nang magkasama. Pinagsasama namin ang mga elemento para mas mapalakas ang kapangyarihan namin. Hindi pa namin napeperpekto ang technique pero malapit na. Xavier will serve as our defense. Hindi kasi maaaring isama ang kapangyarihan niya sa kapangyarihan namin.


Bahagyang lumayo kami ni Clauss sa isa't isa. He started to make a fire wolf while  I made an air wolf. Ikinumpas ko ang kamay ko para hayaang sumanib ang air wolf ko sa fire wolf niya. The air wolf ran towards the fire wolf. They both jump in the air to fuse.


Sa isang iglap ay nagsanib ang mga technique namin. Isang air-fire wolf ang lumabas mula sa technique. The body of the wolf was made of fire while it's thick furs was made of air. It was made of blazing fire and air. Blue and red ang kulay nito. The wolf growled. I thought the technique was already perfect but the fire element ate the air element.


Napakamot ako sa ulo dahil sa nangyari.


"Concentrate a little more. I'm adjusting my power for you. Nararamdaman mo naman siguro kung gaano kalakas ang kapangyarihang ginagamit ko. Pantayan mo lang 'yon," naiiling na sabi ni Clauss. Ilang araw na naming ginagawa ito pero hindi ko pa rin makuha.


He's also practicing with Akira for the past few days. Sinubukan din naming pagsama-samahin ang mga elemento naming lahat pero hindi pa rin namin napeperpekto ang mga technique. Maybe I'm the one who have a problem. Natatakot kasi akong gamitin ng todo ang kapangyarihan ko. Baka kasi maulit muli ang nangyari noon. Baka lumabas na naman ang kapangyarihan ng kadilimanan mula sa 'kin. Natatakot ako sa maaaring mangyari.


"Sorry," nahihiyang sabi ko. I sighed. I can't go on like this. Hindi ko maalis ang takot sa buong sistema ko. This is not good. Hindi ako makatingin kay Clauss. Ilang linggo na nila akong pinagpapasensiyahan. Alam kong naiintindihan nila ang sitwasyon ko pero nakakahiya na. Wala pa akong nagagawang tama.


"Ano ba ang ikinakatakot mo?" kunot-noong tanong ni Clauss sa 'kin.


Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Ayaw kong mag-alala siya sa 'kin.


"Wala," pilit ang ngiti na sabi ko. Nag-iwas ako ng tingin nang lumapit siya sa 'kin. He cupped my face. Ihinarap niya ang mukha ko sa kanya. Tiningnan niya ako nang matiim sa mga mata.


"Liar," he said. I pouted. Ang hirap namang magsinungaling sa kanya.


"Clauss... Baka muling lumabas ang dark power at humalo sa kapangyarihan ko. Hindi ko ginagamit ang kapangyarihan ko para maiwasan 'yon. What will I do? Natatakot akong maulit ang nangyari," mahinang sabi ko.  "Baka pagkatapos nu'n, mawala na ako sa sarili ko," nag-aalalang sabi ko.


"It will not happen. Huwag mong isipin 'yan. Just do what you have to do. Matagal mo ng hindi nakikita ang mga black marks, 'di ba? Hindi ka na rin nahihimatay at wala ka ng nararamdamang kakaiba sa sarili mo. Baka nawala na ang dark power sa 'yo," he said comfortingly. Alam kong hindi siya sigurado sa sinasabi. Pinapagaan lang niya ang loob ko.


"At saka kapag inisip mo na laging ganu'n ang mangyayari sa 'yo, baka magkatotoo. Do  not let your fear eat you," seryosong sabi niya. I smiled. Masyado na akong nagiging matatakutin. Muntik ko ng makalimutan na hindi ako nag-iisa.


"Let's continue the practice," I said. He looked at me. Tila sinisigurado niyang maayos na ako. He sighed then nodded.


"Don't worry. I will never leave you. Hindi ko hahayaang mapahamak ka," nakangiting sabi niya.


"I know," I said. "Hindi na ako matatakot dahil naniniwala ako sa 'yo. If ever I'll lose myself, I know, you will  save and bring me back. Alam kong ipapaalala mo sa 'kin ang lahat," nakangiting sabi ko. Huminga ako nang malalim. Inalis ko sa sarili ang takot na bumabalot sa puso ko. It is now the time to let go all my fears. Nasa tabi ko lang si Clauss. Naniniwala ako sa kanya.


Marahang pinisil ni Clauss ang mukha ko kaya sumimangot ako.


"Trust me and trust your heart. Hindi ka mawawala kapag ginawa mo 'yan. And remember my love for you was greater than your fear," he said then smiled. Nakangiting tumango ako sa kanya. He kissed the back of my hand before he let go.


"Sigurado kang maayos ka na?" naniniguradong tanong niya.


"Yes. Magagawa ko na siguro ng tama ang technique. Just give me time," nakangiting sabi ko sa kanya.


"Good. Mabuti naman at matatapos na tayo. Gusto na kitang parusahan dahil may nakalimutan ka," naiiling na sabi niya. Bigla akong kinabahan. Ano ba kasi ang nakalimutan ko?


"Ano nga kasi 'yon?" pangungulit ko. "Sabihin mo na." Kinakabahan ako sa parusa niya. Mukha kasing seryoso siya sa sinasabi niya.


"No. Alalahanin mo," he said. Lumayo na siya sa 'kin. Ngumuso ako dahil sa sinabi niya. He started to release the fire wolf. Inilabas ko na rin ang air wolf ko. Matinding konsentrasyon ang ginawa ko. Hindi na ako pwedeng magkamali. Hindi ko kailangang matakot dahil may magliligtas naman sa 'kin. He's here. Tiyak na gagawin niya ang lahat para maibalik ako sa dati. Hindi niya ako pababayaan.


Muli naming pinagsanib ang mga techniques namin. I released as much energy as needed. Kinokontrol ko ang hangin para hindi ito muling makain ng apoy. At the same time pinapalakas ko rin ang fire power ni Clauss. Tila may makintab na asul na aura ang pumapalibot sa air-fire wolf na ginawa namin. It's body was perfect. Mapang-akit sa mga mata ang magkahalong kulay ng asul at pula.


The wolf growled so loud.


"Let's try this technique together. Gusto kong malaman kung tatagal ito sa labanan," seryosong sabi ni Clauss. I nodded. Ikinumpas ko ang kamay ko sa hangin para kontrolin ito. The air-fire wolf run in mid air. Kaya nitong lumipad sa hangin. I air-fire wolf growled and a big sphere of fire came out from it's mouth. It was directed upward. Pinaglaho ni Clauss ang fire sphere na pinakawalan nito.


"Too bad. Hindi natin ito masubukan sa isang totoong labanan ngayon. Maybe we should as Akira and Selene to practice with us. We can't destroy this place," sabi ni Clauss. Ikinumpas niya ang kamay at tumakbo ang air-wolf patungo sa kanya. Tila isang maamong hayop na hinaplos ni Clauss ang katawan at ulo nito. Paikot-ikot sa kanya ang air-fire wolf na tila nakikipaglaro.


Lumapit ako sa kanila. Mukhang enjoy na enjoy si Clauss sa pakikipaglaro sa air-wolf.


"Hindi ka ba nahihirapang kontrolin ang kapangyarihan mo sa technique na ito?" tanong ni Clauss sa 'kin.


"Medyo. Pero masasanay rin ako. Ano nga pala ang nakalimutan ko? Sabihin mo na," kinakabahang wika ko sa kanya. He frowned.


"You really forgot," tila nagtatampong sabi niya. Ano ba talaga ang meron. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi ko na talaga maalala.


Sumakay siya sa air-fire wolf namin. Inilahad niya ang isang kamay sa 'kin kaya lalo akong nagtaka. "Come. Paparusahan pa kita," seryosong sabi niya. I gulped but I accepted his hand. Inalalayan niya akong umupo sa unahan niya. Lumipad sa hangin ang air-fire wolf namin paitaas.  Niyakap ako ni Clauss mula sa likod. Ipinatong niya ang chin niya sa balikat ko.


"Clauss! Baka may makakita sa 'tin," kinakabahang sabi ko. Sa tingin ko, patungo kami sa tuktok ng isang bundok. Hapon na kaya hindi gaanong masakit sa balat ang sikat ng araw.


"I don't think so," sagot niya. Sumimangot ako. Bahala na nga siya. Mukhang alam na alam niya ang ginagawa niya.


"Ano ba kasi ang nakalimutan ko?" pangungulit ko sa kanya. Nakarating na kami sa tuktok ng bundok. Bumaba agad si Clauss at inalalayan ako pababa. Napansin kong nakasimangot siya. Naglaho na ang air-fire wolf namin dahil pinalakas ni Clauss ang fire element niya. Kinain na naman nito ang air element ko.


Nagulat ako nang gumawa siya nang maraming fire wolves na pumalibot sa 'kin. Tila aatakihin ako ng mga fire wolves na ginawa niya. They're all growling at me. Ito na ba ang parusa ni Clauss? Balak ba niya akong litsunin ng buhay? Ano ba kasi ang nakalimutan ko?


"Wala ka pa ring naaalala?" inis na tanong niya.


Nagtatakang umiling ako. He sighed. Halatang nauubos na ang pasensiya niya. Mas lalong nagalit ang mga fire wolves. Napaurong ako nang magsimula silang maglakad patungo sa 'kin.


"Wala pa rin?" naiinip na tanong ni Clauss. Nataranta ako. Bakit kasi ayaw gumana ng utak ko. Ano ba ang nakalimutan ko? May inutos ba siya sa 'kin na nakalimutan kong gawin?


"Wala pa rin eh," sagot ko. Kinagat ko ang labi ko. Napasigaw ako nang tumalon ang mga fire wolves patungo sa 'kin. Takot na takot na napaupo ako sa lupa. Mariing kong tinakpan ng mga kamay ang ulo ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.


"Naaalala ko na Clauss!" malakas at biglaan kong naisigaw. Makalipas ang ilang minuto, napansin ko na walang fire wolf na kumagat sa 'kin. Iminulat ko na ang mga mata ko. Wala na ang mga fire wolves ni Clauss. Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko talaga malilitson na ako.


"Naalala mo na?" umaasang tanong ni Clauss. Tila nagliwanag ang mukha niya. Nag-iwas din siya agad ng tingin na tila nahihiya. Hindi ako sigurado kung tama nga ba ang naaalala ko. Sabi niya kanina importante ang nakalimutan ko.


"Kaya ka ba nagagalit kasi nakalimutan kong sabay tayong magla-lunch noong isang araw? O dahil hindi ko pa naibabalik ang librong hiniram ko sa 'yo?" nakangiwing tanong ko sa kanya. He sighed ang looked at me. Halatang nainis siya sa sinabi ko. Patay. Mukhang mali ako.


"You're hopeless," naiiling na sabi niya sa 'kin. Tila nasaktan ko siya dahil hindi ko naalala ang gusto niyang maalala ko. Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad palayo. I'm really dead. Ano ba kasi ang nakalimutan ko?Agad akong tumayo. Gusto ko siyang habulin kaso mukhang galit na talaga siya. Bakit ba kasi hindi na lang niya sabihin? Ang hirap kayang manghula.


Mahina kong hinampas ang noo ko. Baka sakaling maalala ko. Nakakatakot ang mga fire wolves niya kanina. Baka mamaya litsunin na talaga ako ni Clauss kapag hindi ko pa naalala. Biglang may sumagi sa alaala ko.


Wolves? Napaawang ang mga labi ko. How could I forgot this special day! He's right. I'm really hopeless! Malayo na si Clauss. Kailangan ko siyang habulin pero hindi ko alam kung paano magso-sorry sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

-----------------

TO BE CONTINUED...

Author's Note:

Super tagal ng UD haha.. Sensya na.. Ingat lahat.. God Bless ^_^

Thanks sa bago nating cover photo ^_^ Credits to Jeanne ^_^

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon