You can tweet me your reactions on Twitter @missmapleWP with hashtag #WMAED if you want. :)
AUTHOR'S NOTE
Hello! Another Freedom wall hahahaha!
First of all, salamat sa lahat ng nagbasa ng Escaping Darkness hanggang sa huling chapter. Salamat sa paghihintay ng matatagal na updates. Salamat nang marami sa comments, votes, reads and follows. Sorry kung hindi ako nagrereply sa comments. Hindi ko kasi alam kung sino ang rereplayan. Pero natutuwa ako sa inyo. I'm reading your messages so don't worry. Minsan nagrereply naman ako kapag hindi busy.
Now I want to tell the truth about this story "Escaping Darkness". Hahaha! May ganito talaga? March 2014 ko ito isinulat. I think, Chapter 1 to 10 lang ang nagawa ko dahil na-on hold ito noong April. May board exam kasi ako noong September 2014 kaya kailangang mag-review. Haha! Matagal akong hindi nagsulat! (Huhu) After ng board exam ko, na swerteng naipasa ko (Hooray!), hindi ko na talaga alam kung paano isusulat ang story na ito. Hindi ko na alam kung paano babalikan! Haha! Nakalimutan ko na lahat.
Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko dahil marami na itong laman dahil sa review. Napuno ng formula ang utak ko at nagkaroon ako ng writer's block. Haha! Totoo 'to. Pero pinilit kong magsulat at mag-update dito. Kahit hindi ko alam kung ano ang isusulat. Gusto ko nga sanang tumigil at magsimula na lang ng bagong story kaso kapag ginawa ko 'yon, hindi ko na ito mababalikan. Nagtatype ako basta may maisulat lang. That time kasi, hindi ko talaga ma-imagine ang mga mangyayari kina Clauss at Xyra.
Actually hanggang sa matapos ko ito, hindi ko pa rin ma-imagine. Kaya nagno-note ako after ng update ko na hindi ko rin alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Hahaha! Totoo 'yon! Haha! Madalas, maikli lang ang update ko. Hindi ko na kasi alam kung ano ang susunod na mangyayari.
Pinilit ko lang magsulat para mawala 'yong writer's block at bumalik na ang imagination ko. Kapag kasi tumigil ako at naghintay na mawala ang block na 'yon, wala akong masisimulan at matatapos. Baka matagal pa bago ako makapagsulat ulit. Kaso gustong-gusto ko talagang magsulat kaya hindi ako napigilan ng writer's block. Hahaha! Ang problema lang, come what may ang nangyayari sa pagsusulat ko. Hihihihi!
Hindi rin ako satisfied dito. Saka lang ako nag-iisip ng update kapag nakaharap na ako sa notepad. (Hindi ako nagsusulat sa MS Word kaya hindi ako aware sa number of words na naisulat ko. Wahaha! Nagha-hang kasi minsan.) Marami akong gustong isulat at idagdag. Balak kong i-revise ito, FROM THE START. Marami akong gustong baguhin at gusto kong gawing detalyado ang mga laban. Gusto kong mas pahirapan sina Clauss. Hahaha!
Anyway, may bago akong story. Alkia Kingdom: Beyond the Ranking Quest ang pamagat. Feeling ko maisusulat ko na siya nang maayos dahil pumapasok na sa utak ko ang mga scenes sa story na 'yon. Na-iimagine ko na rin. Yehey! Wala na ang writer's block. Naeexcite ako sa Alkia Kingdom katulad ng naramdaman ko sa Touch of Fire. Wahahaha! Sana suportahan din ninyo. Fantasy story rin ang Alkia Kingdom.
You can comment anything basta constructive. I appreciate it a lot. Thanks for bearing with me until now. Thanks for the support and love. I hope I can see you too in my new story. I love you all! Thanks sa time at patience ninyo! Hart. Hart.
NOTE: Isusulat ko ang story ni Cyrus (CHASING LIGHT)after ng Alkia Kingdom
P.S. May surprise na darating soon hahaha! Hindi ko nga lang alam kung kailan. Thanks sa lahat! Love you all. Hart. Hart. :D
BINABASA MO ANG
Wonderland Magical Academy: Escaping Darkness
Fantasy(BOOK TWO OF WONDERLAND MAGICAL ACADEMY: TOUCH OF FIRE) (FINISHED) Xyra Buenafuerte thought it was already a happy ending but she was totally wrong. Marami pa palang mangyayari. May mga bagay pa pala silang dapat ipaglaban at harapin. Will they win...