Chapter 23: Under Observation

79.8K 2.6K 81
                                    

AUTHOR's NOTE:

Sorry dahil sobrang tagal ng Updates ko. Every Saturday or Sunday na lang ang Updates. May work na kasi ako. Depende kung hindi ako pagod, makakapag-Update ako sa weekdays. Haha! I hope you understand. Please bear with me.

Salamat pala sa mga nagbabasa at sumusuporta sa story na ito. Simula sa book 1 hanggang sa book 2. I'm very thankful to have all of you. Sana hindi kayo magsawa kahit matagal na ang update. I love you all. And God bless!

~Missmaple

--------------------

XYRA

Natatakot ako habang tinitingnan ang mga black marks na umiikot sa katawan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Takang-taka naman si Clauss na nakatingin sa 'kin. Hindi niya nakikita ang mga nakikita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa 'kin. Baka magkatotoo ang mga nakita ko.

"May nakikita ka talaga?" takang tanong ni Clauss. Nakakunot na ang noo niya. Naguguluhan na siya.

"May mga black marks na umiikot sa katawan ko," nanghihinang sabi ko. Pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Hindi ako matutulungan ni Clauss kung hindi niya nakikita ang mga black marks na nasa braso ko at ibang parte ng katawan ko.

"Baka nagha-hallucinate ka lang. You've been asleep for three days. You should eat. I'll buy something for you," he said. Akmang aalis na siya pero hinawakan ko ang manggas niya para pigilan siya. He looked at me, puzzled.

"Don't go, please. Natatakot ako," nagmamakaawang sabi ko. He sighed. He's worried. Hinila niya ako at niyakap. Marahan kong kinagat ang labi ko. Naiiyak ako sa maaaring mangyari sa akin. Hindi ko alam kung kaya kong malampasan lahat ng ito. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Natatakot akong matulad kay Selene. Natatakot akong maging masama. Natatakot akong makalimutan ang lahat. Natatakot akong makalimutan si Clauss. Natatakot akong makalimutan ang sarili ko.

"Xyra. I'm sorry. Hindi kita naprotektahan. Pero hindi ako papayag na maulit 'yon. Kung ito na ang resulta nang ginawa sa 'yo ni Elysha, gagawin ko ang lahat para hindi ka nila makuha. If they succeed to control you, I will definitely bring you back. You don't have to be scared. I'm always here for you," he whispered. Halatang nahihirapan din siya. I could feel that he was sincere. Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. Pinapakalma niya ako. I sighed deeply. I'm glad he said those words. He made me calm.

I hugged him back. I know. Hindi niya ako pababayaan. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko na mag-isa lang ako.

"I know you're strong. Alam kong kaya mong lampasan ito," dagdag pa niya. "I love you. I can't afford to lose you. I will definitely won't let them take you away from me," dagdag niya. I smiled a bit. I know that too. Kumalas siya sa pagkakayakap sa 'kin. He cupped my face and looked in my eyes.

"Huwag kang magpapatalo. Naiintindihan mo? Magkasama tayong lalaban," he seriously said. Marahan akong tumango. He smiled and gave me a kiss.

"Let's go. Kumain ka muna. Kailangang malaman ni Bryan ang mga nangyayari sa 'yo. We will fix this," he said. Inalalayan niya akong tumayo. Napansin kong unti-unting naglaho ang mga black marks sa katawan ko.

"Clauss, nawawala na ang mga black marks," masayang sabi ko sa kanya. Ibig sabihin, hindi na matutuloy ang binabalak nina Jeanne sa 'kin? Nawawala na nga ba ang epekto nang ginawa nila sa 'kin? Kumunot ang noo niya. Nawala na lahat ng black marks sa katawan ko.

"Don't you think it's too fast?" takang tanong niya. "Siguro gutom ka lang talaga," he said and smiled. He patted my head. Gutom lang ba talaga ako?

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon