Chapter 40: Betrayed

74.7K 2.6K 380
                                    

CLAUSS

The dark king was now ready to attack. He was now making a large dark energy ball in one of his hand. Seryoso ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. He was showing no mercy. Handang-handa na siya upang tapusin ako. Xyra was looking blankly at us. Walang kahit anong bakas na unti-unti na niya kaming naaalala. Wala siyang pakialam sa maaaring mangyari sa 'min nina Akira. She was also waiting for the dark king to move.

"Xavier! Try to bind the dark king. Nullify his power," sabi ko sa isip ko. It's good that we can communicate through our minds. Hindi nila maririnig kung ano ang mga plano namin. I gritted my teeth. Hindi namin nagawang maibalik sa dati si Xyra kaya dehado pa rin kami. Kung nagtagumpay lang sana ako, tiyak na malalamangan namin ang dark king sa laban na ito. Xavier agreed with me. Naghanda siya pero hindi niya ipinahalata sa dark king na may binabalak siya. 

"Frances, nakikita mo na ba ang sunod na mangyayari? May nagbago ba? How about you, Selene? Natalo mo na ba ang dark beast?" sunud-sunod na tanong ko sa utak ko. Hindi na rin ako mapakali. Hindi sapat ang kapangyarihan namin laban sa dark king. He's immortal. The only way to defeat him is by sealing him away through the ue of our powers. Kasama ang kapangyarihan ni Xyra sa kailangan namin. I released a large blazing fireball on one of my hands. Naghahanda na ako para sa pag-atake ng dark king. I should not take him lightly. I must fight with all I've got.

"I'll take care of the defense," sabi naman ni Akira. Naging alerto rin siya. Babantayan niya ang bawat kilos ng dark king upang mas madali namin itong maiwasan at madepensahan. I'll go for the offense. Akira will be watching mine and Xavier's back. 

"I'm still fighting. The monster is strong, fast and powerful," sabi ni Selene. "But I'll make sure to defeat this. Wala akong balak magpatalo. Not with this ugly dark beast."

"The plan is working accordingly. Continue fighting but your forces are not enough to defeat him. We need Xyra and Selene to fight along with you," Frances said. "Nagawa mo bang ibalik ang alaala ni Xyra?" nag-aalangang tanong niya.

"Hindi. Biglang dumating ang dark king kaya hindi ko siya nagawang lapitan. Sinabi mo na ilayo ko sila sa isa't isa pero hindi ako nagtagumpay. Kung nagmadali lang sana ako, baka naibalik ko siya sa dati," puno ng panghihinayang na sabi ko. "Now, I don't know what to do. Tiyak na mahihirapan na akong lapitan muli si Xyra. Hindi na papayag ang dark king. Gagawin niya ang lahat para pigilan ako. I'm sorry."

"It's not the time for sorries and regrets. Let's focus on our enemy. Babalik din si Xyra. Let's have faith on her abilities," seryosong sabi naman ni Xavier. Bumuntong-hininga ako. Tiningnan ko si Xyra pero wala talaga akong makitang kahit kaunting emosyon sa mga mata niya. 

"Akala ko bumalik na si Xyra. Pero nakapagtataka na ganu'n pa rin ang nakikita ko sa hinaharap. Walang nagbabago. Everything is going to be alright," Frances said. "Did I miscalculate the future?" takang tanong niya. Hindi niya kami tinatanong. Tinatanong niya ang sarili niya. 

At hindi ko rin alam kung nagkamali nga ba siya. It's rare for her to get it wrong. Gumalaw na kami nang humakbang ang dark king papalapit sa 'min. Nanatili naman si Xyra sa kinatatayuan. Naghihintay siya sa sunod na gagawin ng dark king. Humalukipkip siya at seryosong nanood sa bawat galaw namin. Sinabi ko kina Akira at Xavier na humanda na at maging alerto. Kumain kami ng tig-iisang healing candies para maibalik namin ang nawalang lakas. 

"Selene! We'll be waiting here. Don't lose," seryosong sabi ni Akira. Nag-aalala pa rin siya kay Selene dahil mag-isa lang itong nakikipaglaban sa isang halimaw.

"Got it," Selene said. "What do you think of me? I'm not that weak," mataray na saad niya. Hindi pa rin talaga siya nagbabago kahit si Akira pa ang kausap niya. Napansin ko ang bahagyang pagngisi ni Akira. Sanay na siya sa ugali ni Selene.

Wonderland Magical Academy: Escaping DarknessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon